CHAPTER 17

984 12 0
                                    

MICHELLE's POV

Ilang araw na ang nakalipas simula nang utusan ko ang aking matalik na kaibigang si Vina na akitin ang asawa ng aking matapobreng tita na si Tita Melba.

Sigurado naman akong madali lang para kay Vina na magawa iyon dahil nagawa na rin naman nitong mang-akit ng matandang lalaki sa katauhan ng mister ng best friend ng aking pinsang si Rannicia.

Unang pagkikita pa lang ni Vina at ng matandang si Andrew Millicent ay bumigay na agad ang matanda sa alindog ng aking best friend.

Hindi ko naman masisisi ang Andrew Millicent na iyon dahil talaga namang napakaseksi ng kaibigan kong si Vina. May mayamang hinaharap at maumbok at bilugang pang-upo.

Ang galing nga ng kaibigan kong si Vina rahil napakayaman ng t-in-arget nitong lalaki. Hindi na ito mahihirapan sa buhay kung sakali mang ito ang piliin ni Andrew sa huli at hindi ang asawa nito.

Ang asawa ni Andrew na si Kimberly ay masasabi kong maganda naman at may maganda ring hubog ng katawan pero sadyang mahilig sa bawal ang ibang lalaki. Kaya madaling natukso ang mister nito sa aking kaibigan.

Ang problema nga lang dito ay best friend ng pinsan kong si Rannicia si Kimberly. At kapag natuklasan ni Kimberly na may ibang babae ang asawa nito at best friend ko pa iyong babae ay baka magkaroon kami ng problema ni Rannicia.

Baka paalisin pa ako ni Rannicia sa bahay nilang mag-asawa?

Na hindi pwedeng mangyari rahil hindi pa ako tapos sa aking misyon na sirain ang pagsasama ni Rannicia at ng asawa nitong si Ian.

Nitong mga nakalipas na araw ay damang-dama ko ang pag-iwas ni Ian sa akin sa tuwing nasa paligid lamang ang asawa nito at ang kapatid nitong si Yuki.

Pero sa tuwing kaming dalawa lamang ni Ian ang naiiwan sa loob ng isang kwarto ay nakikita ko ang kanyang mga titig sa akin.

Nararamdaman kong may gustong sabihin sa akin si Ian ngunit hindi niya masabi sa akin.

Hindi kaya gusto na ring magtapat ni Ian sa akin na ako na ang kanyang mahal at hindi na ang aking pinsan na kanyang asawa?

Simula nang gabing iyon na nakita kong mahigpit na magkayakap sina Ian at Rannicia sa loob ng living room ay sa sala na rin natutulog si Rannicia kasama ni Ian.

Inis na inis ako rahil nababawasan ang mga pagkakataon namin ni Ian na makapagsolo.

Hindi na nasundan pa ang huling pag-uusap namin ni Ian sa loob ng kusina kaya alam kong gustung-gusto na rin niya akong makausap at pag-usapan ang tungkol sa aking damdamin para sa kanya.

Isa pa sa aking ikinaiinis ay ang kapatid ni Ian na si Yuki. Ito na ang palaging nagvo-volunteer na magdala ng lunch para sa kapatid nito sa talyer na pagmamay-ari ni Ian sa tuwing hindi siya nakakapagbaon sa umaga.

Dahil kina Rannicia at Yuki ay nababawasan ang aking pagkakataon na mapalapit kay Ian.

Mabuti na lamang at nandiyan palagi si Renz para pakalmahin ang aking pakiramdam sa tuwing nafru-frustrate ako.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap ng personal si Renz dahil ayokong malaman ni Ian na nakikipagkita ako rito matapos kong aminin sa kanya na mahal ko na siya.

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon