It has been a week since me and Sapphire talked. Kung ayaw niya akong kausapin then it's not my lost. Marami akong nakaplanong aktibidad na kailangan kong tapusin kaya bahala siya sa buhay niya kung makiki-ayos siya o hindi.
Kinakabahan lang ako ng slight dahil panay panay ang sakit ng dibdib ko. Maybe I overdid myself. Basta ang alam ko ginawa ko lahat upang maganda ang magiging resulta ng medical ko.
Sabi ni Sapph, sabay kaming magpapa-medical, but I guess she's not a girl of her words.
Full medical check-up ang gagawin namin para siguradong fit for internship kami. Kapag nakapasa na kami rito, maghahanap na kami ng company na kukunin kami as interns.
Paalis na sana ako ng dorm ng tawagin ni Sapphire ang pangalan ko.
"Nyx, hindi mo ba ako aantayin?" I squinted my eyes towards her. Okay na kaya kami?
"Sabay tayo diba?" Tumango nalang ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin at lumabas na kami nang sabay papunta sa St. Lauren's Medical Hospital.
Maaga kaming nakarating dito. Kami ang una sa pila, just how I planned it. For the past days ito ang wish ko -ang mauna sa medical exam at makapasa rito.
Siguro na tauhan din itong si Sapph kaya kinausap na ako. Buti naman.
"Nyx, what if hindi tayo makapasa sa medical?" Napatingin ako sa gawi ni Sapph at kita ko ang pagnginig ng kanyang mga kamay.
Hinawakan ko ang mga ito at mahinang pinisil, "Papasa tayo".
"Pero, paano kung hindi?" Ito nanaman po ang pinsan kong may pagka-nega.
"Wala iyon sa option Sapph, it's either papasa tayo o papasa tayo. Iyon lang. Walang hindi papasa." Binitawan ko ang kanyang kamay at seryosong tumingin sa kanya. Hindi na ito kumibo pa.
Matapos namin i-fill up ang napakahaba nilang form dito sa ospital ay ipinasa na namin sa receptionist. Chineck niya ito ng mabilisan at in-input na sa kanyang monitor ang mga nilalaman nito.
Bawal ang selpon dito sa ospital kapag magpapa-check up ka, para raw iwas sa radiation, kaya naman wala kaming magawa upang magpalipas oras. Nagbasa nalang ako ng mga magazines na nakalagay dito sa kanilang mga shelves.
How to live your life to the fullest, basa ng title nito. I got curious so, I opened the pages of the magazine. May mga taong sikat na nagtra-travel around the world, from climbing towering mountains to discovering cerulean blue beaches. Mayroon ding mga nagpa-parachute diving at kung anu-ano pang reckless actions. Kinilabutan ako, never in my life have I imagined to do this things. Pagod lang ang mapapala mo rito, it's also a waste of both money and time.
Sinara ko na ang magazine at ibinalik ito sa shelf. Dapat pala kinuha ko nalang iyong law book na binabasa ko kaysa kung anu-ano pa ang nakita ko.
"Ms. Sapphire Del Fianza, the doctor is ready to see you now" sabay kaming napatingin sa receptionist. Tinignan ako ni Sapph na ngayo'y naka kunot noo na.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romansa(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...