PROLOGUE

200 22 1
                                    

🎵🎵"Alas-nuwebe na, traffic pa, kailangan ko nang magmadali,


At magta-time in pa. Male-late na naman ako sa trabaho kong ito,


Siguradong sabon ang aabutin ko, Sa aking among guwapo!


Na hindi ko kayang abutin! Hanggang tingin na lamang ba ako


Sa aking Prince Charm-" 🎵🎵


"Aray naman! Nyx!" sigaw ng pinsan kong si Sapphire nang batuhin ko siya ng matigas na unan.


"Ingay mo! kita mong nagre-review ako!" inirapan ko ito kaya natahimik ang loka.


"Next month pa naman ang final exam maka-review ka naman akala mo bukas na" pabulong ang pagkakasabi nito ngunit rinig ko pa rin.


"Anong sabi mo?"


"Wala, sabi ko ice cream muna tayo. Tara?" pagpapalit nito ng topic.


"Ikaw nalang, marami pa akong kailangan i-review" kailangan ko talagang mag-review kung gusto kong panatiliin ang pagiging Top Dean's Lister ko. Hindi kasi tulad ng iba na matalino talaga, ako kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil hindi naman ako ganoon katalino.


"Alam mo Nyx, sa kaka-aral mo niyan, mamamatay ka ng maaga" pinangliitan ko ng mata si Sapph kaya natawa nalang ito. Alam niya kasing mabilis ako mainis mas lalo kapag pag-aaaral ang pinag-uusapan.


"Ang sabihin mo maganda ang pangarap na naghihintay sa akin" inilagay ko nalang ang earphones ko sa aking tainga 'saka pinalakasan ang music sa aking selphon.


"Edi wow! Maka-bili na nga muna ng ice-cream" padabog itong lumabas ng kwarto namin saka nilakasan ba naman ang music niya. 


Nakakairita.


Kung bakit pa naman kasi kailangan pang kasama ko itong pinsan kong si Sapph sa dorm namin eh. Kaya ko naman kung ako lang. Mas mapapanatag nga ako kapag ganoon. 


Unting tiis nalang Nyx, makaka-graduate ka na ng College at mache-check mo na ito sa bucket list mo. 


Tinitigan ko ang aking listahan ng mga plano ko sa buhay sa aking kulay orange na notebook. Ever since I was a child ginagawa ko na ito, kaya naman nasanay na ako. It keeps me on track on what my goal is. My goal to be a Top-Notch Lawyer. Ito kasi ang huling hiling ng mama ko bago siya pumanaw sa mundong ito.  


Naalala ko nanaman


-Flashback-


Nakaupo ako sa labas ng ospital kung saan inaantay ko si mama lumabas ng operating room. I looked at the sky and saw how it changed colors.  Sunsets have always been there to comfort me whenever I feel like crying. Pakiramdam ko gumagaan ang loob ko kapag nakakasaksi ako ng sunset.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon