CHAPTER 7

1.5K 17 4
                                    

MICHELLE's POV

Mabilis akong napabangon habang naririnig ko ang tuluy-tuloy na malalakas na katok mula sa main door.

Argh! Akala ko ba mamaya pa si Rannicia? Nakakairitang asungot 'to!

Napansin kong nataranta si Ian at mabilis na bumaba mula sa kama. Bakat na bakat ang naninigas na ari nito sa loob ng boxer briefs habang nagkukumahog na pulutin sa sahig ang mga saplot nito. Napangisi ako sa nakikitang pagkataranta niya.

"Ian! Michelle! Buksan ninyo ang pinto!"

Mas lalong nagmadali si Ian nang marinig namin ang nakaririnding boses ni Rannicia. Napatingin ito sa akin.

Ian: Ano ba, Michelle? Ano pang itinutunganga mo? Magbihis ka na. Pagkalabas ko rito, pagbuksan mo ng pinto si Rannicia. Didiretso ako ng kwarto namin. Sabihin mong pagod ako at hindi na nakakain.

Nakakahangang kaya pa rin nitong mag-isip ng palusot kahit natataranta na. Kagat-labi akong napangiti kay Ian bago sumagot.

Michelle: Talaga ba? Hindi ka pa kumakain? Pinapak mo nga ang labi at mga pakwan ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Ian at dinuro.

Ian: Nadala lang ako, Michelle. Natukso. Huli na ito. Tandaan mo 'yan. Asawa ako ng pinsan mo. Alamin mo kung anong posisyon mo sa bahay na ito.

Nalikom na nito lahat ng pinaghubarang damit at tumalikod na para lumabas ng aking kwarto.

Ian: 'Yong mga butones ng polo ko linisin mo kung ayaw mong magkaproblema tayo.

Nakangisi lang ako sa likod ni Ian habang pinagmamasdan ang maskulado niyang likod. Alam ko namang pilit niyang nilalabanan ang kanyang kaba. Nagtatapang-tapangan sa harap ko. Pero ang totoo ay natatakot siya. Natatakot na kapag muling nangyari ito ay hindi na siya makakapagpigil.

Ngayong nakatikim na siya kaunti ng kaya kong ibigay ay sigurado akong hahanap-hanapin na niya ito. Dito ko na rin sisimulan ang slow seduction. Babaliwin ko siya nang paunti-unti hanggang siya ang gumawa ng first move. Malademonyo akong napangiti sa harap ng aking cellphone na nakatago sa isang sulok ng kwarto rahil sa aking mga naiisip na plano.

Pagkalabas ni Ian ng aking kwarto ay muli kong narinig ang mga sigaw ni Rannicia. Mabilis akong nagsuot ng bra, damit, at shorts bago ako umarteng pupungas-pungas na binuksan ang pinto.

Rannicia: Ano ba naman 'yan, Michelle? Kanina pa ako kumakatok.

Michelle: Pasensya na, Rannicia. Nakaidlip ako. Sabi mo kasi overtime ka kaya mamaya pa tutunog ang alarm ko. Si Ian dumating na. Pagod na pagod kaya hindi na nag-dinner. Kumain ka na muna. Nagluto ako para sa inyo ni Ian.

Nakita kong medyo kumunot ang noo ni Rannicia.

Rannicia: Nakakapanibago. Never namang hindi nag-dinner si Ian.

Malisyosa akong ngumiti sa likod ni Rannicia.

Michelle: Baka naman tumikim ng kaunting putahe bago umuwi? Kaso sobrang pagod siya, eh. Nakakapagod nga namang magtrabaho sa talyer.

Tumango naman si Rannicia at pumasok na sa kanilang kwarto ni Ian. Nagbihis lang at kumain. Pinilit kong makinig sa mga kwento niya kahit wala naman talaga akong interes sa mga sinasabi niya tungkol sa trabaho. Naaalala ko na naman si Tita Melba rahil sa kanya.

Kinabukasan ay naliligo sa banyo si Rannicia nang iwan ko si baby Levi sa paglalaro sa sala at puntahan si Ian sa kusina habang nililikom nito ang mga pinagkainan sa almusal.

Yumakap ako sa kanya mula sa kanyang likuran.

Michelle: Baby?

Damang-dama ko ang paninigas ng katawan ni Ian dahil sa gulat at kaba. Mabilis itong napatingin sa gawi ng banyo malapit sa kusina.

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon