Tinignan ko ang kabuoan ng paligid ng kwartong iyon at kusa nalang tumulo ang mga luha ko.
The room was filled with my paintings—every single one I had ever created, now displayed on the walls, on easels, and even on the floor, leaning against the furniture. Parang pumasok ako sa isang gallery na nakatuon lang sa mga likha ko.
"A-Ano 'to?" tanong ko kay Raiver.
Nakangiti ito habang pinagmamasdan niya akong pinagmamasdan ang mga nakasabit na paintings na ginawa ko.
"I-Ikaw? Ikaw ba ang bumili lahat ng paintings ko?" natawa siya nang mahina.
"Hindi ako." umiling ito.
Habang lumalakad ako sa silid, hinahaplos ng mga daliri ko ang mga pamilyar na texture ng mga canvas ko. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko—pagmamalaki, nostalgia, at malalim na pagkakagulat.
"Kung hindi ikaw, sino?"
"Wala ka talagang idea?" Magbabatuhan nalang ba kami rito ng tanong? Malay ko ba kung sino ang bumili ng mga paintings ko noon. Akala ko nga sila Tito Klyde, e. Ang kaso, hindi naman siya marunong mag-navigate sa digital platforms kaya may personal assistant ito.
Umiling din ako. "Seryoso ka ba? Hindi mo talaga alam kung sino?" Umiling ulit ako. Bakit kasi hindi niya nalang sabihin? Nag-isip ako ng mga taong posibleng bumili ng paintings ko. Imposible namang si Sapphire kasi ayaw nga niya ng line of business ng pamilya niya. Si Topaz kaya? Pero parang wala rin naman itong interes sa mga ganitong bagay.
"Si..." Tumango si Raiver. My heart melted as I imagined the way he bought all my paintings and how he placed it inside this very room. Pero bakit gano'n? Bakit ang cold niya sa akin noong nakita niya ako?
"When Ravi was announced as the newest member of the Billionaire's Club. He suddenly bought a large number of paintings online, na sa 'yo pala. He invested all his savings just to buy your paintings kaya na zero bigla ang bank account niya and just like that, nawalan siya agad ng posisyon sa Billionaire's Club. Our parents were shocked when they found out, but he was determined. He wanted to support you in the only way he knew how," paliwanag ni Raiver, mababa ang boses.
Naalala ko iyong announcement na 'yon hindi ko nga lang binasa ng husto dahil ayaw ko sanang i-update ang sarili ko sa buhay niya dahil alam kong masakit ang naging huling pag-uusap namin. Iyon din iyong time na na-sold out ang pinost kong mga paintings. So, siya pala iyon.
"We thought he was crazy at first, but then he was recognized by a famous journalist at isinulat ang kwento nito sa isang world class magazine. Kung maalala ko, ang title ng feature article na iyon ay 'Revealing the Silent Admiration Behind a Gallery of Paintings'. Oh, diba?!" His smile grew brighter as he told me all about Ravi's bad choices that turned into good ones.
"At alam mo ba, nag-trending iyon dahil kahit anong offer ng mga mayayamang tao na bilhin ang paintings mo, hindi ito pumayag. Ang sabi niya, gusto niyang mapasakanya lahat ng gawa mo dahil nararamdaman niya raw ang bawat emosyong binigay mo habang ipinipinta ang mga ito. Malay ko, siya lang naman ang nakakakita noon."
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romance(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...