12: Diamond

80 14 1
                                    

Dalawa pa lang ang na che-check ko sa aking 'Things I want to Experience before My Last Sunset' bucket list. Sana lang magawa ko lahat bago pa man ako mawala. Marami akong gustong gawin mas lalo at hindi na ako naka-focus sa academics lang. I want to explore the world and just do what I like to do. Naalala ko nanaman na mahilig ako mag-drawing, maybe I should start enhancing that skill. Alam ko namang hindi na rin ako makakapag-enroll next semester. Ayaw ko rin naman subukang magpagamot dahil sabi nga ni Dr. Matsunagi wala rin lang magagawa pagsinubukan ko dahil rare raw ang case ko.


Bukas, sinabi ko sa aking sarili na magpapa-tattoo ako. Iyong maliit lang, gusto ko lang naman kasi i-try kung anong feeling. Pero ano kaya ipapagawa ko? Then I remembered, when I was a child, my ginuhit akong sunset picture na may happy face. I'll just enhance it then, iyon nalang ang ipapalagay ko. 


Proud ako sa sarili ko ngayon dahil nag-order din ako sa Jolibee ng Yum Burger, Chicken Joy, Fries, at Sundae. Tapos pumunta naman ako sa Mcdo para mag-order ng Chicken Nuggets, Apple Pie, Coke Float, at Ala-King. Nag-take out lang ako dahil ayaw kong titigan ako ng mga tao, pero hindi maiwasan napapatitig talaga sila sa akin dahil madami akong bitbit. 


May mga nag-compliment din na maganda ang buhok ko and so on. Hindi ako sanay na may nag-ko-compliment sa akin kaya ang sinasabi ko nalang, Thank you.


Nang makarating ako sa dorm ay inihanda ko na sa dining table ang mga pagkaing binili ko. Tinitigan ko muna ito at kinausap ang aking sarili kung gagawin ko ba talaga ito. I have been eating healthy food all my life kaya this is new for me. What if ayaw ko ang lasa? What if sumakit tiyan ko? Bahala na. I am doing this because I want to experience it. There's no turning back.


Una kong tinikman ang Fries ng Jolibee na sinawsaw ko naman sa Sundae. Wow, so this is what it tastes like. Wala ako masabi, sobrang sarap. Kaya pala panay ang cravings dati ni Sapphire sa mga ganitong pagkain. 


Si Sapphire. Kamusta na kaya siya? Ilang araw na rin ang nakalipas nang umalis siya papuntang New York. Tawagan ko kaya sa Facebook? Sasagot kaya siya?


Walang alangan kong tinawagan ang Facebook ni Sapphire at sinagot naman nito kaagad.


"NNNNNNyyyyyyyyyyxxxxxxxxxx!" maligayang bati nito na parang ilang taon kaming hindi nag-usap. Ngayon ko lang napagtantong miss ko na ang pinsan ko. Wala na kasing nangungulit sa akin kapag tahimik ako. Marami rin akong hindi magandang nagawa sa kanya pero kahit ganoon, hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin.


Gabi na ata sa kanila dahil madilim ang paligid nito. "Sapph! Kamusta ka?" nahihiya kong sabi.


Tumitig muna ito sa camera ng matagal bago ito muling nagsalita, "Teka! Ikaw ba talaga iyan Nyx? Bakit iba ang buhok mo? Pero shemays ang ganda mo, Nyx! Ano ba! I miss you!" natawa nalang ako sa mga sinabi niya.


Gusto kong sabihin sa kanya na may tanning ang buhay ko pero siguradong uuwi agad iyon at baka hindi na niya tapusin ang internship niya. Ayaw ko pa man din na mangyari iyon.


"Oo ako to, Sapph" huminga ako ng malalim at ngumiti. "Sinubukan kong magpagupit at magpakulay ng buhok, para naman mabawasan ang mga kaaway ko" natawa si Sapph sa sinabi ko na parang batang kinikiliti. "Ano naman sumagi sa isipan mo at nagpaganyan ka? Pero infairness, bagay na bagay mo" napangiti ako sa sinabi niya. "Mas maganda kapag nagsuot ka rin ng contact lens Nyx, baka hindi ka na namin mamukhaan" napaisip ako sa sinabi ni Sapph. Ma-try nga rin mag contact lens.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon