31: FAD

15 12 0
                                    


"P-Paano pong wala na si Sapphire?" Pakiramdam ko nawalan tuloy ako ng matalik na kaibigan. Sapphire was the only friend I had back then, and now it pains me to know na wala na siya. Gusto ko pa sana siyang kausapin at sabihing napatawad ko na ito, pero parang huli na ang lahat.


"Ang ibig kong sabihin, matagal na siyang umalis dito. Ang sabi niya sa amin, gusto niya raw magsimula ng panibagong buhay na hindi umaasa sa amin. Masyado ata namin siya na-pressure na manahin ang business namin kaya siguro naisipan nitong umalis. Pinabayaan na lang namin siya, alam kong kaya naman na niyang i-manage ang sarili niya. Alam naming babalik siya kapag handa na ito." Nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Tito. Akala ko pa naman pumanaw na si Sapphire, muntikan pa akong umiyak.


Pansin kong nasasaktan si Tito dahil sa ginawa ni Sapphire, pero tanggap naman na niya na kailangan niyang palayain ang anak niya. Oo, strikto sila pareho ni Tita Khloe pagdating sa pagmana sa business nila, pero matagal na rin naman sinasabi sa akin ni Sapphire na ayaw niya sa line of business ng pamilya niya dahil iba ang gusto niyang gawin.


"Saan daw po siya nagpunta, Tito?" Kung malapit lang ito, pupuntahan ko siya. Gusto ko talaga siyang makausap nang masinsinan. Alam kong isa rin ako sa rason kung bakit ito lumayas. I know that when I left, it also broke her.


"H-Hindi ko rin alam. May gusto rin pala sana akong sabihin sa 'yo, Nyx." Kinabahan ako sa tono ng boses ni Tito Klyde. Hindi ko mawari kung bakit bumigat bigla ang aking paghinga.


Tinignan ko lang siya nang seryoso at inantay ang kanyang sasabihin. "Si Sapphire, she has this condition na matagal na naming tinatago. Gusto naming sabihin sa 'yo noon, pero gusto niya, sa kanya manggaling. Kaya kung gusto mo malaman, hanapin mo siya," paliwanag nito.


Tumango na lang ako. Paano ko siya hahanapin kung hindi ko alam saan magsisimula? Then it hit me. Sila pa kaya ni Dr. Raiver Matsunagi? Alam kong may kasalanan sila pareho sa akin, pero matagal na iyon. Matagal ko na rin silang pinatawad. Kahit ganoon pa man, gusto ko rin malaman kung paano nila nagawa sa akin iyon.


Pupuntahan ko siya sa ospital kung saan siya nagta-trabaho at kakausapin ko siya. Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko na hindi muna ako sasama sa mga lakad nila dahil marami pa akong gagawin.


Kinabukasan, pumunta agad ako sa St. Lauren's Medical Hospital at hinanap si Dr. Matsunagi.


"Hindi na po siya connected dito," sabi ng receptionist. Naalala ko siya rin iyong receptionist dati noong kumuha kami ng medical certificate na kasama ko si Sapphire.


"Alam niyo po ba kung saan siya nagtra-trabaho ngayon?" I tried my best to calm myself kahit nawawalan na ako ng pag-asa na makita si Sapphire.


"No. At kahit alam namin kung nasaan siya, we are not permitted to disclose any personal information since we have a data privacy act," masungit na tugon nito. Umirap pa siya at pansin sa kanya na iritable na ito sa presensya ko.


Umalis ako sa harapan nito at papalabas na sana ako ng biglang may pumasok na mga lalaking malalaki ang katawan na nakasuot ng black suit at shades. Mukhang mga bodyguard ng importanteng tao.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon