CHAPTER 23

390 6 0
                                    

THIRD PERSON POV

Mabigat ang loob ni Melba habang kumakain ng almusal sa loob ng malawak na dining room ng mansyong ipinamana sa kanya ng amang si Damien Allegrino bago ito pumanaw. Kasama ni Melba na kumakain ang asawang si Jerome Illuzano.

Naikwento na ni Melba sa kanyang mister ang biglaang pagbisita niya sa bahay ng kanilang anak na si Rannicia Illuzano-Arguelles at ng asawa nitong si Ian Arguelles kahapon na hindi ikinatuwa ng kanyang asawa.

Dahan-dahang binuksan ni Melba ang malaking main entrance door ng mansyon ng mga Allegrino para hindi makagawa ng ingay kung sakaling natutulog na ang kanyang asawang si Jerome. Alas onse na ng gabi at ngayon lamang nakauwi si Melba mula sa pagbisita sa kanyang anak na si Rannicia matapos ang ilang taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak.

Noong isang araw habang inaalala ni Melba ang kanyang mga namayapang magulang na sina Damien at Felicity Allegrino at ang kapatid niyang si Zyralene na matagal na ring pumanaw ay marami siyang napagtantong mga bagay sa buhay.

Na-realize ni Melba na hindi magandang tinitikis niya ang kanyang anak na si Rannicia dahil lamang nag-asawa ito ng isang lalaking sa tingin niya ay hindi kayang buhayin ang kanyang anak. Ang inaalala lang naman ni Melba noon ay baka matulad ang kanyang anak sa sinapit ng kanyang kapatid kasama ang lalaking isang kahit at isang tuka.

Hindi lingid kay Melba ang naging buhay ng kapatid na si Zyra matapos itong umalis ng kanilang mansyon at sumama sa kasintahan nitong si Timothy sa isang malayong probinsya.

Alam ni Melba na may h-in-ire na private investigator ang inang si Felicity para patuloy itong magkaroon ng balita tungkol sa bunso nitong anak. Alam din ni Melba na ilang beses sinubukan ng kanyang ina ang magbigay ng tulong sa kanyang kapatid ngunit lahat ng iyon ay bumabalik lamang dito.

Hanggang sa tuluyan nang napagod ang ina ni Melba sa pagpapasubaybay sa kapatid niyang si Zyra at unti-unti nang nanghina ang katawan nito dahil sa labis na kalungkutan na naging dahilan ng kamatayan nito.

Dahil sa hindi naging maganda ang buhay ng kapatid ni Melba kasama ang lalaking si Timothy na walang permanenteng trabaho kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtutol sa relasyon ng kanyang anak na si Rannicia sa lalaking ipinakilala nito sa kanilang dalawa ng kanyang asawang si Jerome.

Si Ian ang kauna-unahang naging kasintahan ni Rannicia at sampung taong gulang ang tanda nito sa anak ni Melba. High School dropout si Ian at nagtatrabaho sa isang talyer.

Ang mga bagay na iyon ay sapat nang dahilan para tumutol si Melba sa pagpapakasal ng anak na si Rannicia kay Ian. Nang mga panahong iyon ay nakikita ni Melba kay Ian ang lalaking napangasawa ng kanyang kapatid na hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral at hindi mapakain ng tatlong beses sa isang araw ang mag-ina nito dahil sa wala itong permanenteng trabaho.

Samu't saring masasakit na mga salita at mga insulto ang sinabi ni Melba kay Ian nang araw na ipakilala ito sa kanya ng kanyang anak. Hindi sumasagot si Ian sa kanyang mga panghahamak dito ngunit si Rannicia ay parang abogado ni Ian na ilang beses na dinepensahan ang kanyang kasintahan mula sa mga pangmamaliit na ginawa ni Melba sa lalaki.

Nang araw ding iyon ay nagdesisyon si Rannicia na umalis ng kanilang mansyon at sumama sa kasintahan nito na labis na ikinasama ng loob ni Melba dahil hindi niya matanggap na mas pinipili pa ng kanyang anak na sumama sa taong ilang buwan pa lamang nitong nakikilala kaysa ang makinig sa kanyang mga sinabi rito. Nang araw na iyon ay naulit ang nangyari sa loob ng mansyong iyon ilang taon na ang nakalilipas nang lisanin ng kapatid ni Melba ang kanilang malaking bahay para sumama sa lalaking pakakasalan nito.

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon