CHAPTER 16

828 8 2
                                    

MICHELLE's POV

Malalim akong nagbuntung-hininga habang nakaupo rito sa ibabaw ng kama sa loob ng kwartong aking inookupa sa bahay ng aking pinsang si Rannicia at asawa nitong si Ian.

Pakiramdam ko ay parang napakahaba ng araw na ito.

Nagsimula sa pagkikita namin ni Ian sa loob ng kusina ng bahay na ito kaninang umaga kung saan halatang apektado siya sa aking mga ipinagtapat kagabi.

Sa isipan ni Ian ay alam niyang mahal ko na siya. Pero ang totoo ay sinabi ko lamang iyon bilang parte ng aking paghihiganti kay Tita Melba.

Para kapag tuluyan ko nang maangkin ang puso at katawan ni Ian ay paniguradong guguho ang mundo ni Rannicia. At kapag nasaktan si Rannicia na unica hija ni Tita Melba, siguradong masasaktan din pati ang impaktita kong tita na iyon.

Hindi ko mapigilan ang mapangisi ng mala-demonyo habang iniisip na nasasaktan si Tita Melba.

Kaninang umaga rin kami nagkausap ng aking best friend na si Vina. Inutusan ko itong makipaglapit sa kaibigan at kumpare ni Ian na si Denver na nagtatrabaho sa talyer ni Ian.

Gusto kong maakit ni Vina si Denver para kapag naakit na ang lalaki sa aking kaibigan ay ito ang magiging tulay para kumbinsihin si Ian na pagbigyan ang kung anumang nararamdaman niya para sa akin.

Mas mabuti nang may sumusulsol at nangungunsinti kay Ian para mas matukso pa siyang sundin ang tawag ng kanyang laman para sa akin lalo na at alam niyang may damdamin ako para sa kanya.

Sa bago kong taktika ng pang-aakit kay Ian ay hindi pwedeng maging agresibo ako, kaya kailangan ko ng taong susulsol sa kanya.

Nang makita ko kung paano akong titigan ng kaibigan ni Ian na si Denver nang dalawa beses akong pumunta sa kanyang talyer ay nasisiguro kong uhaw sa laman ang lalaking iyon.

Pwede namang ako ang mang-akit kay Denver, pero syempre hindi maganda iyon para sa aking plano. Dahil kailangan kong panindigan ang sinabi kong mahal ko na si Ian.

Hindi magiging kapani-paniwala ang pag-amin kong iyon kung makikita ako ni Ian na nakikipaglandian pa sa ibang lalaki.

Kaya nga ilang araw kong iniwasan si Renz para maging effective ang aking drama na hindi ko kayang lokohin ang aking sarili na mababaling sa ibang lalaki ang aking pag-ibig para kay Ian.

Speaking of Renz, ngayong araw ay muli kong narinig ang tinig ng boses nito. Na talaga namang nagpaluha sa akin dahil lalo kong na-realize na nami-miss ko na itong kasama.

Hindi ko akalain na mai-in love ako kay Renz. Kasi noong una, nakikipaglandian lamang ako rito. Kaya naman nang mabitin ako sa muntik na naming pagtatalik ni Ian ay kay Renz ko ibinuhos ang lahat ng aking init.

Pero nang iniligtas ako ni Renz mula sa muntikang pagkakabunggo sa akin ng malaking delivery truck ay nagbago ang lahat.

Nag-iba na ang tingin at damdamin ko para kay Renz. At sa totoo lang ay masarap ang ganitong pakiramdam, 'yong may minamahal.

Nang mawala si Lola Fely ay parang hindi na ako nakararamdam ng pagmamahal sa aking puso. Na parang nabubuhay na lamang ako kasi kailangan kong mabuhay.

Nang malaman kong si Tita Melba ang nagmamay-ari ng company na pinagtatrabahuan ko rati ay may nabuhay naman sa aking puso. Hindi nga lang pagmamahal, kundi galit.

Nagagalit ako kung bakit ang isang masamang taong katulad ni Tita Melba ay patuloy ang kaginhawaang natatamasa sa buhay.

Sa totoo lang, sobra akong nalungkot nang mawala si Lola Fely dahil sa isang aksidente at talagang nagkaroon ako ng hinanakit at galit sa aking Tita Melba.

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon