CHAPTER 24

326 7 8
                                    

MICHELLE's POV

Katutulog lamang ni baby Levi at ako naman ay nagpapahinga rito sa living room ng bahay ng pamilya Arguelles. Si Yuki ay naroon sa loob ng master's bedroom at nag-o-online live selling sa social media account nito.

Naririndi na nga ang aking mga tainga dahil sa lakas ng tinig ng boses ni Yuki na umaabot hanggang dito sa sala. Kahit kailan talaga ay panira ng araw itong si Yuki.

Gusto ko sanang pumunta sa bahay ni Renz ngayon ngunit hindi pwede. Maliban sa binabantayan ko si baby Levi ay wala akong katiwa-tiwala rito kay Yuki na hindi ako nito isusumbong sa mag-asawang Ian at Rannicia if ever puntahan ko si Renz sa kanyang bahay.

Isa pa ay hindi magandang tingnan sa aking pagpapanggap na iniibig ko na si Ian kung pupunta pa ako sa bahay ng ibang lalaki lalo pa nga at alam naman ni Ian na interesado sa akin si Renz.

Nag-aalala na kasi ako. Simula pa noong Sabado hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text message o tawag man lamang mula kay Renz. Hindi rin siya nagre-reply sa aking chat messages sa kanya.

Iniisip ko kung nagtatampo ba sa akin si Renz dahil sa hindi ako nakarating sa hotel room na kanyang kinuha para sa aming dalawa.

Parang gusto ko tuloy mainis sa best friend ni Rannicia na si Kimberly. Kung wala sana ito sa hotel na iyon ay hindi sana ako magmamadaling umalis ng hotel na iyon.

Hindi ko rin alam kung bakit naroon sa hotel si Kimberly. Nandoon kaya silang dalawa ng asawa nito?

Iniisip ko rin kung nakilala ba ako ni Kimberly. Mabilis naman akong tumalikod pero hindi pa rin ako sigurado.

Bakit kasi sinundan pa ako ni Kimberly hanggang sa makapasok ako ng elevator? Narinig ko pang sinabi nitong mukha akong pamilyar dito.

Sana lang talaga ay hindi ako nakilala ni Kimberly dahil kung nagkataong nakilala ako nito at maikuwento nito kay Rannicia ang aking pagpunta sa hotel na iyon ay hindi ko alam ang aking idadahilan.

Hindi pwedeng malaman ni Ian na makikipagkita dapat ako kay Renz sa hotel na iyon noong nakaraang Sabado. Baka pagdudahan nito ang aking totoong damdamin para rito?

Kailangang hindi magdalawang-isip si Ian sa aking sinasabing pagmamahal para rito. Hindi dapat malaman ni Ian na nagpapanggap lamang ako na mahal na mahal ito.

Dahil ang taong aking totoong iniibig ay walang iba kundi si Renz.

Hindi ko pa rin alam kung bakit naisipan ni Renz na magkita kami sa loob ng isang hotel room noong nakaraang Sabado. May mahalaga ba siyang sasabihin sa akin? Kung oo, ano naman kaya iyon?

Ayokong sanang paasahin ang aking sarili ngunit minsan ay napapaisip ako kung aalukin na ba ako ni Renz na maging kanyang kasintahan. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin halimbawang mangyari iyon.

Ipinangako ko sa aking sarili na tatapusin ko muna ang aking paghihiganti sa pamilya ni Tita Melba bago ko ituon ang aking buong atensyon sa nararamdaman kong pag-ibig para kay Renz.

Kahit na nga ba napakahirap niyong gawin dahil kahit ganitong isinasagawa ko ang aking paghihiganti sa pamilya ni Tita Melba ay hindi mawala-wala si Renz sa aking isipan.

Kahit nga noong nagtatalik kaming dalawa ni Ian ay paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan si Renz.

Maaaring nagustuhan ko ang aking pakikipagtalik kay Ian pero ilang beses na si Renz ang nasa loob ng aking isipan habang binabayo ng alaga ni Ian ang aking hiyas.

Damang-dama ko ang higpit ng pagkakakapit ng mga kamay ni Ian sa aking dalawang bundok at kasabay niyon ay ang pagpasok sa aking isipan ng ilang beses na pagsakop ng mga palad ni Renz sa aking nagmamalaking hinaharap kasabay ng kanyang paglapirot sa aking dalawang matigas na pasas.

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon