Chapter 20

48 11 0
                                    

Buong maghapon akong nagmukmok sa loob ng aking kwarto. Sa sobrang bilis ng pangyayari ngayong araw ay parang kaysakit namang makalimutan.


Una ang mga sinabi nila Winea at Wilma sa akin. Totoo bang nawalan ako ng alaala pero ako naman ang may kasalanan? Pangalawa si Tita. Ang mga sulat na para sa akin na akala ko masaya kong natatanggap dahil may natatanggap naman ako ngayon pero sa likod pala nun, hindi lang pala sa mga sulat na iyon ang mayroong problema.


Ayokong mangialam kung ano man ang naging problema nila Mama at Tita noon. Sa kanila nagmula pero ako ang magiging dahilan... napayakap ako sa aking tuhod. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking mga mata.


Pangatlo si Jahru. Pero kilala ng puso ko si Jahru. Kilala ng puso ko na matagal ko na siyang gustong-gusto. Kahit mawalan ako ng alaala, makikilala’t makikilala siya ng puso ko dahil sa nararamdaman ko sa kaniya.


Napangiti ako. Parang niyayakap ang puso ko masambit ko pa lang ang pangalan niya.


Ngunit biglang napawi ang masaya kong nararamdaman nang maalala ang mga sinabi na Wilma sa akin.


“Ha! Ang kapal mo rin ano? Ang kapal kapal mo! Malandi ka! Inagaw mo si Jahru sa akin!”


“Dahil sa kalandian mo! Hindi natuloy ‘yung pinagpaplanuhan naming k-kasal!–”

Agad akong napahawak sa may bandang puso ko. Parang tinutusok ito ng malalaking karayom. Sobrang sakit. Pinigilan ko ang aking paghinga dahil kapag hihinga ako mas lalo lamang akong nakararamdam ng sakit. Pumikit ako dahil sa pagpipigil sa paghinga.


Mga ilang minuto pa bago nawala ang sakit at malalalim na hininga ang pinakawalan ko. Bakit parang sa paghinga ko ang resulta ay ang pananakit pa lalo sa may bundong puso ko? Bakit ko ito nararamdaman?


Kung nawalan ako ng alaala bakit wala akong maalala? Bakit hindi sumasakit ang ulo ko?


Ang dami kong tanong pero wala namang makasasagot. Ang dami kong tanong, sino ba ang makasasagot?


Si Tita? May alam kaya siya? Ang tanong na ‘yun sa isip ko ang nagpailing sa akin. Hindi puwede. Ayokong dagdagan ang mga sakit na dinaanan niya. Nagawa niya man iyon sa akin kahit ang naging dahilan niya ay ako ay ayoko nang dagdagan pa ang iisipin niya.


Sa sobrang dami ng iniisip ko ngayon, hindi man lang ako nakaramdam ng pananakit sa ulo ko. Paano kung hindi naman talaga ako nawalan ng alaala. Paano kung gawa-gawa ni Wilma ‘yun? Pero bakit din pakiramdam ko ay totoo ‘yun. Ayoko man paniwalaan may part pa rin sa akin na nagsasabi sila ng totoo.


Napalingon-lingon ako sa kwarto ko. Wala man lang akong makitang kakaiba na malapit sa tanong ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Si Mama... si Mama lamang ang makasasagot sa lahat ng katanungan ko. Kung ano ang nangyari six years ago, ibig sabihin ay wala na sa ibang bansa si Mama sa mga panahong ‘yun.


Kung nawalan man ako ng alaala, dapat ngayon pa lang ay mayroon na akong naaalala.


Makalipas pa ang ilang minuto’t nakikita ko na sa labas ng aking bintana ang pagdidilim ng paligid. Maggagabi na’y laman pa rin ng isip ko ang lahat ng nangyari. Naabutan ako ni Chynna na ganoon ang sitwasyon. Hindi na siya kumatok pa. Ang mga sulat na nakakalat kanina ay minabuti kong inalis sa mga sahig.

Madami akong dapat gawin ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi ko masulosyunan.


Dahang-dahan na umupo si Chynna sa aking tabi. Hinawakan niya ang kamay ko’t pinisil iyon. Ang luhang kaninang hindi makaagos ay nagbabadya na.


“Kinamusta ka sa ‘kin ni Jahru kanina. Hindi ka raw kasi sumasagot sa mga text niya, inakala niyang baka nakatext kita,” malumanay niyang sabi kaya napakurap-kurap naman ako. Parang sa sinabi ni Chynna ay roon pa lang ako natauhan.


“Sumakit daw kasi ‘yung ulo mo. Uminom ka na ba ng gamot?”


Napailing-iling ako sa tanong niya dahil hindi naman talaga masakit ang aking ulo. Nakita kong nangunot ang kaniyang noo at nag-alala. Hinawakan niya ang noo ko.


“Bakit hindi ka uminom? Teka, kukuhanan kita–” akma siyang tatayo nang pinigilan ko.


“Chynna, h-hindi...” umiling ulit ako.


Bumalik uli siya sa pag-upo. Sa ngayon, siya lang ang makakaintindi sa akin ngayon. Sinimulan kong sabihin ang lahat ng sinabi sa akin nila Winea at Wilma. Sa una ay mukhang gusto niya silang sugurin, ngayon ko pa lang siya nakitaan na magalit. Nang pigilan ko ay huminahon siya. Awa at lungkot ang nakita ko sa mukha niya lalo na nang kinuwento ko na iyong tungkol sa mga sulat ni Mama at kay Tita.


Sa pagkakataon na iyon, doon pa lang bumuhos nang tuluyan ang mga luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan dahil sa nararamdamang awa sa sarili.


Ang yakap ni Chynna ang nagpahina sa akin at hinayaan niya lamang ako roon.



Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon