During Sapphire's burial, I got assigned to deliver a short speech. Halos mag-crack ang boses ko, pero nilakasan ko ang loob ko dahil para ito kay Sapphire.
"Hello, everyone. Salamat po sa pagdalo dito sa araw na ito. Alam kong hindi madali para sa ating lahat ang pagkawala ni Sapphire. Isa siya sa nagbigay ng kulay at saya sa buhay ng bawat isa sa atin..." panimula ko. Lahat ng atensyon ng mga tao ay nakatuon sa akin.
Habang binabasa ko ito, naramdaman ko ang bigat ng mga salita sa aking puso. Huminga ako nang malalim at pinilit kong ituloy ang aking sinasabi.
"Naaalala ko ang bawat sandaling magkasama kami, lalo na ang mga huling paglubog ng araw na pinanood namin nang magkasama. Ang bawat pagkakataong iyon ay puno ng mga kwentong puno ng pag-asa. Kahit sa kanyang kahinaan, ipinakita niya sa akin kung gaano siya katapang at kung gaano niya kamahal ang b-buhay."
Tumingin ako sa mga mata ng mga tao sa paligid, nakita ko ang lungkot at pag-asa sa kanilang mga mukha. Nilakasan ko pa lalo ang loob ko at itinaas ko ang aking kamay na may hawak ng papel.
"Si Sapphire ay hindi lamang isang kaibigan kung 'di isang inspirasyon. Ang kanyang tapang, ngiti, at pagmamahal ay patuloy na magbibigay liwanag sa atin, kahit na wala na siya sa ating piling." Napatigil ako sandali, pakiramdam ko'y parang mas lalo pang bumibigat ang aking dibdib.
"Hindi ko malilimutan ang huling araw na magkasama kami. Sa huling sandali, pinagmasdan ko kung paano siya ngumiti habang lumulubog ang araw, pinakawalan ko ang isang kaibigan na walang ginawa kung 'di pasayahin ako."
Naglakad ako papalapit sa kabaong ni Sapphire, tumingin sa kanya, at ipinagpatuloy ang aking pagsasalita. "Ngayong, narito tayo hindi lamang upang magpaalam, kung 'di upang ipagdiwang ang buhay ni Sapphire. Ipagdiwang natin ang mga alaala, ang pagmamahal, at ang lahat ng magagandang bagay na iniwan niya sa ating mga puso."
Hinawakan ko ang gilid ng kabaong, naramdaman ko ang malamig na kahoy sa ilalim ng aking mga daliri. "Sapphire, alam kong naririnig mo kami. Thank you for everything. Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal na mahal ka namin."
Pagkatapos ng aking mensahe, hindi ko napigilang umiyak. Pinunasan ko ang aking mga mata gamit ang aking panyo at naglakad palayo, ramdam ko ang bigat ng aking mga hakbang. Sa likod ng mga luha ko, nakita ko ang mga ngiti at luha ng mga tao sa paligid. Alam kong hindi nag-iisa si Sapphire sa kanyang paglalakbay. Ang kanyang alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawat isa sa amin.
Habang unti-unting ibinababa ang kanyang kabaong, bumalik sa aking alaala ang mga huling araw na magkasama kami. Ang mga sandaling iyon ang magpapaalala sa akin na ang bawat paglubog ng araw ay isang paalala ng kanyang pagmamahal at tapang.
As they lowered Sapphires casket into the ground, my heart felt like it was breaking into a million pieces, my eyes blurred with tears. The sound of the pulleys and the soft murmurs of the gathered crowd seemed distant, almost unreal.
Makalipas ang ilang buwan, tinanggap ko ang offer nila Tito Klyde sa akin na tagapagmana sa kakabukas nilang art gallery. I invested in arts all over the nation na alam kong magpapalago sa business na ito. We named the Art Gallery in Sapphire's honor, Saphhire's HeART Haven or SHH. A quiet place you can relax and make art.
Bukod sa art gallery na 'yon, nag-invest din ako na gawin itong cafe para sa mga artist at aspiring artists. Every Friday night, I conduct art workshops kung saan pwedeng ma-improve ang art skills ng mga taong dadalo. Every Saturday morning naman, mayroon kaming art sessions with kids na mahilig sa arts. Kasama ko rito sila Analise at Desmond. They sometimes come to the Philippines just to give art talks and workshops to individuals who wants to enhance their art skills and how they can make a living out of it.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
רומנטיקה(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...