Umabot pa tayo ng Chapter 31! Thank you sa pagpapatuloy na pagbabasa, it means a lot :)) Sobrang niyayakap ang puso ko at malapit na rin ito matapos, kauting usad na lang na chapter. Lovelotssss!
------
Pagkababa ko ng taxi ay agad kong tinitigan ang paligid. Wala namang nagbago sa mansion. Maganda pa rin ito katulad ng dati, katulad nang dating natititigan ko pa si Jahru sa malayo.
Pero maraming nagbago sa paligid. Ang dating maaliwalas, mga kahoy na nagsasayawan kasabay ng hanging pinaparating ang kagandahang nararamdaman, na ngayon ay nagbibigay nang walang buhay habang ito’y pinagmamasdan...
Ano ang nangyari sa dalawang taon? Bakit... bakit maraming nagbago?
Ang nararamdaman ko ba sa kaniya ay nagbago? O... hindi? Katulad pa rin ba ng dating hahangaan ko pa rin siya sa malayo? Nang hindi niya alam? Habang ako’y nakatitig sa kaniya’t may magandang nararamdaman.Masasagot ko na ba, Alona? O... hanggang ngayon mali pa rin ako. Kung nandito ka ba... malalaman ko na ang sagot?
Ang malamig na simoy ng hangin at kulog sa malayo ang nagpabalik sa aking ulirat. Mukha yatang uulan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Pinuntahan ko na kaagad ang malaki nilang gate.
Sa labas nun ay naroon ang guard, nasa loob ng maliit niyang guard house. Kilala ko siya, minsan ko na siyang nakikita noon. Minsan kasi sa likod kami ni Papa dumadaan kapag sumasama ako sa kaniya.“Magandang umaga po. Nandiyan ba si... J-Jahru?” napapalunok kong tanong.
Kinakabahan dahil siya pa talaga ang ginawa kong dahilan.
Pero siya naman talaga ang kailangan ko. Nangunot pa muna ang noo niya bago nagsalita. Hindi niya na ba ako nakikilala? Sabagay, bibihira ko lang siyang nakikita kapag duty niya.
“Ano ang kailangan mo kay Sir Jahru? Kaano-ano ka ba niya?”Personal interview ba ito? Natawa ako sa isip ko at bigla kong pinisil ang aking kamay.
Kabaliwan ko! Sa kasagsagan pa ng kalungkutan ko’y natutuhan ko pang magbiro.
Tiningnan ko naman si Manong guard na naghihintay sa sagot ko. Kalmahan mo lang, Heidi. Makapapasok ka. Huminga pa muna ako nang malalim.
“K-Kasi, kailangan ko siyang makausap. May importante lang akong itatanong. Nandiyan po ba siya?”
Umiling naman ito na ikinalaki ng mata ko.“Wala rito si Sir. Maagang umalis,” aniya.
May napala ka ba, Heidi? Huwag kang umiyak. Sana pala, dineretso niya na lang iyong tanong ko kung nariyan ba si Jahru o wala.Pinanghihinaan na naman ako ng loob.
Tatalikuran ko na sana si Manong guard nang maalala ko si Papa. Si Papa! Tama!
Makapapasok ako at mahihintay ko si Jahru sa loob! Hindi pwedeng hindi ko siya makausap. Hindi pwedeng sumuko agad ako kay Alona.
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...