IAN's POV
Isa-isa nang nag-aayos ng mga gamit ang mga tao ko sa talyer dahil uwian na. Pero ako ay ayaw pang tumayo rito sa kinauupuan ko. Hindi rahil marami pa akong ginagawa kundi rahil natatakot ako sa maaari kong gawin.
Nag-text ang asawa kong si Rannicia kanina at sinabi nitong kailangan niyang mag-overtime sa boutique ng manager niya rahil marami raw ang customer. Isipin ko pa lang na maiiwan kami ni Michelle sa loob ng bahay namin ng asawa ko ay hindi na ako mapakali. Para akong kinakabahan na ewan. Pinagpapawisan ako. Parang nanginginig ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung bakit.
P*cha!
Tok! Tok!
Muntik na akong mapatayo bigla sa gulat. May kumakatok sa pinto ng maliit kong opisina. Anak ng! Ganito ba ang epekto ng sobrang panginginig ng sistema ng isang tao? Nagiging jumpy?
Ian: Sino 'yan?
"Denver, pare."
Kumpare ko lang pala. Isa rin siya sa mga tao ko sa talyer.
Ian: Pasok.
Pagkapasok nito ay agad itong umupo sa upuan na nasa harap ng mesa ko. Para itong bata na sobrang excited magkwento.
Denver: Pare, ipakilala mo naman ako kay Michelle. Alam mo namang matagal na akong hindi nagkaka-girlfriend. Baka she's the one for me na, pare?
Humugis pa ito ng puso gamit ang daliri at itinapat sa kaliwang dibdib nito. Corny nitong kumpare ko.
Denver: Grabe 'yong pinsan ng asawa mo, pare, ah. Sexy! Buti natitiis mo 'yang ganyang babaeng makita araw-araw. Kung ako ikaw, matagal ko nang tinira 'yan. She's asking for it, pare!
Ian: Itulog mo 'yan. Hindi ka gusto niyon.
Denver: Eh, bakit mo naman pinapangunahan, pare? Grabe ka naman! Ako kumpare mo rito. Sa akin ka rapat kumakampi. 'Di ba?
Nanlalaki pa ang mata nito habang kausap ako. Animal talaga. Kahit anong iwas ko sa pag-iisip kay Michelle ay may mga taong nagpapaalala sa akin sa kanya.
Ian: Sa akin okay lang. Paano naman si misis?
Napatingin ako sa aking wedding ring. May asawa na ako pero kahapon at ngayong araw ay aaminin kong may ibang babaeng umuokupa ng isip ko. Ang pinsan ng misis ko.
Denver: Mabait naman ako kay kumareng Rannicia. Paniguradong boto 'yon sa akin.
Parang bigla akong nainis nang maisip kong magiging girlfriend ni Denver si Michelle.
Ian: Kayo mag-usap ng asawa ko.
Medyo may halong inis na sa boses ko. Sana hindi nahalata ni Denver.
Denver: Eh, bakit ba naiinis ka? Pare, ha, baka naman…
Tumingin ito sa akin ng matiim at nagtaas-baba ang mga kilay nito. Nag-iwas ako ng tingin. Bigla akong kinabahan.
Denver: Magkwento ka, pare.
Huminga ako ng malalim. Siguro nga ay may dapat akong pagsabihan ng nararamdaman ko ngayon. Kaya naman ay ikinuwento ko sa aking kumpare ang lahat ng nangyari kahapon hanggang ngayon.
Ikinuwento ko ang mga kilos na ginagawa ni Michelle kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Ikinuwento ko ang mga simpleng pang-aakit nito sa akin at ang mga salita nitong sa palagay ko ay may double meaning.
Tumango-tango si Denver pagkatapos kong ikuwento lahat. Sandali siyang tumahimik bago nagsalita.
Denver: Type ka ng pinsan ng asawa mo, pare. Hirap niyan.
BINABASA MO ANG
Homewrecker
General FictionSi MICHELLE SAGROSO, ang babaeng maghihiganti sa sariling mga kamag-anak. Sa kanyang paghihiganti, makamtan kaya ang sayang hinahanap o magdudulot ito sa kanya ng matinding hinagpis at pagdurusa? Makakamit kaya niya ang pagmamahal na inaasam? ...