“Alona, sa corridor na kita hintayin.”
Para akong nakikipagpaligsahan sa oras habang inaayos ang aking mga gamit at inilagay sa bag.
“Huh? Hindi mo ba ako tutulungan maglinis?”
Napalinga-linga ako sa loob ng classroom. Nang tingnan ko siya ay malungkot ang kaniyang mukha nang tanungin ako. Mayro’n nang nagsisimula sa paglilinis ng room namin, pagflo-floorwax sa may corridor at pagbuhos ng tubig sa mga halaman.
Hindi kami magkagrupo ni Alona sa cleaners kaya minsan tinutulungan ko siya sa paglinis kapag may absent sa kagrupo niya at tinutulungan niya rin naman ako kapag may absent din sa kagrupo ko.
Napakamot ako sa aking ulo sabay napanguso. Hindi rin kayang tanggihan siya pero... hindi ko na kasi nakikita o nata-timing-an si Jahru sa room nila minsan kaya ayokong palipasin ang araw na ito.
“E... wala namang absent sa cleaners niyo. Tingnan mo matatapos na nga,”
Itinuro ko iyong mga kasamahan niya sa paglinis at nang bumaling siya ay mabilisan kong isinukbit ang bag sa aking balikat. Handa na sa pag-alis...
“Ba’t ba kasi nagmamadali ka? Iiwanan mo lang naman siguro ako,”
Hindi ko alam kung paano siya kukumbinsihin na hindi ko siya iiwan sa pag-uwi.
Kunot na kunot ang kaniyang noo nang tingnan ako. Hindi na ako mapalagay at tingin nang tingin sa labas at nang marinig ang ingay ng mga studyanteng nagsisilabasan sa kanya-kanya nilang room.
Naisip na baka lumabas na rin si Jahru at pinagkakaguluhan na rin ng mga babae sa labas.
Nasulyapan kong bumuka ang maliit na bibig ni Alona at may sasabihin sana ngunit patakbo na akong umalis sa harap niya at lumabas ng classroom.
“Oy! Heidi! Ang daya mo! Huwag mo akong iiwan diyan!”
Ang maliit niyang boses ang nakapagpatawa sa akin. Dahil nasa pangalawang palapag pa ang room namin ay muntikan pa akong madulas sa hagdan. May mga narinig din akong tawanan sa aking likuran pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Nang makababa na sa unang palapag ng classroom kung nasaan din ang room ni Jahru ay napatingin ako sa Pavillion kung saan maiingay ang mga studyante at may pinagkakaguluhan. Hindi na ako nagdalawang-isip pang pumunta rin doon.
Nakikipagsiksikan din sa mga studyanteng sabik na makita ang kung anong nasa gitna.
Nang maisiksik ko ang aking sarili ay natulala ako at namamangha sa nakikita. Nakaupo si Jahru sa kaliwang upuan at sa kabila naman ay isang lalaking hindi ko kilala. Sa gitnang lamesa ay naroon ang nilalaro nilang Chess.Marami na akong bagay na nagugustuhan sa kaniya pero ang makitang may bago siyang pinagkaabalahan at gamay niya ang isang bagay ay sobra naman talagang nakakapanghulog.
Napatili ang lahat at kasama na ako nang makain ang isang pieces ng kalaro at makalusot si Jahru nang siya na ang tumira. Pareho silang natawa.
“He’s so good at chess!” komento ng isang babae malapit lamang sa aking likuran.
“Exactly! What else could he possibly master as well? I can't wait to see the rest!” sagot din ng isa ngunit napatagal ang tingin ko sa kaniya.
Then, I remembered something...
“What if... siya na lang kaya ang maglaro ng chess sa darating nating intramurals? Paniguradong panalo na tayo!”
Lahat nagsang-ayunan ang mga katabi ko at natutuwang sabihin na mas lalo lamang silang nahuhulog kay Jahru.
Tahimik akong napangiti nang marinig na siya ang nanalo. Nagpalakpakan silang lahat habang ako ay nakangiti at tahimik lamang siyang pinagmamasdan.
Mabilis na nagsi-atrasan ang nasa unahan kaya napaatras din ako. Nagsisi-ingayan na rin sila at kin-congratulate si Jahru sa pagka-panalo niya. Mabilis akong napaatras at muntikan pang matumba nang magsi-atrasan pa sila. Sa liit din kasi ng Pavilion kaya nagsisiksikan.
May paatras at may papuntang unahan kaya parang nagkakagulo. Sa pangalawang atras ay mabilis na ang tulakan at sa hindi inaasahan... nawala ako sa balanse at pakiramdam ko ay parang nagslow motion ang pagtumba ko nang maapakan at makababa sa dalawang hagdan ng Pavilion.
Nang matumba ako ay naramdaman ko ang sakit sa aking puwetan nang initukod ang dalawang kamay at kasabay rin nun ang biglaang pagbuhos ng ulan. Narinig ko ang tawanan nilang lahat.
Sa sobrang kahihiyan ay kaagad na hindi ako nakagalaw. Damang-dama ang malakas na buhos ng ulan at kahihiyan.
“Heidi!” sigaw na tawag ni Alona.
Malapit ang aming room sa Pavilion, sa ikalawang palapag.
Nabalik lamang ako sa wisyo dahil sa malakas na tinig ni Alona. Malakas ang paghinga ko dahil sa malakas din na buhos ng ulan. Nanginginig din ang aking katawan sa lamig.
Nanlaki ang mga mata ko nang isang bulto ng tao ang mabilis na lumapit sa akin. Nawala ang buhos ng ulan nang lumapit siya at isinilong ako sa kaniyang payong. Pinantayan ako mula sa pagkakaupo. Natigil din sa tawanan at ingayan ang mga studyanteng nakatingin sa amin.
Ang kaninang nagtatawanan ngayon ay iritado na ang mga tingin.
“J-Jahru... basa ka na,” sabi ko nang makitang unti-unting nababasa ang kanyang likod sa ulan.
“Kaya mo bang tumayo?” tanong siya sa malambot na boses.
Ang kaniyang payong ay biglang natabunan dahil may marahas na payong ang mas sumilong pa mula sa kinauupuan ko.
“Heidi! Tumayo ka!”
Tinulungan akong makatayo ni Alona, mabilisan niya rin akong inalis sa harapan ni Jahru at ng mga studyanteng masama ang tingin sa akin. Nanlalabo ang mga mata kong tinapunan siya nang tingin sa malayo habang siya’y nakatingin sa aming papalayo.
“Wala kang dalang payong?”
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...