CHAPTER 22

355 4 0
                                    

MICHELLE's POV

Lumingon sa akin ang aking pinsang si Rannicia nang makita ako nitong nakalabas na mula sa aking inookupang kwarto at nakabihis na para sa aming pagkikita ng aking kaibigang si Vina ngayong araw.

Araw ng Sabado kaya day off ko na naman mula sa pagbi-babysit sa anak nina Ian at Rannicia na si baby Levi. Tuwing weekend ay mas gusto ni Rannicia na naka-focus ang buong attention nito sa kanilang anak ni Ian.

Ang araw din ng Sabado ang araw na madalas kaming nagkikita ng aking matalik na kaibigan na si Vina. Kumustahan, kwentuhan, food trip, panonood ng movies, shopping at kung anu-ano pang girl bonding.

Si Vina na lang ang nag-iisang tao sa mundo na matatawag kong pamilya simula nang mawala ang aking Lola Fely. Kaya naman sa tuwing may pagkakataon ay nakikipagkita ako rito nang maramdaman ko namang hindi ako nag-iisa sa mundo.

Well, may natitira pa naman akong mga kadugo rito sa lupa pero, syempre, hindi ko na sila itinuturing na pamilya simula nang araw na ipagtabuyan kaming dalawa ni Lola Fely ni Tita Melba sa mismong harap ng kanilang pamamahay na para bang hindi kami magkadugo.

Mula nang araw na iyon ay itinuring ko nang wala na akong natitirang kalahi sa aking mother's side.

Ang anak ni Tita Melba na si Rannicia ay maaaring walang kasalanan sa akin pero katulad nang ginawang pagdamay ni Tita Melba sa aking Lola Fely sa galit nito sa aking ina at ama kaya naman idinadamay ko rin ang anak nitong sa Rannicia sa aking pagtatakwil sa kanilang dalawa bilang aking kamag-anak. Maging ang anak ni Rannicia na si baby Levi ay hindi ko rin itinuturing na aking kadugo.

Si Vina na lang ang aking nag-iisang pamilya at kung mawawala pa ito sa akin ay hindi ko na alam ang aking gagawin.

Nandiyan naman si Renz na sinasabing mahal ako at mahal ko rin pero, syempre, iba pa rin ang pagmamahal mula sa isang taong itinuturing ko nang isang kapatid katulad ni Vina. Dahil kay Vina kaya kahit papaano ay nararamdaman ko pa ring may karamay akong kapamilya rito sa mundo.

Speaking of Renz, mas napapadalas na ang aming pagtatawagan at pagpapalitan ng mensahe sa phone ngayon mula nang sinabihan niya akong hayaan ko siya sa pagpaparamdam kung gaano siya kaseryoso sa akin. At naging totoo naman si Renz sa kanyang mga salita.

Hindi nakakalimot si Renz na magpadala ng morning greetings sa akin na talaga namang nagpapangiti sa akin sa tuwing gigising at babangon ako mula sa kama sa umaga. At tuwing gabi naman ay tumatawag sa akin si Renz para lamang makipagkwentuhan at magsabi ng "good night" na may kasamang paghalik.

Hindi ko man ulit narinig ang sinabi ni Renz na mahal niya ako noong huli kaming nagtalik ay ipinaparamdam naman niya sa akin iyon.

Syempre nakikipag-usap lamang ako kay Renz sa phone sa tuwing nasa loob na ako ng aking kwarto dahil hindi pwedeng malaman ni Ian na ibang lalaki talaga ang mahal ko at hindi ito. Kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang aking pagpapanggap na mahal ko si Ian para hindi masira ang aking paghihiganti kay Tita Melba.

Rannicia: Aalis ka na ba, Michelle?

Ngumiti ako kay Rannicia bago tumango.

Napatingin ako sa center table ng sala at nakita kong naglalaro ng Scrabble board game sina Ian, Rannicia, at Yuki habang karga-karga ng aking pinsan ang anak nitong si baby Levi. Napansin ko ring may assorted biscuits sa isang malaking plato at mga basong may lamang orange juice.

Alam kong iyon ang mga biscuit na nakalagay sa isang malaking lagayan na binili ni Yuki mula sa sinahod nito sa huli nitong pag-o-online selling.

Rannicia: Gusto mo bang tikman itong mga biscuit? Masasarap, Michelle. Kumain ka muna bago ka umalis.

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon