02: Drunk Sapph

107 18 0
                                    


Pag-gising ko ng umaga, inaantay kong tawagin ako ni Sapphire upang mag-almusal.


Bakit kaya hindi pa niya ako tinatawag? Baka tulog pa 'yon kasi wala ng pasok. Babalik na muna ako sa pagtutulog. 


Matapos ang tatlong oras tinignan ko ang aking selpon at nakitang mag-aalas onse na. Hindi pa nagigising si Sapph? 


Sinilip ko ang kama niya at nakitang wala siya roon.


Shit.


Oo nga pala, nag-away pala kami kahapon kaya malamang walang magtatawag sa akin upang kumaen. Di pa rin ba siya uuwi? Like I care.


Agad na akong bumangon at nagluto nalang ng pancakes. Nilagyan ko ito ng strawberries at banana tapos binuhusan ko na rin ng maraming honey. 


Sabi ko nga, I'm a strong independent woman. Hindi ko kailangan ng kahit na sino. Pag naging lawyer na ako, sila ang mangangailangan sa akin. 


Matapos kong kumaen ay hinugasan ko na ang mga ginamit ko at tsaka inayos ito sa kabinet. 


Nag-ayos na rin ako ng dorm at napansing sobrang tahimik nito. Ang peaceful pala pag wala si Sapph. Siguro nga everything happens for a reason. Siguro kailangan kong mapag-isa kaya nangyari iyon. 


Oh well. Nagkibit balikat ako at nagsimula na ring buksan ang orange kong notebook. Binasa ko ang mga nakalista rito at tinitigan ang isang nakasulat dito. 


                      🔲 Pass the medical exam for the internship. 


Next week na 'yong medical exam namin. Ilan tests din ang gagawin kaya kailangan paghandaan. I need to monitor my vital signs para siguradong maganda ang magiging resulta nito. Kung pwede sana ako ang may pinakamagandang resulta. Mag-e-exercise na rin ako dito sa dorm para hindi maging stiff ang mga joints ko.


Habang nagii-squats ako ay nagbabasa na rin ako ng law book at nakasuot sa aking ulo ang headphones ko. Classical music, paborito kong music na nakaka-relax sa system ng isang tao.


 Ngayon lang ako naka-relax ng ganito, sana pala noon palang inaway ko na si Sapphire para mag-isa ko lang dito. Then again, she was a great companion. Ayaw ko lang talaga manuyo dahil sayang sa oras. I don't wanna waste my precious time on non-sense things.


Makalipas ang ilang minuto ay natapos ko na rin ang exercise routine ko. Mamayang hapon na ako mag-jojogging pag hindi na gaano ka-init. Bakit ba kasi ang init dito sa Manila. 


Normal naman lahat ng vital signs ko, pakiramdam ko rin naman normal ang dugo at lungs ko. Pinunasan ko ang aking pawis at umupo dahil nanikip bigla ang dibdib ko. Nasobrahan ko ata ang pag-e-exercise. 


Makaligo na nga para mag-normalize ang body temperature ko.


𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon