Epilogue

61 2 0
                                    

Thank you for reading this story. This is the epilogue.

----

Paghanga. Hinahangaan ko siya. Hanggang sa tumagal-tagal, I admiring him from afar na pala.

Crush ko siya since grade 7. Sa sunod na taon crush ko uli siya. Hanggang sa maraming taon ang sumunod pa ay palagi kong sinasabi na crush ko pa rin siya.

Sa buong taon, akala ko wala lang talaga ito pero bakit hindi naman siya mawala sa isip ko.

Naalala ko, may mga araw pala na sinusugod ako sa hospital dahil umiba raw ang epekto ng gamot sa aking katawan kaya unti-unti ay kinakain ng gamot para makaapekto sa akin. Dahil pa sa pagsabay ng amnesia ko ay mas lalong naging kumplikado.

Ang ending, ang naalala ko lang ay ang mga previous na nangyari sa buhay ko kaya natanong ko ang aking sarili na paano ako magkakaroon ng amnesia kung mayroon akong naalala. Napagtagpi-tagpi ko ang mga alaalang nawala, tuluyan nang malilimutan, at ang alaalang naputol.

Ngayong bumalik na, wala akong maramdamang may kulang sa aking alaala.

Ninamnam ko ang malamyos na yakap ng hangin sa akin. Napapikit ako. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi. Kaharap ang dagat, ang pabalik-balik na alon at ang tunog nitong kay sarap sa tainga.

Dumilat ako. Bumungad sa akin ang dagat. Inisip na isa iyong mga taong naroon sa paligid. Mga taong akala mong wala nang madaanan at hanapin ang hinahanap ng mga mata mo.

Gano’n palagi, ganoon palagi ang aking ginagawa. Palaging mapaghanap ang aking mata na kahit magkumpulan pa ang mga tao ay mahahanap na mahahanap ko siya.

Totoo na ito, Heidi. Hindi mo na lang ‘to nakikita sa mga imagination mo. Malinaw na malinaw mo na siyang nakikita sa harapan mo.

Kung hinahanap ko siya sa napakaraming tao... paano kung hindi ko alam na matagal niya na rin akong tinitingnan habang hindi ko alam? Habang siya’y hinahanap ng mga mata ko ay nahanap niya na pala ang mata ko.

Parang... katulad ngayon. Sa kaniyang mga tingin na lumalalim. Nagkatitigan kami. Napakurap-kurap ako. Hindi kayang panindigan ang tingin na tingnan din siya.

“Sabi mo mayro’n kang sasabihin sa ‘kin?” paiwas kong tanong.

Sabihin niyong totoo ito! Mababaliw ako sa kabog ng puso ko. Nang tumingin uli ako sa kaniya ay mamumungay na ang kaniyang mga mata.

“Iisa lang pala kayo ng ikinuwe-kuwento sa akin ng Papa mo...”

“Ano?”

Nangunot ang aking noo. Hindi maintindihan ang kaniyang sinasabi. Lumapit pa lalo siya sa aking tabi at hinarap ang tingin sa dagat.

“May ikinu-kuwento siya sa akin noon. Hindi ko alam na siya pala ang Papa mo. Akala ko kasi isa ka sa anak ng mga nagiging hardinero.”

Nang tumingin uli siya sa akin ay napaiwas ang mata ko. Kinu-kuwento ako ng Papa ko sa kaniya?

“Bakit naman ako naikwento ni Papa sa ‘yo?”

“Naikwento niya lang naman, hanggang sa ikinu-kuwento ka na niya sa ‘kin. But I didn’t know na ikaw ‘yun...”

Napanguso ako. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi naman alam ni Papa na may crush ako kay Jahru noon kaya wala akong ipag-aalala.

“Ano ang iniisip mo?” malumanay ang kaniyang boses nang mas lalong humarap siya sa akin.

“Iniisip ko kung ano ako sa kwento ni Papa sa ‘yo...” papahina kong sabi at umiiwas ng tingin sa kaniya.

Ang kaniyang malawak na ngiti ang nagpakunot sa aking noo. Mukhang hindi maganda ang naikwe-kwento ni Papa sa kaniya tungkol sa akin.

Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon