Makalipas ang mga ilang araw ay nagtuloy-tuloy ang interaction namin ni Jahru ngunit patago lamang namin iyong ginagawa.
Friends na rin kami sa facebook na noon ay hindi iyon nangyari. Patago rin ang pag-uusap namin sa personal at social media. Iyon ang kagustuhan kong mangyari na ilihim muna itong nararamdaman namin sa isa’t isat at sinang-ayunan niya iyon.Ang sabi pa niya, kung ano raw ang magiging desisyon ko ay rerespituhin niya iyon.
Kahit nasa stage kami ng “getting to know each other”, pero pakiramdam ko ay kilalang-kilala ko na siya. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.
Nakasunod lang siya sa aking likuran. Pareho ang schedule namin sa oras ngayon. Hinahatid niya ako papuntang terminal. Ang gusto niya nga ay magtricycle na lang ako kaysa lakarin ko pa ito pero ayoko ng gano’n...Hindi naman sa inaayawan ko siya. Alam ko namang mayaman siya pero ayokong siya ang nagbabayad sa ‘kin ng pamasahe pauwi at babalik siya sa kanilang maglalakad dahil inaantay niya munang makaalis ang jeep na sinasakyan ko.
Nagui-guilty ako kapag ginagawa niya iyon. Iniisip ko pa nga lang iyon tapos naglalakad siya nang mahigit 15 to 20 minutes ay nakokonsensya na ako.Marami kasing mga mata na mapanghusga. Lalo na at eye of the crowd siya, gusto ko munang secret itong pag-uusap namin at kung ano man ang aming ugnayan.
Nang makarinig ng mga nagtatawanan at malalakas ang boses ay bigla akong kinabahan. Nang lumingon ako sa likuran ay tingin agad ni Jahru ang dumapo sa akin. In-expect niya nang titingin ako sa likod kaya siguro pinantayan niya sa likuran ang lakad ko para walang makakita.
Nang malampasan ang pedestrian lane at gas station ay biglang pumatak ng kaunti ang ulan kasabay nun ang payong sa aking ulo, at presensyang nagpapakaba sa akin nang husto.
Tatawagin ko na sana siya nang takpan niya ang aking bibig gamit ang kaniyang hintuturo.
“Shh...”
Lumapit din siya sa akin para payungan ako. May kinuha siya sa bag niya saka mabilisang sinuot ang kaniyang itim na cap na ikinagulat ko. Pero ang mas huli niyang kinuha ang ikinatigil ko sa paglalakad.Gamit ang kaliwa niyang kamay, mabilis niyang sinuot ang itim na face mask sa kaniyang mukha. Tumigil din siya sa paglalakad at tumingin sa mga mata ko.
Napalunok ako. Namumungay ang mga mata ko nang tingnan ko na siya.
“Jahru...”
“Feel better? Hmm?”
Umiwas ako. Hindi na makatingin sa kaniya nang maayos. Lumalakas ang ulan at ihip ng hangin pero nakatayo pa rin kami sa gilid ng kalsada.
“T-Teka... kasi, ano’ng ginagawa mo? Ayos lang naman sa ‘kin...”
Kahit ang sasabihin kong salita ay hindi ko matapos-tapos. Nauutal pa. Gusto ko siyang yakapin... sa ginagawa niya pa lang ay may humahaplos na sa aking puso at gusto kong ipakita sa kaniyang pinapahalagahan ko iyon.Hindi ko hiniling sa kaniya o ipakitang ganito ang gawin niya kasi kahit ganito ang desisyon ko ay hindi ko naman itatanggi na gustong-gusto ko siya.
Nang tumuloy na kami sa paglalakad ay nagkakalapit kami at tumatama ang likod ng kaniyang kamay sa likod ng ulo ko. Pinipigilan kong ngumiti nang malawak. Sa sobrang lakas nang kabog ng puso ko ay parang wala na akong nararamdamang mga tao sa aming paligid. Tanging kaming dalawa lamang.Nang humupa na ang aking pakiramdam ay saka ako nagsalita.
“Bukas pala... magtri-tricyle na muna ako. May kailangan lang akong asikasuhin...”Sasabihin ko naman itong trabaho ko sa kaniya kapag nasa tamang araw na. Sa ngayon... ayoko na munang binibigla siya ngayon kahit nasa talking stage pa lang kami.
“Ihahatid na kita papuntang terminal,”
Kaagad ko siyang pinigilan kasi alam kong ‘yun ang kaniyang gagawin.
“Hindi na... ayos lang naman at saka mauuna sa oras ang last period ko kaysa sa ‘yo may isa pang oras,”
Nanliit ang kaniyang mga mata. Tiningnan niya ako nang mabuti at saka lang pumasok sa aking utak kung ano ang sinabi ko. Napakagat na ako ng labi... ‘yung mga units niya pa lang nakuha ko dahil kay Chynna. Ang bruha talaga.
“Alright, then.”
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...