Sa mga nakalipas na araw, tumambay lang ako sa aking kwarto at gumuhit nang gumuhit. I poured all the emotions I was feeling in my drawings and paintings. Halos mapuno na ang kwarto ko, kulang nalang ikabit ko sa mga pader para magmukhang art gallery na.
Most of it were just abstract paintings, iyong iba naman illustrations lang ng babae na umiiyak at tinatahi ang sariling puso. I'd say that I'm really enjoying my artistic side now compared before na hindi ko man lang ginagamit.
Well, not unless needed that is. Nagagamit ko pa rin naman ito sa mga school projects na kailangan mag-drawing. Ilang beses na akong pinuri ng mga classmates ko at teachers ko noon dahil dito pero pakiramdam ko noon kapag naging grateful ako ay magpa-drawing lang sila sa akin.
Mamaya makikipag-meet pala ako doon sa Miss Turner na iyon. Gusto ko kasing makita in-person lahat ng ebidensya niya dahil nga mahirap mag-assume mas lalo at maraming manloloko ngayon sa internet. We agreed to meet at the park later at sunset -kung saan dapat kami magkikita noon.
Sa mga nakaraang araw, I stayed casual with Sapphire and Ravi. Hindi ako nagpahalata na may alam ako. Kung iyon nga ang totoo, mas mabuti nang malaman ko muna ang lahat before jumping into conclusions.
Kumatok si Sapphire sa kwarto ko at binuksan niya naman agad ito. Sinadya kong magpinta habang nakatitig lang siya sa akin.
"Nyx, okay ka lang ba talaga? Ilang araw ka na hindi lumalabas" she looked so concern.
"Ayos lang ako, Sapph. Gusto ko lang matapos itong mga paintings ko." Naglakad ito sa aking kwarto habang pinagmamasdan ang mga paintings ko. Iyong iba basa pa kaya sinabi ko na 'wag niyang hawakan.
"Ang dami mo nang natapos, Nyx. Kailan ka ba matatapos?" medyo nairita ako sa tanong niya. Why does she even care?
"Depende," tipid kong sagot bago pa uminit lalo ang ulo ko.
"Ibebenta mo ba ang mga ito? Ang gaganda kasi, pwede ka na magpatayo ng sarili mong art gallery," binaba ko ang paint brush at tumingin sa kanya.
"Do you mind? Hindi ako maka-concentrate dito" Did I sound irritated? Good.
"Nyx, kung may problema ka, sabihin mo naman sana sa akin."
"Wala akong problema," kahit meron, ayokong sabihin kahit kanino. I don't trust anybody anymore.
"E, bakit ganyan ka? Parang bumabalik ka nanaman sa dating Bitchy na Nyx" nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni Sapphire. Really? She's going there?
Napabuntong hininga nalang ako. Ayaw ko siya taasan ng boses.
"Sorry, Sapph. I just needed to release some tension." I smiled, feeling a little guilty.
Umupo siya sa kama ko at napatingin sa kisame. Nanahimik lang siya at pinagmasdan lang ako magpinta.
I was painting a girl who has stiches in her body na nag-go-glow. I can't properly describe it, basta parang tinatahi niya iyong sarili niya using a magic thread tapos sa mga sugat na natahi niya may mga halaman nalumalabas.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romance(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...