GOOD NEWS FROM MICHELLE

460 3 0
                                    

Sa loob ng isang studio ay naroon ang bida ng kwentong "Homewrecker" ni Mr. WOM na si Michelle.

Michelle: Hello sa lahat ng mga gwapo at magagandang readers ng "Homewrecker".

Nakangiting kumaway si Michelle sa harap ng camera.

Michelle: Bihira lang akong ngumiti sa story kaya lulubusin ko na ngayon. Madalas kasi akong iritable at galit na galit sa mga eksena ko sa kwento.

Marahan pang tumawa si Michelle bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.

Michelle: Anyway, guys, gusto naming magpasalamat ni Mr. WOM sa inyong suporta sa kwentong "Homewrecker" kahit alam na alam kong marami na sa inyo ang gigil na gigil sa inis sa akin.

Sandaling huminto sa pagsasalita si Michelle at tumawa.

Michelle: At dahil sa suporta ninyong iyan kaya naman naisipan ni Mr. WOM ang gumawa ng special chapter bago ang huling chapter ng kwentong ito.

Pumalakpak pa si Michelle sa harap ng camera matapos sabihin iyon.

Michelle: At ang magiging focus ng special chapter na iyon ay ang mananalong team sa Poll. Yes.

Gamit ang kanyang kanang kamay ay may dinampot si Michelle na malaking photo ni Ian sa ibabaw ng table na nasa kanyang tabi at iniharap ito sa camera.

Michelle: Kung gusto ninyong ang asawa ng aking pinsang si Rannicia na si Ian ang mabasa sa special chapter, then vote for Team Ian.

Pagkatapos sabihin iyon ay dinampot naman ni Michelle ang malaking photo ni Renz sa ibabaw ng table gamit ang kanyang kaliwang kamay at iniharap ito sa camera.

Michelle: At kung gusto naman ninyong ang aking mahal na si Renz ang mabasa sa special chapter, piliin lamang ang Team Renz.

Kumindat pa si Michelle sa harap ng camera.

Michelle: Okay, "Homewrecker" readers. 'Yon lamang po. Muli, maraming, maraming salamat sa inyong suporta at abangan ang update ng "Homewrecker" every first Thursday and every 29th of the month.

----------

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon