05: Bookworms

85 15 0
                                    


Bumalik kami sa pagkukulitan ni Sapphire simula noong malaman niyang may gusto ako kay Ravi kahit wala naman talaga. Marami rin itong nai-kwento sa akin tungkol sa lalaki. Na kesyo mahilig daw ito mag-travel, sumayaw, at mag-party. None of which I like to do, but for the sake of building a connection with Ravi Matsunagi para makakuha ng medical certificate, susubukan ko.


"Sapph, saan ka nga pala mag-iinternship?" I asked out of the blue. Curious lang ako.


"Ah-eh, sa New York kasi ako mag-i-internship, hehe" napakamot ito ng ulo. Why didn't she tell me? 


"Paano ka naka-apply doon?" tanong ko, syempre competitive ako. Baka pwede rin ako doon.


"Ah-eh, connections" ngumiti ito nang nakakaloko. Pinaki-usapan ata niya ang kanyang mga magulang kaya siguro nakahanap ito ng magandang pag-i-intern-an. Ayaw ko naman sabihin kila Tito Klyde na gawan din nila ako ng paraan dahil nakakahiya naman baka hanapin pa nila iyong medical certificate ko. Pwede ko namang itanong kay Sapphire, if I know gusto niya rin  naman ako kasama.


"Baka pwede rin ako d'ya-"


"Hindi!" tumaas ang kanyang boses.


"Ah-eh, ang ibig kong sabihin, hindi ka pwede, dahil full slot na" napakamot ulit ito ng ulo.


"Ah ganoon ba?" Kung ayaw niya akong kasama, edi 'wag. I can manage to find an internship overseas if I like to. Pero sa ngayon, focus muna ako sa kung paano ko makukuha ang medical certificate na iyon.


"Pupunta pala sila Hunter at Ravi dito mamaya" pag-iiba nito ng topic.


"Okay" I uttered.


"Alam mo Nyx, ibahin kaya natin ang sense of fashion mo. Para naman mapansin ka ni Ravi" bumalik ang sigla sa mukha ni Sapph kaya tumango ako.


Hinila niya ako papunta sa kanyang kwarto at naglabas ng kung anu-anong mga pananamit. She showed me clothes in tones of pink na never kong isusuot. Namili pa ito ng ibang damit na magkakasya sa akin hanggang sa sumuko na ito.


"Ang hirap mo naman damitan, Nyx" bumulagta ito sa kanyang pink na kama. 


"Alam ko na, punta tayo sa mall! Dali!" hinila niya ang braso ko patungo sa labas ng kanyang kwarto. Wala akong ganang makipag-argue, nagpahatak na lang ako.


"Happy Monthsary, Phire!" bungad ni Hunter na may hawak pang napakalaking bouquet ng bulaklak. Namula ito at napatingin sa akin. 


"Nyx, Monthsary pala namin ni Hunter. Nakalimutan ko" bulong nito sa akin habang inaabot ang bouquet ng bulaklak kay Hunter. Inamoy pa nito ang mga bulaklak bago ngumiti sa kasintahan.


So, ano na? Hindi na kami pupunta sa mall? Paano na ko mapapansin ni Ravi niyan.


"Ravi Matsunagi is here!" sigaw nito na may dalang tarpaulin na may nakasulat na Happy Monthsary #PhireTerforever dito. Pinigilan kong matawa, PhireTer ampt.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon