Makalipas ang apat na oras ay nandito na kami sa Baguio. Hindi huminto sa kalabog ang dibdib ko habang naka-angkas sa motor ni Ravi. Sabi niya babagalan niya lang, ay pucha! Kulang nalang malaglag ako sa daanan. Ang bilis! Wala man lang kaming stop over!
Sa tuwing ipapaharurot niya ang motor niya at mag o-overtake ng mga sasakyan, kumakapit ako sa bewang niya ng mahigpit. Wala na akong pake kung ano ang iisipin niya, gusto ko lang mabuhay.
Huminto kami sa isang park at mabilis akong bumaba sa motor niya. Nanginginig pa ang mga tuhod at kamay ko, buti nalang nabalanse ko pa ang sarili ko. Tinanggal ko ang suot kong helmet at naghanap ng pinakamalapit na basurahan.
Ang hapdi ng tiyan ko. Kumikirot ang sentido ng ulo ko. Pagkahanap ko ng basurahan ay inilabas ko agad ang hapdi na umamakyat sa lalamunan ko kanina pa. Nagsuka ako hanggang sa maramdaman kong gumaan na ang pakiramdam ko. But I still feel like vomiting kahit wala na akong mailabas.
"First time?" Ravi said with his irritating smile again.
"You think?" inirapan ko ulit.
"Amuyin mo ito, it helps with the nausea." iniabot niya sa akin ang isang essential oil. Binasa ko iyon, lavender and eucalyptus. Inamoy ko ito at totoo nga, I feel much better.
"Thank you" I said, giving him a genuine smile while handing him back the essential oil.
"Keep it, you need it more than I do" tumawa siya ng slight. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Ang init pala dito sa Baguio.
Ravi told me na magpalipas oras raw muna kami dito sa Burnham Park para hindi ako mabigla. Buti nalang sariwa ang hangin at maraming halaman. Pinagmasdan ko ang paligid, may mga batang naghahabulan at may mga nagpi-picnic sa damuhan. They looked so happy doing their leisure activities.
Napangiti nalang ako, I've never experienced that, I was too focused on my academics that I didn't have time to do anything else. Pain enveloped my heart, kung hindi ba ako ganoon ka focus sa school noon, ganyan din kaya ako kasaya? Hindi ko rin matandaan kung naglaro ba ako noon.
Nakaupo kami ni Ravi dito sa upuan, sa ilalim ng puno. Pinagmamasdan ang magbankang lumulutang sa tubig ng Burnham Lake.
"Kain ka muna" I gazed upon Ravi, he was offering me a plastic cup with something that looked like vomit, napaduwal ako bigla. Really? He's giving me this?
"Ano 'to?" inabot ko nalang. Pinagmasdan ko pa ang laman ng mabuti. The color was white and brown, at umuusok pa.
"Taho? Hindi ka ba kumakaen niyan?" Tinitignan niya ako na parang naaawa na parang wala akong alam sa buhay.
"Kumakaen noh!" I lied, ngayon lang ako nakakita nito kaya hindi ko alam kung nakakaen ba talaga. Tinignan ko muli si Ravi at halos nakalahati niya na iyong kanya. Inamoy ko ang taho na sinasabi niya at mukhang matamis naman.
"Walang lason 'yan" sabi niya nang maubos niya ang hawak niyang taho.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romance(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...