IAN's POV
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko. Hindi ko alam kung sobrang bilis na ba ng pagpapatakbo ko. Pero wala na akong pakialam. Isa lang ang pakay ko matapos kong mabasa ang text message ng asawa ko. Kailangan kong makarating ng bahay agad.
Kailangan ko lang talagang tanggalin sa sistema ko si Michelle. Ayoko ng ganitong pakiramdam. 'Yong parang hindi ako mapakali sa sobrang pag-iinit ng katawan ko. Hindi ako pwedeng manatiling ganito. Isang tikim lang. Pangako. Para matigil na 'to.
Kring! Kring!
Tumatawag si Michelle. Sinagot ko ang tawag niya habang nagmamaneho.
Ian: Hello.
Medyo malalim na ang paghinga ko rahil sa libog.
Michelle: Tulog na si baby Levi sa kwarto ninyo ni Rannicia. Pero ako hindi pa. Hihintayin kita para sabay tayong tumikim sa pagkaing inihanda ko.
Nang-aakit ang tinig ni Michelle. Alam ko kung ano ang gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero ginawa kong kaakit-akit ang boses ko nang sumagot ako sa kanya.
Ian: Gutom ka na ba?
Malandi siyang tumawa.
Michelle: Kanina pa. Bakit?
Napakasarap pakinggan ng boses niya. Ang hirap tanggihan. Bahala na.
Ian: Naglalaway na rin ako.
Malandi siyang sumagot.
Michelle: Tamang-tama. Sinarapan ko ang luto ko. Kasingsarap ko.
Argh! Nanggigigil na ako! Bakit ba parang ang layo ng bahay ko ngayon?
Ian: Ikaw na lang pala ang titikman ko kung ganoon.
Libog na libog na ako. Gustuhin ko mang bawiin ang sinabi ko ay wala ring kwenta. Alam ko naman kung paano matatapos ang gabing ito. Matatapos ang gabing ito na pareho kaming pagod sa pagpaparaos ni Michelle.
Oo. Titikman ko ang malanding si Michelle para mawala na siya sa sistema ko.
Michelle: Ian, ha. Pilyo ka. Pansin ko na kanina ka pa pilyo.
Ian: Pilya ka rin kasi.
Wala na. Libog na libog na ang boses ko. Halos hindi na ako humihinga.
Matagal bago siya sumagot.
Michelle: Dumiretso ka sa kwarto ko.
'Yon lang at tinapos na niya ang tawag.
----------
THIRD PERSON POV
Sa Adriana's Haven ay abalang-abala si Rannicia at ang manager niya na si Adriana Mondragon sa pag-a-assist sa bigating client para sa nalalapit nitong kasal.
Adriana: Gusto mo na bang umuwi, Rannicia?
Rannicia: Okay lang po, Ma'am Adriana. Nakakahiya naman po kung iiwanan ko kayong mag-isa rito. Nagsabi na rin naman po ako sa asawa ko.
Ilang sandali pa ay ayos na ang order ng client. Sabik na sabik na ito para sa nalalapit na kasal. Maya-maya pa ay umalis na ito.
Adriana: Grabe ang araw na ito. Nakakapagod. Pero malaki ang kikitain natin dito. O siya, Rannicia, pwede ka nang umuwi. Kaya ko na 'to. Huwag mo kalimutang mag-file ng overtime tomorrow.
Rannicia: Thank you, Ma'am. Sige po. Mauuna na po ako.
----------
IAN's POV
BINABASA MO ANG
Homewrecker
General FictionSi MICHELLE SAGROSO, ang babaeng maghihiganti sa sariling mga kamag-anak. Sa kanyang paghihiganti, makamtan kaya ang sayang hinahanap o magdudulot ito sa kanya ng matinding hinagpis at pagdurusa? Makakamit kaya niya ang pagmamahal na inaasam? ...