MICHELLE's POV
Nakita ko ang paglunok ni Ian. Sigurado akong naaaninag niya ang naninigas kong pasas sa loob ng aking white tank top.
Michelle: Nagugutom ka na ba, Ian? Sige. Ikukuha kita ng makakain.
Tumalikod ako at sinadya kong landian ang lakad ko. Sa sobrang ikli ng shorts ko ay paniguradong nasisilip niya ang dalawang pisngi ng aking pang-upo.
Tumigil ako sa pinto bago lumingon sa kanya. Gotcha! Nakatingin ang loko sa mga bola ko sa likod habang naglalakad ako. Bigla siyang nag-angat ng tingin at para siyang batang nahuling may ginagawang kalokohan.
Ngumisi ako at tumingin ng nakakaakit.
Michelle: Ikukuha na rin kita ng tubig. Baka nauuhaw ka?
Mabagal na tumango si Ian.
Ian: Sal-salamat, Michelle.
Ganyan nga, Ian. Mabaliw ka sa katawan ko. Loyal ka man sa asawa mo, lalaki ka pa rin. May ulo ka pa rin sa ibaba na madalas na gumagawa ng desisyon para sa inyong mga lalaki.
Pagkabalik ko ng kwarto ko ay nakita kong nakaupo na sa kama ko si Ian. Hinubad na nito ang suot na sando. Shocks! Napakasarap pagmasdan ng pinagpapawisang katawan ng asawa ng pinsan ko. Pawis na pawis ang malapad nitong balikat pati na ang mga namumutok nitong muscles sa braso. Sobrang sarap! Napakasarap paglandasin ng mga daliri ko sa likod ni Ian kung saan maraming pawis ang tumatagaktak. Ang tiyan niyang maraming umbok ng abs ay talagang nakakaakit.
Lumapit ako sa kanya bitbit ang isang plato na may apat na hiwa ng cake at dalawang tinidor at isang basong tubig.
Michelle: Pasensya na kung natagalan. Nahirapan kasi akong maghanap ng masarap na ipapakain sa 'yo.
Ian: O-okay lang, Michelle. Masarap naman 'tong cake.
Umupo ako sa tabi niya at ipinatong ang plato sa aking hita. 'Yong medyo malapit na sa singit ko. Para matanaw niya ang bakat kong perlas sa tuwing kukuha siya ng cake.
Michelle: Umusog ka sa tabi ko. Hati tayo.
Napansin ko ang malalim na paglunok ni Ian. Umusog siya sa tabi ko. Sapat upang magkadikit ang aming tuhod na parehong basa na ng pawis.
Michelle: 'Yan. Magkainan na tayo.
Biglang naubo si Ian sa sinabi ko. Napangisi ako. Kunwari ko siyang tiningnan ng may pag-aalala.
Michelle: Ayos ka lang?
Tumango siya na parang hingal na hingal.
Iniabot ko sa kanya ang isang basong tubig.
Michelle: Uminom ka muna.
Inabot niya mula sa akin ang baso at lumagok ng tatlong beses. Ibinaba niya ang baso sa side table.
Michelle: Kain na.
Inabot niya ang isang tinidor. Nang yumuko siya para tumusok ng isang hiwa ng cake ay alam kong napansin niya ang bahagya kong nakabuyangyang na singit dahil sa ikli ng aking shorts. Pinagpapawisan ito.
Nang makakuha siya ng isang slice ng cake ay mabilis niya itong nilunok.
Ilang minuto ang lumipas ay nagkukwentuhan lang kami tungkol sa pamilya. Puro magaganda ang sinabi ko tungkol sa pamilya ni Rannicia. Siya naman ay naikwento sa akin ang naging trato ng mga magulang ni Rannicia sa kanya. Alam ko na 'yon pero nanatili akong nakikinig para makuha ang loob ni Ian.
Medyo palagay na ang loob niya habang nagkukwento at hindi na gaanong naiilang tulad kanina. Mahaba na ang nakukwento niya nang tumigil siya sa pagsasalita at mapatingin sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Homewrecker
General FictionSi MICHELLE SAGROSO, ang babaeng maghihiganti sa sariling mga kamag-anak. Sa kanyang paghihiganti, makamtan kaya ang sayang hinahanap o magdudulot ito sa kanya ng matinding hinagpis at pagdurusa? Makakamit kaya niya ang pagmamahal na inaasam? ...