Naglalakad ako papunta sa compound namin ay laman ng isip ko ang mga nangyari ngayong araw.
Ang mga tanong sa aking isip na wala namang kasagutan. Hindi ko alam kung nagsasabi ba sila ng totoo pero pakiramdam ko, oo.
Habang naglalakad ako, mabilis na tumatakbo ang isa sa mga pinsan ni Mama nang makita ako. Tinawag niya ako.
"Heidi! Heidi! Halika! Bilisan mo!" maririing niyang sigaw. Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Bakit po?" tanong ko nang hinihingal itong nakalapit sa akin at hinawakan ang palapulsuhan ko.
"Ang Tita Milda mo!"
Kaba kaagad ang naramdaman ko. Nag-aalala.
"B-Bakit po? May nangyari kay Tita?" nag-aalala kong tanong pero umiling lamang ito at malungkot akong tiningnan.
"Hija, ikaw na ang bahala," naging mahinanon ang kaniyang boses.
Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa bahay. Ang mga kamag-anak ng Mama ko ay nasa labas. Nang makita ako ay malungkot nila akong tiningnan at tinawag ang pangalan ko. Hinayaan akong mag-isang pumunta sa bahay habang nakatingin sila sa akin.
Kaba ang lumukob sa akin nang nasa harapan na ako ng pintuan namin. Nasa school pa ngayon si Chynna.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ang mumunting hikbi ng Tita ko at mga salita na lumalabas sa kaniyang bibig.
"Bakit? Kasalanan ko ba?! Oo, kasalanan ko na! No'ng ikaw lang ang kinakapitan ko, nasaan ka? 'Di ba iniwan mo akong mag-isa para sa asawa't magiging anak mo! Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko! Napakasama mong kapatid! Napaka-unfair mo sa 'kin!"
Ano ang sinasabi niya?
"Tapos no'ng bumalik ka akala mo wala lang sa akin ang pag-iwan mo! 'Yung p-promise nating walang iwanan!" gumaralgal ang boses niya at nanghihina. Nang walang nasundang mga salita, pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ko binuksan ang pinto.
Ang unang bumungad sa akin ang mga nakakalat na papel. Nagtaka ako. Sobrang dami nito. Hindi man lang siya tumingin sa akin nang maabutan na lumalagok ulit siya ng redhorse at nakaupo sa sahig. Magulo ang kaniyang buhok. Maga ang mata sa kaiiyak.
Nang tumingin siya sa akin ay padabog niyang ibinababa ang bote.
"Masaya ka na? Hayan! 'Ayan na ang mga sulat ng Nanay mo simula mangibang-bansa siya at iniwan ka niya sa 'kin! Basahin mo! Hindi ba iyan ang gusto mo!"
Gulat ako sa sinabi niya. Bumilis kaagad ang paghinga ko at isa-isang tiningnan ang mga nakakalat na papel sa sahig. Sobrang dami! Madaming ipinadalang sulat sa akin si Mama?
"Oo! Sobrang dami 'di ba?!"
Nanginginig ang aking kamay nang namulot ako ng isa malapit sa may paanan ko. Pagkakuha ko sa papel ay mabilis ko itong binuksan para basahin. Nakita ko ang taon kung kailan ito sinulat.
2011. Ibig sabihin ay na sa elementarya pa lamang ako nito. Malinaw at nababasa pa ang mga letra ngunit ang papel na ginamit ay nanibago at luma na.
Mama:
Kumusta ka na riyan anak ko? Miss na miss na kita. Huwag kang mag-alala, malapit na kaming magkita ng Papa mo. Malapit na tayong magkakasamang tatlo. Kaunting tiis na lang anak. Alam kong hindi mo pa ito maiintindihan, pero ang Tita Milda mo na ang bahala sa 'yo magsabi at magkuwento para kahit papaano ay may maiintindihan ka. Basta, ipangako mong hihintayin mo kami ng Papa mo, Anak. Malapit ko na siyang makita, malapit na malapit na.
Kinagat ko ang aking labi sa pinipigilang hikbi. Nang hindi ko mapigilan ay agad ko nang tinakpan ng isang kamay ang aking bibig. Hindi ko tinapos ang binabasa at pumulot ulit ako ng isa. Kinakapos ako nang hininga dahil sa pinipigilang hikbi. Naninikip ng sobra ang aking dibdib.
2002. Ibig sabihin ay wala pa ako sa mundo at hindi para sa akin ang sulat. Galing pa rin kay Mama ngunit para naman kay Tita Milda ang kaniyang sulat. Dahan-dahan kong tinitingnan si Tita. Tulala siya sa kawalan at sunod-sunod ang tulo ng kaniyang luha. Hindi ko narinig ang iyak niya o hikbi niya nang makapasok ako kanina.
Sinimulan kong basahin ang sulat na para kay Tita. Ipinararating sa sulat na uuwi raw si Mama sa kaarawan ni Tita. Masayang-masaya raw siya na magkikita at magkakasama na sila. Bibilhin niya raw ang regalong gusto ni Tita Milda.
Mapait akong napangiti. Naghanap ulit ako ng sulat at naagaw ng aking atensyon ang papel na kulay maroon. May kasama pa itong isa kaya pinulot ko rin. Una kong binasa ang una kong napulot. Para naman kay Mama ang sulat at galing kay Tita Milda.
Nang mabasa ito ay hindi ko mapigilang tingnan si Tita. Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit hindi niya pinabasa sa akin ang mga pinadalang sulat noon ni mama hanggang sa lumaki na ako.
Naiintindihan ko kahit masakit sa part ko 'yun. Hindi ko man alam ang sarili nilang dahilan ay naiintindihan ko na. Hindi ko man alam kung bakit ganoon ang ginawa ni Tita, sa puso ko, naiintindihan ko siya gaano man ito kasakit.
Sabi sa sulat...
Nangako kang uuwi sa kaarawan ko. Hinintay kita magdamag hanggang sa maghating-gabi at kinaumagahan ngunit ni anino mo walang dumating. Akala ko nasiraan ang sinasakyan mo ngunit sa sumunod na araw hanggang sa makalipas na ang isang linggo ay wala na akong natanggap na sulat galing sa 'yo.
Walang nakalagay kung kanino galing at para kanino ang sulat pero alam ko na kung sino ang tinutukoy sa sulat na 'yon. Tiningnan ko ulit si Tita, naawa. Tulog na ito. Pansin ang tuyong luha sa mga mata niya. Nakasandig na ang ulo niya sa may upuan. Napansin ko naman ang hawak niyang sulat sa kamay niya.
Hindi ito natanggap ni Mama... Ibig sabihin ay hindi niya iyon ipinadala kay Mama? Tiningnan ko ulit 'yung isa ko pang hawak, pareho lang din sa naunang sulat at ito na rin 'yung mahabang sulat. Nabasa ko rin na, na sa sulat na ito ay ito na ang panghuli at hindi na masusundan pa ang ipapadala niyang sulat at nag-iba ang itsura ng papel... ang itsura ng papel ay may mga patak ng luha.
Napatingin ulit ako kay Tita. Awa ang nararamdaman ko kahit nagawa niya pa ito sa akin. Naitago ang mga sulat na para din sa akin... pero hinding-hindi ko magagawa na magkaroon ng sama ng loob sa kaniya sa ginawa niya. Hinding-hindi.
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...