-RAVI-
I first met Nyx during high school, she was one of those people na walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.
Isang araw, naglalakad ako papunta sa library nang bigla akong hinila ng isa sa mga bully sa school. Binu-bully ako ng mga higher years dahil maliit daw ako at lampa. Isama mo pa ang malaki kong eyeglasses na palagi nilang inaagaw kapag nakikita nila ako. Minsan pa nga ay tatapakan nila ito kaya napipilitan akong palitan ng bago.
Marami ang naiinis kay Nyx, at kasama na ako doon. Kilala si Nyx sa buong school dahil nga parati itong first honor. Kilala rin ito bilang social ignorant na tao dahil hindi marunong makisama. Tama, you don't say people who do not socialize with others as anti-social but social ignorants. Ang anti-social kasi ay ni-le-label lang para sa mga kriminals lang. Kaya mayroong anti-social disorder.
I learned that from my grandmother. She was a psychiatrist. The best one. She raised me well. Kinaya kong mag-aral nang mabuti kahit pa may mga nang bu-bully sa akin. She told me that people who treat others differently are just insecure about themselves that they find people who look weak to vent out their frustrations. At ako ang napili nila.
Noong panahon na pinagbabato ni Nyx ang mga lalaking nam-bu-bully sa akin, nagbago ang paningin ko sa kanya. I wanted to thank her and be friend her. But at that moment, I had a phone call from the principal's office na itinakbo raw ang lola ko sa ospital.
Sobrang close kami ni Lola Maria kaya naman mas inuna ko ito. Pagdating ko sa ospital, hindi ko na siya naabutan. Masyado akong nasaktan sa pagpanaw nito na napabayaan ko na ang pag-aaral ko. Hindi mawala sa isipan ko ang pagtatanggol sa akin ng babaeng first honor, it was the first time that someone stood up for me. At that time, I was determined to give back the favor.
Kinuha ako ng parents ko sa abroad, Kuya Raiver was already with them. Ako lang talaga ang naiwan noon kay Lola Maria. At dahil busy ang mga magulang namin sa mga trabaho nila, si Kuya ang tumayo bilang ama ko. Nilulutuan niya ako ng breakfast at laging nagbibigay ng advise sa buhay. Sabay kaming pumapasok ni Kuya Raiver sa isang paaralan sa New York.
Lagi ko siyang tinatawag na papa or daddy, it was both a joke and a compliment. Naiinis kasi ito sa tuwing tinatawag ko siyang papa kaya natatawa nalang ako. But deep down, I really appreciate his fatherly side dahil inalagaan niya ako.
Nang maka-graduate si Kuya ng medical school, nagkaroon siya ng offer sa Jeluser University sa Maynila as a School Physician. Sinama niya ako pabalik at doon na rin nag-aral ng kolehiyo. We spent our time mostly at the gym, free access kasi kapag may kamag-anak kang empleyado sa University. Lumaki ang mga katawan namin, which made an impact to the society.
This was society, kung kagwapuhan ka, mayaman, matalino, at malaki ang katawan, maraming magkakandarapa sa 'yo. Hindi pwede na matalino ka lang, dapat whole package. Wala akong naging girlfriend noon, siguro fling marami but none of them were girlfriend material.
Nalaman kong may girlfriend si Kuya Raiver noong hindi na siya nakikisabay sa pag-gym namin. He was secretly dating a girl from the University. May idea ako kung sino kaso mahirap pa rin manghinala. Wala rin naman akong pakialam dahil buhay niya 'yon.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romance(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...