-RAVI-
Nang makabalik kami sa Maynila, dumeretso na kami sa kanya-kanya naming bahay. Humiga ako sa aking kama at tinitigan ang mga candid shots ni Nyx na patago kong kinuha noong nasa Pulag kami. She should smile more, mas maganda siya kung nakangiti.
The following day, my body was so tired to move but I still tried my best to go to Nyx's condo para sabay naming kukunin ang medcert niya na prinomise ko. She looked tired too no she was exhausted. Alam kong first time niya ito at hindi namin pinaghandaan kaya naman sobrang napagod ang katawan niya. I do appreciate her resilience, kahit na mukha siyang hindi na makalakad, pinilit niya pa rin na pumunta kami sa opisina ni Dr. Matsunagi.
Ako na ang nagpresinta na kunin ang medical certificate niya dahil mukha na itong babagsak kapag humakbang pa ito. Pinaupo ko siya sa isang mahabang bench sa reception area para makapagpahinga siya, buti nalang at pumayag ito.
"Kaaalis lang po ni Dr. Matsunagi, Sir Ravi. May emergency operation po ito sa New York," said his secretary in a flirtatious way. Matagal ko ng pansin na nilalandi ako nito pero hindi ko naman siya type kasi sobrang tanda na tapos wala pang asawa.
"Kelan po siya babalik?"
"Hindi niya po nesebi, Sayr." She tucked a strand of hair behind her ear and bit her lower lip, her eyes fixed on me like she was about to devour a delicious meal. Goosebumps prickled my skin, so I quickly stepped away from her.
"Ah, sige. Salamat," paalam ko.
Paano ko sasabihin kay Nyx ito, this was not part of her plan. Siguradong magtatampo ito sa akin.
Hindi nga ako nagkamali, kahit na kinompliment ko ito na ang ganda niya kapag natutulog, nainis pa rin siya sa akin dahil hindi ko nakuha ang medical certificate na usapan namin. She blamed me for. It hurt me. Gusto ko lang naman siya matulungan at makasama pero bakit kasalanan ko na hindi siya nakakuha ng medical certificate?
Alam kong galit lang siya kaya hinintay ko ang tamang panahon para kausapin niya ako. I didn't want to push her buttons dahil baka mas lalo pa niya akong hindi kausapin. I tried texting her so I know if she's okay, but I just got hurtful messages from her.
Ang hirap kapag mahal mo ang isang tao—hindi mo kayang magalit sa kanya kahit gaano kasakit ang mga sinasabi niya. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng nagkakandarapa sa akin, siya pa ang nagustuhan ko? Why does love have to hurt so much, yet you still manage to hold on?
I gave her space kahit gustong-gusto ko na siyang makita at kausapin. I will wait for her until she realizes that what she did was wrong.
Makalipas ang ilang araw, nakita kong gumawa ito ng bagong FB. She posted a picture of her new hairstyle. Gumanda siya lalo. I shared her post. Sana mapansin niya.
Palagi akong nag-aabang sa labas ng condo niya, waiting for her to message me. At kapag nangyari iyon, mabilis lang ako makakapunta roon. Hindi ko napansin na napabayaan ko na pala ang sarili ko dahil sa pag-aantay ko sa kanya. I grew a beard and haven't showered for days.
When the day she asked me if we could talk finally came, sinabi kong tumambay lang ako kina Topaz kahit na hindi naman talaga. Topaz was one of those people you can always relay on. She may look fierce and unapproachable, but she has a soft heart no one will ever understand unless you personally talk to her.
Maraming beses na akong natulungan ni Topaz, even before I met Nyx and Sapphire. She was my first real friend. I met her at a party. We had a lot in common—we both lived in New York and had distant families. But she had it worse. She showed me how to live life to the fullest and enjoy even the little things. Doon ko nalaman na ang kanyang mataray na personality ay isang maskara lamang para maitago ang masakit nitong nakaraan.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romance(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...