13: Trippin'

85 14 0
                                    

"?" 


'Yan lang ang naging reply sa akin ni Ravi sa tagal niyang nagta-type. Napangiwi ako. How immature of him. Siguro masama pa rin ang loob niya kaya siya ganyan. Pero bakit niya nirere-post ang mga post ko kung gano'n?


"Ravi, can we talk?" I sent the message. Kung magpapabebe kaming pareho, walang mangyayari. Ako nalang gagawa ng paraan para maka-usap ko siya.


"What for?" bakit ang cold niya sumagot? Dati kapag mini-message niya ako andaming emoji tapos ngayon. Hmpt!


"Gusto ko lang sana mag-sorry. Pero kung hindi ka pa okay. I respect your decision." 


"Sige, pupuntahan kita sa dorm mo" 


Magre-reply na sana ako nang may kumatok sa pintuan ng dorm ko. Nagmadali kong binuksan ito at nanlaki ang aking mata sa taong nakatayo sa harapan ko.


"Kanina ka pa dyan?" tanong ko kay Ravi. He was just wearing shorts and a slim-fit shirt. Nakatsinelas pa ito na parang bibili lang ng suka sa tindahan sa kabilang kanto.


"Oo, sabi mo kasi gusto mong mag-sorry, kaya ito pumunta na ako sa dorm mo" pag-aamin niya 'saka ito pumasok sa loob ng dorm ko.


Napakunot noo ako, matagal na ba niyang hinihintay ang sorry ko? Gaano katagal siya nag-aabang diyan sa labas? Tumingin ako sa labas bago ko ito pinapasok.


"Huwag kang umasa, galing lang ako kay Topaz kaya mabilis ako nakarating dito" he was giving me cold-vibes and I don't like it. Tsaka, anong ginawa niya sa dorm ni Topaz? Sila ba?


"Ah okay" I stared at him. Mukha siyang puyat dahil sa maitim na eyebags sa kanyang mukha. Tapos magulo pa ang buhok at hindi nag-ahit ng balbas.


 "Gusto mo ba ng hot choco?" pag-alok ko sa kanya habang komportableng nakahilata sa sofa. He looks like he lost some weight. Hindi ba ito kumakaen?


Tumingin siya sa akin at matipid na ngumiti bago sumagot, "Sure, kahit ano." 


Nagtimpla na ako ng hot choco para sa aming dalawa. Naalala ko naman noong pumunta kami sa Mt. Pulag at binigyan niya ako ng hot choco habang pinapanood ang mga shooting stars sa langit.


Pinakiramdaman ko ang sarili ko, sumisikip ang dibdib ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko na gustong kumawala sa aking dibdib. Ang hirap ng ganito, hindi ko alam kung aabot pa ba ako kinabukasan. Ang sabi kasi ni Dr. Matsunagi noon, two years ang maximum. Ibig sabihin anytime pwede akong mawala? Ganoon ba iyon.


Kinalma ko muna ang aking sarili bago ko inabot kay Ravi ang tasa na may lamang hot choco. Nilagyan ko na rin ng maliliit na mashmallow para pampalubag loob na rin. Sabi kasi nila, when a person is not feeling well, offer them a hot beverage.


"Ang lamig naman ng kamay mo, Nyx" sambit ni Ravi nang magtama ang kamay namin habang inaabot niya ang tasa sa akin. Ngumiti lang ako, hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon