Familial Alzheimer's Disease (FAD), also known as early-onset Alzheimer's disease, is a genetic mutation that causes the abnormal production of a protein called amyloid-beta, which leads to the formation of plaques in the brain. These plaques, along with tangles of another protein called tau, disrupt the normal functioning of brain cells and ultimately lead to their death. This results in a progressive decline in memory, thinking skills, and eventually, the ability to carry out daily activities.
"Kailan pa?" tanong ko kay Topaz.
"Matagal na. Hindi mo ba napapansin noon? Na, makakalimutan siya? Tapos biglang parang walang nangyari?"
Come to think of it, noong nagkaroon kami ng alitan at lumipas ang ilang araw, parang walang nangyari. Akala ko ayaw niya lang pag-usapan iyon pala hindi niya maalala.
"Pero, nasaan siya ngayon?"
"Nasa isang mental health facility siya, parang halos isang taon na ata siya doon." Tinuro niya si Dr. Matsunagi at napatingin ako rito.
"Nyx, I'm sorry..." panimula ni Raiver. Nakinig lang ako, alam kong may dahilan lahat ng ginawa nila noon. Ngayon, handa ko ng pakinggan lahat.
"Saglit." Pinigilan ko ang susunod na sasabihin ni Raiver dahil ayaw kong dito namin sa Cafe pag-usapan iyon. Nilingon ko si Trevor at parang wala na ito sa cafe. Iniwan niya ba ako? Tinignan ko ang selpon ko at nakita kong nag-text ito sa akin.
'Diamond, I had to go. I placed your Hot Choco behind you.'
At dahil wala akong load, hindi ko siya ni-reply-an. Alam kong nabigla ito na nakita niya si Topaz dito. Baka hindi pa nga ito naka-move on.
Kinuha ko ang hot choco na nilagay niya sa table na nasa likuran ko at diretsong ininom ito kahit na napakainit.
"Pwede bang puntahan natin siya?" Tumango iyong dalawa. Hindi ko nga pala natatanong bakit sila magkasama. Akala ko ba si Sapphire ang girlfriend ni Raiver?
Pumunta kami sa sasakyan ni Raiver. Sumakay si Topaz sa passenger seat at ako naman sa likuran. Inumpisahan na magmaneho ni Raiver.
"So, Nyx, how are you? Buti bumalik ka," nakangiting sambit ni Topaz. Alam niya kaya ang mga nangyari? I don't know. Pansin kong hindi na siya ganoon kasungit tignan. Her face was more subtle and pure na parang inosenteng babae. Dati kasi makita ka lang niya, nakataas na agad ang isa nitong kilay kaya marami ang takot sa kanya.
"Okay lang," tipid kong sagot. Nakatingin ako sa labas ng bintana.
"Nyx, about sa nangyari noon..." umpisa ni Raiver.
Tinuon ko ang tingin ko sa kanya, napapasilip siya sa rearview mirror habang sinusubukan akong kausapin.
"I wanted to say sorry. Alam kong mali ang mga ginawa namin noon. Me and the others-"
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romantik(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...