Chapter 3

153 38 5
                                    

Pagkalingon ko sa bahay hindi nga ako nagkamali. Naroon siya! Nasa pangalawang palapag siya ng bahay nila.

At parang... payapa lang siyang nakatingin sa paligid.

Siya ‘yung nakita ko kanina nang lumingon ako. Biglang nagkarerahan ang nasa loob ko. Pakiramdam ko sa sobrang bilis ng tibok... lalabas ito.

Sa anim na taong pasikretong pagkakagusto sa kaniya, titigan siya sa malayo nang hindi nakatingin ay gawain ko na. Ang hindi ko lang magagawa ay... tingnan siya pabalik tuwing nakatingin din siya. Sa apat din na taon na ‘yun, namuhay ang pagiging assumera ko kaya nagtagal ito.

Bakit nga ba hindi ko maamin-amin sa kaniya na gusto ko siya?

Aaminin ko rin na... hanggang ngayon ay namumuhay pa rin ako sa pagiging delusional. Mas lalo lang itong lumala sa pagigi kong assumera noon.

Ngayong natitigan ko ulit siya... sa malayong distansya, nakatingin din siya. Sa akin ba talaga ang kaniyang tingin? Tanong at paninigurado ko sa sarili kaya napatingin ako sa may likuran ko.

May mga taong dumadaan, mga sasakyan, may mga nagkuwe-kuwentuhan, at sa huli mga construction workers na nagtra-trabaho. Kung pagsasama-samahin sila ay magiging magulo ang paligid.

Pero kaming dalawa ni Jahru... patuloy ang tinginan namin na parang walang pakialam sa nakapaligid. Kaya ako nabibiktima ng nararamdaman ko dahil... kaagad na akong umiwas ako sa tinginan namin.

Nang lingunin ko ulit siya, ay kaniyang tingin ay sa akin talaga.

Hindi ko alam kung ano ang mga klase ng tingin niya. Hindi ko rin maintindihan kasi... sa aming dalawa, ako lang naman ang nakaaalam na may gusto ako sa kaniya.

Nagdesisyon akong tatalikod na. Kahit papaano... masaya pa rin sa pakiramdam ang ganito. May mga araw na naisip ko... ano kaya ang pakiramdam kapag pareho niyong gusto ang isa’t isa... pareho kayong nararamdaman...

Hanggang dito na lang ba talaga ito? Pero kasi... kahit ganito gusto ko naman.

Something that I can’t pursue but... something that I wanted to feel... with him. Siguro hindi ko pa kaya at handang aminin.

Bago ako tumalikod ay biglang umangat ang kaniyang kamay na parang pinipigilan ako pero nakatalikod na ako at sabay sa pag-apak ko ay biglang wala na akong maapakan.

Napasigaw ako sa sobrang sakit nang mahulog ako sa kanal. Muntikan pa akong matumba kung hindi lang nakahawak sa gilid ng pader. Hinawakan ko rin ang aking ulo, hindi naman ito masakit pero sa may tuhod ko masakit!

“Shit! Nakakainis naman! Bakit ba ang malas ko ngayon!?” mariin kong sigaw.

Sobra akong kinabahan pero nang walang makitang tubig o putik man ay medyo nawala ang aking kaba dahil talagang sisigaw ako nang malakas kapag may linta itong nahulugan ko. Ayaw ko sa linta... kahit ipis na lang siguro.

At... at nakita niya! Gosh! Nakita niya kung paano ako nahulog sa kanal! At ang nakakahiya talaga, siya pa iyong nakakita sa ‘kin!

Una ‘yung ID! Ngayon...

“Heidi! Heidi!”

Rinig ko ang sigaw ng aking kaibigan mula rin sa malayo. Natauhan ‘ata nang mapagtanto na wala ako sa kaniyang tabi! Kaya minsan ang hirap niyang kasabay sa paglalakad!

“N-Nandito ako!” sigaw ko. Sobrang inis na inis.

“Wala naman! Nasaan ka ba?... Jahru? Ikaw pala. Uh, nakita mo ba ang kaibigan ko? O kahit may nakita ka na lang na kasama ko?”

Malapit na ang kaniyang boses mula sa kanal na kinahulugan ko kaya naman namilog ang aking mata. P-Palapit siya? Lumapit siya?!

Eksaktong hanggang sa ibabaw lang ng ulo ko ang taas ng kanal. Masakit din sa binti syempre. Imbis na alalahanin ko ang aking sarili pero ‘eto, inaalala ang aking kahihiyan. Kaba at kahihiyan ang umapaw sa ‘kin.

Bakit ka ba kasi tumalikod, Heidi?! Ikaw pala rito ang hindi maintindihan kapag naglalakad! Sunod-sunod kong ipinukpok ang aking kamay sa ulo ko dahil sa katangahang nagawa. Wala na rin yata akong planong lumabas dahil sa umaapaw na kahihiyan.

Pwedeng dito na lang ako habambuhay? Hindi ko ‘ata kaya pang magpakita pa sa kaniya.

“Tatanga-tanga ka kasi! Nakakahiya!” mariin kong bulong sa aking sarili.

Napatigil lamang ako nang makita ang isang kamay na nakalahad. Mula sa loob ng kanal ay nakita ko siyang nakayukong nakaluhod ang isang tuhod at nakalahad ang kamay.

Umiigting ang kaniyang panga at base sa mukha niya ay mukha siyang galit o baka guni-guni ko lang iyon. Kasabay nang pag-iigting ng kaniyang panga ay ang pagfle-flex din ng muscle niya.

Hawak-hawak ang magkabilaang kili-kili ko malapit na sa gilid ng aking dibdib. Napahawak ako malapit sa kaniyang papulsuhan.

Iniwas ko muna ang aking mukha. Chineck ko rin kung mayroon bang naapektuhan sa aking mukha pero wala naman. Siguro sa puso ko meron! Kailangan ko na rin yata magpacheck-up? Tumatambol na naman.

Walang pasabing sa isang galawan ay naiangat niya na ako. Tili ng aking kaibigan ang bumungad sa akin nang bumitiw ako sa hawak ni Jahru. Nag-aalala ba ‘to o...

Maraming taong nagsitinginan sa puwesto namin. May iba pang papalapit at ang iba naman ay parang natatawa rin.

Napapikit ako sa kahihiyan! Sobra-sobrang nakahihiya!

Naagaw lamang ang aking atensyon sa kasama niyang bubwit na hindi na mapigilan ang tumawa.

Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon