MICHELLE's POV
Iritang-irita ako ngayon.
Iritang-irita ako sa pagmumukha ng kapatid ni Ian na si Yuki.
Iritang-irita ako sa sobrang kabaitang ipinapakita sa akin ng aking pinsang si Rannicia.
Iritang-irita ako kay Ian sa hindi nito pagtatanggol sa akin.
Nagsabi na ako kay Ian na mahal ko na ito. Pwedeng hindi totoo iyon, pero hindi naman nito alam na nagpapanggap lamang ako.
Hindi ba rapat ay nagpapakita na ng concern si Ian sa akin ngayon? Hindi ba rapat ay nag-aalala na ito sa pwede kong maramdaman? Hindi ba rapat ay maging sensitive na ito sa feelings ko?
Nagtapat ako ng aking nararamdaman para kay Ian at hindi iyon basta-bastang emosyon lamang. Pagmamahal iyon.
Kahit hindi iyon totoo, ipinaramdam ko naman kay Ian na mula sa aking puso ang lahat ng aking binigkas na mga salita rito.
Oo nga, pwedeng hindi lang gusto ni Ian na magduda ang asawa nitong si Rannicia kung halimbawang magpakita ito ng concern sa akin, pero hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na mairita sa mga nangyayari.
Gusto kong kahit papaano ay may makita man lang akong progress sa pagitan namin ni Ian.
Kaninang umaga nang magkita kami ni Ian sa loob ng kusina ay nasilip ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Gusto kong isipin na pag-aalala iyon para sa tingin nitong nararamdaman ko para rito.
Pero bakit iba ang mga ikinikilos ni Ian sa harapan ng asawa at kapatid nito?
Shocks.
Oo nga.
Tama.
Siguro ay talagang hindi lamang gusto ni Ian na magduda rito ang misis nito kung magpapakita ito ng pag-aalala para sa akin.
Bakit nga ba hindi ko agad naalala ang eksena sa pagitan namin ni Ian sa loob ng kusina kanina?
Oh, yes.
Iba ang ikinikilos ni Ian sa tuwing kaming dalawa lamang ang nasa loob ng isang kwarto kung ikukumpara sa ikinikilos nito kapag nasa harapan ito ng asawa at kapatid nito.
Napahaplos ako sa aking kaliwang dibdib. Bumuntung-hininga ako ng malalim. Pinapakalma ko ang aking sarili.
Bumulong ako sa hangin.
Michelle: Yes, Michelle. You're making a good progress. Effective ang bagong tactic ng iyong seduction kay Ian. You should be proud of yourself.
Sa oras na iyon ay medyo gumaan na ang aking pakiramdam.
Ngumiti ako sa harap ng malaking cheval mirror sa loob ng aking inookupang kwarto. Ngiti ng tagumpay.
Pahalang kong ibinagsak ang aking katawan sa ibabaw ng aking kama. Muli akong bumuntung-hininga ng malalim. Ang sarap sa pakiramdam na maisip na gumagana ang aking mga plano.
Michelle: Malapit na. Malapit na kitang maipaghiganti, Lola Fely.
Muli akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ang aking Lola Fely.
BINABASA MO ANG
Homewrecker
General FictionSi MICHELLE SAGROSO, ang babaeng maghihiganti sa sariling mga kamag-anak. Sa kanyang paghihiganti, makamtan kaya ang sayang hinahanap o magdudulot ito sa kanya ng matinding hinagpis at pagdurusa? Makakamit kaya niya ang pagmamahal na inaasam? ...