Sa bawat araw na lumipas, nag-focus ako sa academics at sa mga kaibigan ko. I was indeed happy with where I am today. Marami man ang nangyari na 'di inaasahan sa buhay, masasabi kong 'Everything happens for a reason' talaga.
I woke up with a smile on my face. Napahinga ako nang malalim bago tumungo sa banyo para makapag-prepare na. It's graduation day. I can now wear my mom's dress. It's just a simple red cocktail dress with white floral patterns. Sinuot niya ito noon ng malaman niyang buntis siya sa akin. She told me that it was her lucky dress. Lagi ko itong dala ever since namatay siya at sinabi sa aking sarili na kapag nakapag-graduate ako ng college, isusuot ko 'yon.
After 3 years, I managed to graduate as Cum Laude. Yes, 3 years ko lang tinapos ang Bachelor of Fine Arts Major in Painting. Hindi man ako Summa Cum Laude, at least I still got a Laude award. Lagi akong nag-fu-full load at nag-te-take ng summer course offerings para siguradong sabay sabay kaming grumaduate nila Ali, Mond, Kreena, Teddy, Emerald, Chester, Jeremy, at Trevor.
Kung hindi dahil sa mga kaibigan ko na ito, malamang hindi ko ma-su-survive ang collage life rito sa New York. I sold a total of 777 paintings during those 3 years. Puro anonymous ang buyer but still, thankful ako na nabenta ko ang mga 'yon.
Humaba na rin ang buhok ko at balak ko itong pagupitan sa salon ni Topaz paguwi ko sa Pilipinas. Gusto ko rin ulit magpa-tattoo kay Ruby. I designed a minimalist tattoo na balak ko ipalagay sa likod ng tainga ko.
Sa tatlong taon ko rito sa New York, parang ayaw ko na umalis. Napamahal na kasi ako sa paligid at sa mga taong nandito. Mas lalo na kay Nanay Rona.
Nanay Rona became my soul mother. Lagi niya akong pinapagluto ng pagkain kahit na minsan hindi ako kumakain doon. Lagi niya akong pinapaalalahanan na magpahinga kapag nagpupuyat ako dahil sa mga school requirements ko. Dahil sa kanya, naranasan ko magkaroon ng ina ulit.
"Dy! Good news! We are coming with you to the Philippines!" Bungad ni Ali sa akin habang palabas ako sa bahay, kasama ang iba pa naming kaibigan.
Paalis na ako at ang alam ko ay ihahatid lang nila ako sa airport. Sinabi kasi nila na gusto nila, sila ang last kong makita bago ako umalis dito sa New York. Who would have thought that, they'll be coming too.
"For real?" Masaya kong tugon. Nakita kong may mga hawak din silang mga maleta.
"Yeah, we want to have a 2-month vacation before we start doing our own businesses in the future." Kreena said before putting her luggage inside Jeremy's car trunk.
Grabe talaga itong mga kaibigan ko, I love them so much. Tinignan ko sila isa isa ng malaman na kulang sila. I gave Ali a confused look. Alam niya na kung sino ang hinahanap ko.
"He's not coming. He said he needed to-"
Napatigil si Ali sa pagsasalita ng biglang akbayan ni Trevor ang balikat ko. Napatinggala ako sa kanya. Ang tangkad niya kumpara sa akin.
"Looking for me?" Kinindatan niya ako kaya kunwari nasuka ako. Natawa naman silang lahat sa ginawa ko. Sinusubukan kasi akong landiin nitong si Trevor since 2nd year kami pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Ilang beses ko na rin pinaliwanag pero parang ayaw sumuko. Challenging daw kasi ako.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romance(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...