04: Operation Connection

89 16 1
                                    


"Ms. Del Fianza, where's your medical certificate" tanong ng internship coordinator namin habang ino-orient kami sa kung paano makahanap ng company for our internship.


"Ah-eh, wala pa po Ma'am" pagsisinungaling ko sa kanya.


Hindi pa ako handang sabihin ang resulta ng medical exam ko sa kahit na sino. Malay mo mali pala iyong naging diagnosis sa akin ni Dr. Matsunagi. Wala naman kasi akong nararamdamang abnormal sa pagtibok ng puso ko. Maghahanap nalang ako ng paraan upang mabigyan niya ako ng Medical Certificate.


"Huh? Eh kailan mo ibibigay? Mauubusan ka niyan ng pag-i-intership-an. Remember, no medcert, no internship" 


"Alam ko po ma'am, fina-follow-up ko na po sa SLMH iyong akin. Siguro na misplaced po nila" I lied again. 


"Alright, but make sure to submit it within this week. If you won't be able to submit it, then I'm sorry but you can no longer avail of the internship" kumalabog ang dibdib ko. I cannot let this happen. Wala naman talaga akong sakit, wala akong nararamdamang kakaiba.


"Yes po, Ma'am" I assured her.


Itinuloy niya ang pag-o-orient sa amin. Inilabas ko naman ang aking orange na notebook at gumawa ng panibagong listahan sa kung paano ko makukuha ang medical certificate na iyon. I tried listing pros and cons on how I'll get that medical certificate. 


Hindi naman din ako pwedeng magpa-checkup sa iba dahil ang ino-honor lang ng University namin ay ang medical certificate na issued by Dr. Matsunagi. So, how in the hell hole can I get that medical certificate.


I don't know what to do. Gusto ko sanang sabihin kay Sapphire pero hindi ata kami okay. Lagi itong tahimik sa dorm, madalas rin niyang kasama iyong lalaki na naghatid sa kanya noon. What was his name again? Nakakalimutan ko, he mentioned it a few times, but my brain didn't have the capacity to store it.


Matapos ang orientation namin ay umuwi muna ako sa dorm para makapagpahinga. I need all the energy I need to try and think of ways para makakuha ng medical certificate. Susubukan ko rin paki-usapan si Dr. Matsunagi, malay mo bumigay.


Sa loob ng dormitoryo, naisip ko na maaaring may iba pang paraan para makakuha ng medical certificate. Mabilis akong nagbukas ng laptop at nagsimula ng online search tungkol sa mga alternative na paraan para makakuha ng valid na medical certificate.


Isang lumabas sa search results ang tungkol sa telemedicine services. Iniisip ko na maaaring makuha ang medical certificate online mula sa ibang doktor. Binuksan ko ang isang website ng telemedicine service at nagtanong sa kanilang live chat support.


"Hi! I need a medical certificate for internship purposes. Can you help me with that?" tanong ko sa agent ng telemedicine service.


Oo naman, sagot ng agent, at in-explain ang proseso ng kanilang serbisyo. In-require nila ako na mag-fill out ng medical history form at mag-book ng online consultation with one of their doctors.


Matapos ang maikling online consultation, nagbigay ang doktor ng medical certificate electronically. Nangako siya na ipadadala ito sa aking email sa loob ng 24 oras.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon