08: The Highest Peak

80 15 1
                                    


"Alright, good luck everyone!" 


Matapos kaming ma-orient sa mga kailangan naming malaman tungkol sa pag-akyat sa Mt. Pulag ay dumeretso na kami sa labas upang makapag-rent ng iba pang mga gamit. 


Ang ayaw ko lang ay matutulog pa pala kami sa camp site dahil bukas pa kami ng madaling araw mag-start na mag-hike. And of course, ang katabi ko ay iyong kapatid nung bouncer na si Britanny. Well, it's better, kaysa naman si Ravi ang katabi ko or iyong Nelson. Sana lang 'wag siyang magkalat sa tent namin.


Kahit naka-turtleneck at jacket na ako, ramdam ko pa rin ang lamig dito sa campsite. It feels like the coldness from this place is slowly creeping inside my bones. Paano pa kaya sa summit? Bahala na, mind over matter na lang. Pero hindi nakakatulong itong si Britanny, ang daming tinatanong, pag hindi mo naman sasagutin hindi titigil.


Kinukot ko ang aking sarili sa manipis na kumot na dala ko. "Nyx, sa tingin mo ba mataba ako?" nakapikit na ang mga mata ko nang magtanong ulit si Britanny. Hindi ba obvious? Anong gusto niyang sabihin ko?


"Ang mahalaga masaya ka," I told her, hoping she would just lay down and sleep already. Alas onse na ng gabi at ilang oras na lang ay kailangan na naming gumayak para sa pag-hiking. Pero imbes na natutulog ako ngayon ay kanina pa tanong ng tanong itong si Britanny. Buti sana kung may kinalaman sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.


"Eh ikaw masaya ka ba?" Napaupo ako sa tanong niya. Giving her a confused look.


"Pansin ko kasi hindi ka ngumingiti simula noong nakarating tayo rito," she said, eating the last piece of egg pie she brought. Kung hindi lang ako inaantok, kanina ko pa tinapon sa labas ang mga dala niyang pagkain.


"At halata sa mga mata mo ang lungkot," she continued. Gosh, ano ba Britanny.


"I have my reasons," I replied to her, 'saka bumalik sa paghiga.


"So, mataba nga ako?" tanong nanaman niya. Gosh! kung alam ko lang na ganito ang makakasama ko rito sa tent, sana si Ravi nalang katabi ko. Mukhang mas tahimik pa iyon eh.


"Britanny, please. Just sleep." Sa pagkakasabi kong iyon ay humiga na siya. Inilapad niya ang likod niya sa likod ko. it felt warm, mas diniin ko pa ang likod ko sa likod niya. This is nice, ganito pala ang pakiramdam ng may kasamang mataba este masaya.


I was about to doze off when I saw a shadow outside our tent.


"Nyx...Nyx..." hindi ko sana papansinin ang boses ni Ravi pero ayaw tumigil.


Binuksan ko ang tent namin at pumasok naman ang lamig ng hangin sa loob. 


"Ano?" with an irritating look, I glanced at Ravi.


"Halika, may ipapakita ako sa 'yo" nakakunot pa rin ang noo ko. I don't have the time for this. I need to sleep.


"Ayaw ko, inaantok pa ako" wala na akong nagawa dahil hinila niya na ang braso ko. Reluctantly, I followed Ravi outside the tent, shivering in the chilly night air.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon