MICHELLE's POV
Hay salamat! Umalis na ang istorbo sa mga plano ko. Anyway, hindi naman talaga ako galit kay Rannicia. Pero sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang lintik na tita ko. Ang hayup na si Tita Melba.
Nang malaman kong maayos ang buhay niya, nanggigil ako sa inggit. At hindi ako sasaya kung hindi ko makikitang naghihirap ang pamilya ng babaeng nangmaliit sa akin at sa lola ko noon.
Galit ang namamahay sa puso ko at tanging paghihiganti lamang ang makakapawi niyon sa puso ko.
Pabalik na ko sa loob ng bahay ng aking pinsan nang mapansin ko ang lalaki sa bakuran sa katapat na bahay.
Kumaway siya sa akin sabay sabing, "Welcome to the neighborhood." Gwapo ang lalaki at hindi ko napigilang mapangiti sa kagwapuhan niya. Kumaway ako pabalik at nagpasalamat. Lumabas siya ng kanyang bakuran at lumapit sa akin. Nakipagkamay at nagpakilala. Siya raw si Renz. Close friend daw niya si Ian, ang asawa ng pinsan ko.
Michelle: I'm Michelle. Rannicia's cousin.
Renz: Oh. I didn't know na may napakaganda palang pinsan si Rannicia.
Binigyan niya ko ng isang makalaglag-underwear na ngiti. Alam ko na ang mga ganitong istilo ng mga lalaki kapag type nila ang isang babae. Ngumiti lang ako sa kanya.
Michelle: Salamat. Gwapo ka rin naman.
Renz: Ako lang naman ang pinakagwapo sa lugar na ito.
Tumawa siya ng malakas. Medyo mahangin at palabiro naman pala siya. Mukhang magkakasundo kami. Hindi na masama na gwapo at hot siya. Pwede ng pampalipas-oras habang hindi pa ko nagtatagumpay sa pang-aakit kay Ian.
Michelle: Well, hindi ko pa naman nakikita lahat ng lalaki sa lugar na 'to. So hindi pa ko pwede mag-agree sa 'yo.
Renz: Sounds fair. Kung gusto mo ililibot kita rito para makilala mo ang mga tao. Paniguradong matutuwa sila na may bago na namang salta sa lugar namin. I mean "natin" pala.
Michelle: Sure. No problem. Pero sa ngayon kailangan ko munang bumalik sa loob dahil may aasikasuhin pa ko. Nice talking to you, Renz.
Renz: My pleasure, Michelle.
Bumalik na ko sa loob ng bahay at hinanap agad ng mata ko si Ian. Bago umalis si Rannicia ay nagsabi na ang lalaki na maliligo na ito kasama ang anak. Kaya naman ako na lang ang naghatid kay Rannicia palabas.
Pinuntahan ko ang banyo at nakita kong wala ng tao sa loob. So tapos na palang maligo ang mag-ama. Sayang. Hindi ko man lang nakita ang pinagnanasaan kong katawan ni Ian.
Lumapit ako sa kwarto ng mag-asawa. Hinawakan ko ang door knob. Bukas ito. Pagsilip ko ay nakaupo si Levi sa kama ng mag-asawa. Nagbibihis si Ian. Nakasuot na ito ng boxer briefs. Grabe sa tambok ang pang-upo ni Ian. Parang punung-puno ng muscle. Paniguradong masarap itong pisilin.
Naka-sideview siya kaya kitang-kita ko ang natural na bukol sa loob ng kanyang boxer briefs. Nakakatakam! Hindi pa ito matigas pero ang laki na. Paano pa kaya kung tumigas na ito sa sobrang pagnanasa? Parang ang bigat-bigat sa palad ng kanyang kargada kung ito ay titingnan. Parang mabigat sa pisngi kung ito ay ipapatong sa aking mukha. Talaga namang napakasarap pagpantasyahan ng asawa ng aking pinsan.
Nang makapagbihis siya ay medyo nalungkot ako. Hindi ko masyadong nasipat ang kanyang maskuladong dibdib at ang kanyang abs sa tiyan. Grabe! Tinitingnan ko pa lang si Ian ay basang-basa na ang perlas ko.
Gusto kong magsarili.
Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ko at kumuha ng twalya. Pumasok ako sa banyo at dito ko sinimulan ang aking seremonyas.
BINABASA MO ANG
Homewrecker
General FictionSi MICHELLE SAGROSO, ang babaeng maghihiganti sa sariling mga kamag-anak. Sa kanyang paghihiganti, makamtan kaya ang sayang hinahanap o magdudulot ito sa kanya ng matinding hinagpis at pagdurusa? Makakamit kaya niya ang pagmamahal na inaasam? ...