15: Boracay

84 14 0
                                    

Ano ba mas madaling gawin? Maging mabait o maging masungit? Kapag mabait ka kasi, isang kamali mo lang, marami na ang mag-ju-judge sa 'yo. Kapag naman masungit ka, parang walang naniniwala sa 'yo kapag may nagawa kang maganda. So, saan ka lulugar?


"Okay ka na?" Salubong sa akin ni Ravi paglabas ko ng banyo. 


"Sa tingin mo?" Ewan ko ba, kapag siya ang kausap ko, mabilis uminit ang ulo ko. It's like he's asking for it. At ang mas nakakairita pa ay iyong tatawanan ka lang niya kapag nagsusungit ka.


"Cute mo talaga kung naiinis ka. Para kang si Boo sa Monsters' Inc." I rolled my eyes at him. Hindi ko kilala ang sinasabi niya kaya mas nainis ako lalo. Kung may choice lang talaga ako na iwanan siya dito sa airport ginawa ko na. Ang kaso, nasa kanya kasi ang resibo ng accomodation at ticket namin pabalik. Isama mo pa na siya ang driver ng kotseng sasakyan namin papuntang Maynila.


"Halika na, Nyx. Inaantay na tayo sa port."


"Port?" nagtataka kong tanong dito.


"Oo, sasakay pa tayo ng barko papunta sa Boracay." 


If there's something I fear the most, it's riding a damn boat. I hate the feeling of rocking with the water na hindi mo alam kung gaano ka lalim. Kaya nga sabi ko kung lalangoy man ako sa dagat, doon lang sa malapit sa shore. Para alam kong naaabot ko pa ang buhangin.


"W-Wala bang ibang way?" Ravi looked at me in confusion. I am not liking this trip anymore. Okay lang na kasama ko si Ravi. Okay lang na mag-eroplano kami, pero itong barko. Hindi ko ata kakayanin.


Napansin ata ni Ravi na nanghihina ako pagkakita ko sa barkong sasakyan namin. Maliit lang ito at kasya lang siguro ang bente na tao. May life vest naman kaming isusuot, pero kahit na, uuga ang bangka na nasa ibabaw ng dagat na hindi ko alam kung gaano kalalim. 


I could feel my hands shaking and my breathes not getting enough air. Pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin. Pakiramdam ko any time magko-collapse ako.


"Hey, Nyx. Calm down. Kasama mo naman ako. Kung gusto mo mag-panic, kurutin mo lang ang biceps ko" alam kong pinapakalma niya lang ako pero bakit kailangan niya pang kumindat. 


"Rav..." mahina kong tawag sa kanya. Napatingin siya sa gawi ko na parang batang kinikilig.


"Ano sabi mo? Love? Nyx naman! 'Wag kang ganyan. Kung gusto mo akong tawaging Love, sana tinanong mo muna ako. Hindi ganyan na pabigla-bigla ka" tinignan niya ako ng nang-aasar na tingin.


Bwisit talaga itong lalaking ito. Sigurado ako pag-balik namin sa Maynila, it's either nasa mental hospital na ako o sa bilangguan dahil ngayon pa lang nababaliw na ako sa kanya at baka mapatay ko na siya.


I forced myself to breathe properly kahit na nahihirapan na ako. Kung mag-iinarte ako ngayon, matatagalan lang kami rito sa bangka. And that means, mas madaming time ako maaasar ni Ravi.


Kinalma ko ang aking sarili habang iniisip nanaman ang mga pang-aasar ng Ravi Matsunagi na kasama ko ngayon. But I admit, mukhang gumana ang pagda-divert niya sa attention ko dahil mas nangingibabaw ang kabadtripan ko sa kanya kaysa ang takot ko sa pagsakay ng barko.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon