"After nitong klase natin, isasauli mo 'yan at saka kailangan niya na 'yan ngayon."
Nakailang paalala sa akin ang kaibigan kong si Chynna. Na dapat kong isauli ngayon mismo itong napulot kong ID sa daan pagkapasok ko kanina malapit lang sa gate ng school.
Hindi ko siya pinansin. Kung ibang babae siguro ang nakapulot ng ID niya siguro hindi na magdadalawang-isip pang agad na ibigay sa may-ari.
Ngayon ibinaling niya ang kaniyang buong atensyon sa akin dahil kanina, habang nagdi-discuss ang Professor namin ay may sarili rin siyang discussion sa akin.
"Hoy! Nakikinig ka ba? Ang layo-layo ng iniisip mo riyan! Isasauli mo lang naman 'yan sa kaniya! Huwag mong sabihing..."
Isasauli lang naman? Lang? Napangiwi ako.
Binalingan ko siya at tiningnan nang masama. Nginisihan niya naman ako. May kung anong palagay na idudugtong.
Nang mag "class dismissal" ay mabilis na akong tumayo. Inayos ko ang aking mga gamit at inilagay sa loob ng bag at saka mabilisang lumabas ng room.
Panay ang tawag niya sa akin habang ako naman ay nakikipagsiksikan sa mga kaklaseng bumababa rin sa hagdan. Gustong kong takasan ang kung ano man ang gusto niyang ipagawa. Nararamdaman ko ang kaniyang presensyang naroon sa aking likod na mas lalo lamang nagpakaba sa akin.
Kinakabahan dahil mapapasubok ako. Nakapulot ako ng ID at pagmamay-ari ng crush ko.
Iniisip ko pa lang na kauusapin ko siya at isasauli ang kaniyang ID, pakiramdam ko hindi ako makapagsasalita sa kaniyang harapan.
Since I have a crush on him six years ago. Sa taon na iyon hindi ako sumubok na sabihin sa kaniya ang aking nararamdaman. Paano pa kayang ngayon ay pupuntahan ko siya kahit isasauli lang naman sa kaniya ang ID niya.
"Heidi! Sandali!" hinatak ni Chynna ang bag ko kaya naman nagpumiglas ako.
Kinaladkad niya ako sa mga naka-park na motor kaya hindi na ako makatakas sa hawak niya. Mahigpit din kasi ang pagkahahawak niya sa akin.
Hinarap niya ako at nagsalita na ikinalaglag talaga ng panga ko! Bakit pa ba ako magtataka na hindi niya 'yun kayang gawin!?
"Wala ka nang takas sa crush mo! Sinabi kong ikaw ang nakakuha ng kaniyang ID!"
"What the fuck?!" kaagad kong asik sa kaniya.
"The fuck yes! Halika na! Isasauli mo 'yan sa kaniya!"
"Chynna!" sunod-sunod akong huminga nang malalim bago dinagdagan ang sasabihin.
"Idaan na lang natin sa Office, para-"
"No! Isasauli mo 'yan sa kaniya ng personal. At saka, sinabi ko na naman kaya wala ka nang atras pa." makahulugan niyang sabi.
Napapikit ako nang mariin. Iritado ako dahil hindi sumasang-ayon sa kagagawan ng aking kaibigan.
"Ayoko! kung gusto mo i-ikaw na lang ang sumauli sa kaniya. Sabihin mo, ikaw ang nakapulot ng ID niya. Promise, sasamahan kita sa department building nila."
Hindi tumalab sa kaniya ang mga dahilan ko. Ano mang pang-aayaw ko ay hindi siya nagpapigil sa kagustuhan niyang dapat kong gawin. Hanggang sa narito na kami sa harap ng Engineering Building.
Syvien Jahru Montesorri is taking Civil Engineering.
When I was in grade 12, I wondered what course he would take in college.
Crush ko siya since grade 7 but when I was in grade 11, I stopped bothering to "stalk" about him, whether he had a girlfriend or whatever. Alam lahat ni Chynna ang mga nagiging crush ko every month and years.
Yes! Palipat-lipat ako ng crush noon. Funny right? Kapag naman nalalaman kong mayro'n na silang girlfriend next move to the list ako.
Pero kay Jahru talaga ako nag-stick to one.
Nagiging indenial ako sa nararamdaman ko 'pag tungkol na sa kaniya. Aware naman ako ro'n, hindi ko pa kasi noon maintindihan ang bata kong puso.
Kapag naman dumarating ang 'boring days' ko, ina-uncrush ko lahat ng crush ko pero except kay Jahru.
Well, masasabi ko talagang eye of the crowd siya. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa matalino at gwapo. Mabait din siya, base rin iyon kapag nakikita ko siyang nakangiti at kung paano siya makipag-usap sa mga tao.
Napatigil ang pagbabalik tanaw ko nang magsalita si Chynna sa aking tabi pagkatapos nang katawagan niya sa cellphone.
"Sabi ng isa sa dati kong classmate, second floor ang room niya ngayon.
"Nakuha ko rin ang schedule sa kaniyang mga subjects, sinend ko na sa 'yo. Look at your cellphone."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na tiningnan pa. Napapikit ako nang mariin at napatampal na lamang ako sa aking noo dahil pakiramdam ko sobrang laki ng problema ko.
What the heck talagang Chynna! Lahat yata ng bagay gamay niya. Maraming koneksyon...
Kinakabahan ako, gustong umatras sa gagawin ngunit hindi maitatanggi ang saya ng aking nararamdaman. Hindi ko maintindihan... parang ayoko na gusto ko.
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...