Lubos ang pag-aalala ni Ressiel nang malaman niyang dinala ang kaniyang anak na si Heidi sa hospital dahil naaksidente. May malaking pagmamay-ari na hospital ang pamilya ng Papa ni Heidi ngunit hindi siya idinala roon.
Bagkus humingi ng tulong si Rafael sa kapatid nitong si Clara. Isang doctor at may napatayong maliit na hospital kaya ro’n niya idinala si Heidi.
“Ano’ng nangyari!? Bakit siya naaksidente?” may takot sa boses na tanong ni Ressiel kay Rafael.
Hindi makasagot si Rafael. May gustong lumabas na salita sa kaniyang bibig ngunit binabara siya nito. Napailing siya at sinisisi ang sarili sa nangyari kay Heidi. Napaupo siya waiting area harap lamang ng room ni Heidi. Hawak-hawak niya ang kaniyang ulo pagkaupo.
Habang si Ressiel nagagalit ang tingin sa kaniyang asawa, sobrang nag-aalala sa sinapit ng kanilang anak. Pabalik-balik siya ng lakad.
“Pumunta siya sa ‘yo? Pinuntahan ka niya!? Ang sabi ni Jahru, hinahabol niyo siya! Bakit!? Bakit hindi mo masabi!”
Napatayo si Rafael at hinawakan ang mga siko ni Ressiel para pakalmahin ngunit itinataboy siya nito’t gustong malaman ang nangyari sa kanilang anak.
“K-Kagabi hinahanap ka niya. Tapos ganito ang ibubungad mo sa kaniya!”
“Ressiel, pakinggan mo muna ako...”
“O, sige nga! Sabihin mo na! Ano ang simula’t dulo nito bakit nangyari ito sa kaniya!?”
Imbis na kumalma siya’y hindi niya makontrol ang sarili niyang sigawan ang kaniyang asawa sa nasapit ng kanilang anak. Napaiwas ng tingin si Rafael.
“Ako ba ang mali? Pero mali ang iniisip ng anak ko sa mga oras na iyon. Iniisip ko ang kapakanan niya,” ani sa isip ni Rafael.
Hindi alam ni Rafael kung paano iyon ipapaliwanag sa asawa niya ang laman ng buong pangyayari. Kinakain siya ng takot at kaba na baka hindi siya nito paniwalaan.
Naging alerto sila nang lumabas ang Doctor, kapatid ni Rafael na si Clara kaya naman agad silang naalerto at itinanong kung kumusta na ang lagay ng kanilang anak.
Bumuntong hininga muna si Clara at malungkot na tiningnan ang dalawa.
“Posibleng panandaliang mawawala ang kaniyang alaala. May naapektuhan sa utak niya sanhi para hindi niya maalala ang nangyari at makalimutan ang mga taong malapit sa kaniya lalo na kayo.”
Paliwanag nito. Nanlumo si Ressiel sa narinig. Inagapan naman siya ni Rafael para haplusin ang likod niya. Makalipas ang ilang oras ay inilipat sa private room si Heidi.
Sinubukan din na kausapin ni Rafael si Ressiel pero galit ang ipinapakita nito’t ayaw siyang tingnan. Nag-aalala sa sinapit ng anak.
Naging mabilis ang pangyayari. Nakatanggap sila ng masamang balita kay Clara. May nakita siyang hindi nanainisin ng mag-asawa.
“Hindi ko alam kung sino ang gumawa. Mayro’ng nag-send sa akin at kalat na kalat sa social media.”
Napatayo sa gulat at galit si Rafael. Ang mukha ni Ressiel ay lubusan ang pag-aalala sa anak.
“Sino naman ang gagawa nito!?” nagpupuyos sa galit si Rafael.
“Kuya, naging issue na ito noon pa man. May kinukuha silang mukha upang mabiktima ang makasasalamuha nila at... si Heidi ang kanilang napili.”
“Kasalanan mo ito, Rafael! Kung hindi ka sana pinuntahan ni Heidi hindi ito mangyayari sa kaniya!”
Napaiyak si Ressiel dahil nag-aalala sa anak.
“Hindi sa gano’n, Ressiel,”
“Huwag mo akong hawakan! Kaya ba hindi ka makauwi ng probinsya dahil pinaplano niyong dalawa ni Doreen na ipakasal ang anak ko sa kaniyang anak! Para makabalik sa dati mong buhay!” sigaw ni Ressiel.
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...