Sa tagal naming nagtatalo ni Ravi kung saang beach magandang puntahan, siya pa rin ang nasunod. Marami akong na-suggest sa kanya pero none of them match his standards. Ikaw ba naman makapunta sa maraming beaches, natural mai-ko-compare mo ang mga iyon.
Hindi naman kasi kailangan mapuntahan ko ang pinakamagandang beach. Ang gusto ko lang is iyong ma-experience ang dagat at ang mainit na buhangin sa aking paa. Buti nalang nag-meet kami sa middle. In the end, Boracay ang aming napagsunduan at aalis kami dito sa Maynila after three days.
Sinagot niya lahat. From air fare to accommodation. Nag-hire pa ito ng tourist agency para raw masulit namin ang pagpunta sa Boracay. Tatanggi sana ako dahil malaking pera ang magagastos niya kaso ayaw naman nitong magpabayad dahil malaki raw ang kasalan niya sa akin.
Hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya. I-se-save ko nalang ang pera ko para sa iba ko pang kailangan gawin. Buti nalang talaga at magaling ako mag-ipon. Umabot rin ng kalahating milyon ang naipon ko simula noong bata ako dahil wala rin naman akong pinaggagastusan maliban sa mga requirements sa school.
Nag-empake ako ng mga outfit ko na good for three days two nights. Sinadya kong pumili ng mga damit na pwede kong i-awra para naman maganda ang mga i-po-post ko sa FB page ko. Para naman kapag namatay ako, at least maganda ako sa mga picture na ilalagay nila sa kabaong ko. Tutal kasama ko naman si Ravi, gagawin ko na rin siyang personal photographer.
Nagsuot ako ng cyan-colored sun dress na bumabagay sa aking blue hair undertones. 'Saka beige na sandals. Naglagay din ako ng light make-up para naman maganda ako sa pictures.
Bumaba na ako sa lobby at nag-selfie habang hinihintay dumating si Ravi. Sabi niya, sasakyan nalang daw ang gamitin namin tapos i-pa-park nalang niya sa airport para may transportation kami once bumalik kami rito sa Maynila. Buti naman at nagiging normal na ang pag-iisip niya, hindi katulad dati na pang-abnormal.
Narinig kong may bumusina sa labas ng building, si Ravi na siguro iyon. Nagmadali akong lumabas ng lobby bitbit ang maleta kong kulay itim, at isang hand carry na tote bag. Sumilip ako sa labas ngunit hindi ko alam kung anong sasakyan ang gamit nito.
Paglabas ko ay nakita ko ang isang sasakyang kulay pula na mukhang mamahalin. Hindi ako familiar sa brand ng mga sasakyan pero nakita ko na ito sa isang magazine ng The Billionaire's Club. Kung anu-ano na rin kasi ang mga pinagbabasa ko. Hindi nalang ako nakatutok sa mga law books tulad ng dati.
Bumili na rin ako ng sketchpad para kapag wala akong magawa, sinusubukan kong gumuhit ng kung anu-ano para lang hindi maaksaya ang oras ko. Inisip ko rin na iguhit ang mga lugar na mapupuntahan ko tapos gagawin kong parang comics na ako lang ang makakabasa.
Napatingin muli ako sa pulang kotse dahil bumusina ito. Kay Ravi kaya iyon? Magtatanong pa sana ako sa sarili ko nang biglang bumaba ang driver ng sasakyan na nakasuot ng Ray-Ban shades. Nakasuot ito ng polo shirt na kulay itim at puting shorts na pinaresan pa ng puti na rubber shoes. Nagpagupit rin ito na faded ata ang tawag sa gupit tapos nag-ahit na rin.
Bakit gano'n? Simple lang ang suot niya pero ang lakas ng dating. Tapos iyong gupit niya siguro mura lang pero parang inabot ito ng libo-libo para maging ganito ka...hot? Hot? Bakit ang hot ata bigla. Buti nalang at naka sleeveless ako baka nagpawis na kili-kili ko kung long sleeves ang sinuot ko.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔
Romance(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 COMPLETED: June 28, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly planned her life from Kindergarten, aspiring to become a top-notch lawyer. Focused on academic excellence, she avoided...