30: Travel Home

28 12 1
                                    

Mabilis ang naging byahe namin dahil sa private plane ng Papa ni Kreena. Sa buong byahe, may kanya-kanyang mundo ang bawat isa.


Sina Teddy, Jeremy, at Chester ay naglaro lang  ng video games at kakain lang kapag nagutom. 


Sina Emerald at Kreena, naubos na ata ang laman ng mini bar sa kagagawa ni Emerald ng kung anu-anong mixture habang si Kreena naman ang tiga-tikim niya.


Si Analise at Desmond naman, tulog sa isang sulok dahil sa matagal nilang kwentohan.


Si Trevor, nag-la-laptop pa rin. Mukhang hindi pwedeng distorbuhin. Gwapo pala talaga siya kapag seryoso.


Ako, wala. Humihinga lang. Iniisip ko rin kasi iyong pinag-usapan kanina ng mga babae kaya siguro hindi ako mapakali. Gusto ko rin sana malaman kung bakit ganoon nalang mag-react si Ali.


"If you keep staring at me like that, I'll assume you've fallen for me." Nabigla ako sa sinabi ni Trevor. Nakatitig pala ako sa kanya, hindi ko na namalayan.


"I'm just curious how you manage to sit there all day," pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan,  pinagmamasdan ko kung paanong naging kamukha ito ni Ravi. Hindi ba talaga sila magkamag-anak?


"It's a talent you don't have," he smirked. Inirapan ko lang ang pang-aasar niya dahil wala ako sa mood makipagtalo.


"You hungry?" Sa pagkakasabi niyang 'yon, tumunog ang sikmura ko. Narinig naman niya ito kaya natawa nalang siya. Gwapo talaga siya kapag ngumiti, pero mas gwapo kapag seryoso.


"What do you wanna eat?" he asked again.


"You?" pabalik kong tanong. Hindi ko rin alam anong gusto kong kainin. Kung anong kakainin niya, iyon nalang din kakainin ko.


He stared at me and smirked while biting his lower lip. "I wanna eat you, too, but we can't do it here." he whispered. My eyes widened as I realized what I just did.


"N-No, what I-I meant was. I want to eat what you want to eat." Kinabahan ako sa mga titig niya. Bakit ba naman kasi ang daming bumabagabag sa isipan ko, 'yan tuloy kung anu-ano na nasasabi ko.


Tumawa nang malakas si Trevor kaya napatingin sila Teddy sa gawi namin. Nagising din sila Ali at Mond at tinanong kung anong nangyayari. Nakahihiya.


"You're too cute, Diamond." Linampasan ako ni Trevor at nagsimula na itong buksan ang ref. Pinagmasdan niya ang loob nito at kumuha ng mga sangkap para sa lulutuin niya.


"Dude, Trevor's cooking!" sigaw ni Jeremy. Mabilis silang pumunta sa kusina at parang hindi makapaniwala na nagluluto si Trevor.


"Impossible!" tugon naman ni Teddy. Hindi pinansin ni Trevor ang mga kaibigan naming nakatitig sa kanya at nagluto lang ito.


Halata mo sa galaw niya na sanay na sanay siya sa paghiwa ng karne at pag-mince ng mga gulay. Siguro chef siya sa rati niyang buhay.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon