THIRD PERSON POV
Tahimik na kumakain ng almusal ang mag-asawang Ian at Rannicia kasama ang kanilang anak na si baby Levi. Si Michelle ay nagsabing hindi sasabay sa kanilang mag-breakfast at kikitain daw ang isang kaibigan na rati rin nitong katrabaho tutal ay weekend ng araw na iyon.
Iniisip ni Ian kung nagdahilan lamang ba si Michelle para maiwasan siya. Alam naman niyang nahihirapan ang babae na makita siya sa iisang bubong at wala itong magawa para sa nararamdaman nito para sa kanya.
Kaya naman para hindi na mahirapan si Michelle ay aalukin ito ni Ian ng ibang trabaho para hindi na ito kailangang makisama sa kanila ni Rannicia sa iisang bahay. Ihahanap niya ito ng ibang bahay na mas malapit sa magiging trabaho nito oras na tanggapin nito ang iniaalok niya. Mamaya ay tatawagan niya si Denver, ang kanyang kaibigan at isa sa mga tao sa kanyang talyer, para magtanong kung may alam itong ibang pwedeng maging trabaho ni Michelle.
Maging si Ian ay kailangan ding makaiwas kay Michelle dahil simula nang umamin ang babae sa kanya na mahal na siya nito ay parang mas lalo pa siyang na-attract sa babae. Lagi niyang naiisip ang mga maiinit na sandaling namagitan sa kanilang dalawa. At hinahangaan niya ang tapang nito na magtapat sa kanya ng totoong damdamin nito. Idagdag pa na ang sarap ng niluto nitong breakfast nang umagang iyon.
Nasa ganoong pag-iisip si Ian nang tumunog ang doorbell sa labas ng gate ng kanilang bahay ni Rannicia. Nagkatinginan sila ng asawa. Siya na ang nag-volunteer na lumabas para tingnan kung sino ang nasa labas ng gate ng bahay.
Pagkabukas ni Ian ng gate ng kanilang bahay ay nanlaki ang kanyang mga mata rahil sa pagkabigla. Nasa harapan niya ngayon ang kanyang nag-iisang kapatid na si Yuki.
Yuki: Kuya Ian!
Masayang-masayang niyakap ni Yuki ang kapatid nitong si Ian. Si Yuki ay nakatira sa probinsya kung saan ipinanganak at nagkaisip si Ian. Ngayon na lang ulit nagkita ang magkapatid pagkatapos ng binyag ni baby Levi.
Pagkatapos makabawi sa pagkabigla ay niyakap pabalik ni Ian ang kapatid na si Yuki. Maya-maya ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa kapatid.
Ian: Yuki, buti napadalaw ka.
Tumawa naman si Yuki at pinalo pa sa kanang braso ang kapatid.
Yuki: Naku, Kuya. Plano kong magtagal dito. Na-miss ko kaya ang nag-iisa kong kapatid. Okay lang kaya kay Ate Rannicia na magtagal ako rito?
Nakangiti namang tumango si Ian.
Ian: Oo naman. Alam niyang ikaw na lang ang nag-iisang pamilya ko matapos pumanaw ng mga magulang natin.
Pagkabanggit sa mga magulang ay biglang nagkaroon ng lambong ang mga mata ni Ian. Bigla ring nawala ang ngiti sa mga labi ni Yuki nang makitang lumungkot ang mukha ng kapatid nito.
Yuki: Sinisisi mo pa rin ba ang sarili mo rahil sa pagkawala nila, Kuya Ian? Wala ka namang kasalanan, Kuya.
Umiwas ng tingin si Ian sa kanyang kapatid.
Ian: Maraming taon na ang lumipas, pero hindi pa rin maiwasang minsan ay maisip ko ang mga pinaggagagawa ko noon. Pati ang pag-aaral ko ay hindi ko natapos dahil sa mga naging kasalanan ko.
Nakakaunawang ngumiti si Yuki bago nagsalita.
Yuki: Matagal na iyon, Kuya. Hindi mo naman hinayaang mapariwara ka nang tuluyan. Tingnan mo nga at may sarili ka ng talyer na malaki ang kinikita. Tapos may sarili ka na ring pamilya. Mahal na mahal ka pa ni Ate Rannicia.
Nang sabihin iyon ni Yuki ay medyo gumaan ang pakiramdam ni Ian at ngumiti sa kapatid.
Ian: Sana ay ganyan din ang iniisip ng mga tao sa baryo natin.
BINABASA MO ANG
Homewrecker
General FictionSi MICHELLE SAGROSO, ang babaeng maghihiganti sa sariling mga kamag-anak. Sa kanyang paghihiganti, makamtan kaya ang sayang hinahanap o magdudulot ito sa kanya ng matinding hinagpis at pagdurusa? Makakamit kaya niya ang pagmamahal na inaasam? ...