Chapter 32

31 3 0
                                    

Third Person’s Pov



Sa pagliko ni Heidi, nang malampasan niya ang bulaklak na pinuri sa ganda nang pag-aalaga ng kung sino mang hardinero, do’n niya napagtanto na ang Papa niya pala ang umaalaga nun.


Kasabay nun ang pagbuhos ng luha niya. Nanlalabong mga mata at sa bilis nang kaniyang pagtakbo. Sa hindi inaasahan, hindi niya namalayan at napansin na kararating lang ni Jahru, na siya’y hinahanap din. Sabik din na makita.


Nang makita ni Jahru si Heidi na tumatakbo ay napatigil siya sa paglalakad. Napakagat siya ng labi, inakala niyang masaya ito at sa kaniya ang punta. Parang biglang nag-slow motion sa kaniya ang lahat, ngayon niya na lang nakita ang dalaga.


Naalala niya ang huling pag-uusap nila. Noong nalaman niyang may gusto sa kaniya si Heidi.
Bigla siyang naguluhan at kunot na kunot ang noo niya sa pagtataka dahil mukhang mas bumibilis sa takbo si Heidi at hindi siya nito nakita. Napansin niya rin ang lungkot at ang pag-iyak nito. Nang malapit na ito sa kaniya ay agad niyang hinarangan kaya napatigil si Heidi at gulat na napatingin kay Jahru.


Sa isip ni Heidi ay gusto niyang yakapin ito. Marami siyang tanong. Marami siyang gustong aminin. Sa unang araw ng kanilang pagkikita muli, ganoon ang ibibigay ng sitwasyon.


Pinagmamasdan nila ang isa’t isa. Parehong hindi maikakaila ang saya na makita.


“Uh... why are you crying?” marahan na tanong ni Jahru.


Tiningnan lang siya nang matagal ni Heidi. Bigla niyang iniwas ang kaniyang tingin kay Jahru, ang sakit sa nararamdaman nang maalala ang narinig sa nag-uusap.


“Ganoon ko lang pala siya madaling makuha?” tanong ni Heidi sa kaniyang isip.


Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya, malungkot, pagkabigo at higit sa lahat... pagpapalaya sa kagustuhan na makamit siya. Ngunit, kung iyon ang pipiliin niya ay magiging masaya ba siya habang kinikilala niya si Jahru? Habang ang pinakamamahal niyang Mama, magdurusa?


Umiling siya. Paghanga lang ito. A warm admiration for someone... Nilagpasan niya si Jahru. Ang kulog sa malayo at ang pagdilim ng kalangitan ay nalalapit na. Ngunit sa paglagpas niya’y naramdaman ang paghawak sa kaniyang palapulsuhan. Napatigil siya’t narinig itong nagsalita.


“Hinahanap mo raw ako sabi ni Manong...”


Bakit? Bakit ganito siya umasta? Sa pagkagat niya ng labi ay ang pagpipigil ng kaniyang hikbi. Inalis niya ang pagkakahawak ni Jahru sa papulsuhan niya. Nagtaka naman ito. Akmang lalagpasan niya ulit ay hinawakan ulit siya nito.


“Ano’ng nangyari? Bakit umiiyak ka?” nagtatakang tanong ni Jahru sa kaniya.


Huminga si Heidi nang malalim at pagkaharap niya ay tiningnan niya ito nang masama. Napawi iyon nang mamumungay ang tingin sa kaniya ni Jahru. Nang bigla niyang napansin ang Papa niya sa malayo na parang may hinahanap.


Napaatras siya. Binawi at kinalas na niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Jahru pero hindi iyon nangyari dahil nagtataka si Jahru sa kinikilos niya. May gustong ikumpirma si Jahru. Kung si Heidi at ang ikinu-kuwento ng Papa ni Heidi ay iisa...


“A-Anak...” tawag ni Rafael kaya napapaatras na si Heidi.


Napabaling ang tingin doon ni Jahru kaya nabitiwan niya ang pagkakahawak niya kay Heidi.


“T-Teka! Heidi!” sigaw niyang tawag.

Nang makitang mabilis ang takbo nito ay sinundan niya ito kasabay nang pagtawag ni Rafael sa malayo. Sinundan din ang anak sa pagtakbo.


“Heidi! Saan ka pupunta!?” tanong ni Jahru.


Malapit na ang distansya niya sa likod ni Heidi.



“Pabayaan mo ako! Huwag mo akong susundan!” sigaw rin sa kaniya ni Heidi.


Dahil nagtataka si Jahru sa pangyayari ay hindi siya nakinig sa sinabi ni Heidi. Bagkus ay sinundan niya ang pagtakbo nito. Nang malapit na sa gate ay agad na napatayo ang guard dahil sa nakitang takbuhan.


“Oy, Ineng! Nandiyan na si Sir. Sir? Si Sir din tumatakbo?”


Pumaliko si Heidi sa daan na kanan na ikinatakot bigla ni Jahru. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong takot. Kasabay sa pagtawag niya kay Heidi ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang ulan na kanina pa nagpapahiwatig sa pagbabadya.

“Heidi! Tumigil ka! Delikado ang daan diyan!” nag-aalalang sigaw ni Jahru.


Patuloy sila sa takbuhan at patuloy rin sa lakas ang buhos ng ulan. Sa nagdaang mga taon, nagtataka siya kung bakit hindi mawala sa isip niya si Heidi. Lalo na noong simula itong umalis at kinaumagahan na hinanap niya ulit kay Alona.


May isang gabing at pagkagising sa umaga ay napanaginipan niya ito. Para bang inuusig siya sa hindi malaman na paraan kung bakit niya iyon nararamdaman at nangyayari sa kaniya. Hanggang sa hinahanap-hanap na niya si Heidi. Mula sa pagtitig nito sa kaniya sa malayo, ang pagnanakaw nito ng tingin at inisip na gusto siya nito.


Simula noon, nababaliw na siya sa presensya ni Heidi.


Sa daang madulas, sa malakas na buhos ng ulan, at sa pagtakbo’t paghabol ay hindi inaasahang sa kaliwang daan na tinatakbuhan niya ay biglang may bumusena’t saktong pagtigil ni Heidi ay nabunggo siya ng kotse.


Kitang-kita ni Jahru kung paano iyon nangyari at lalo na kung paano tumilapon si Heidi sa malayo. Hindi siya nakagalaw. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi niya maibigkas ang pangalang kaniyang tinatawag sa malayo.


Gusto niyang lumakad, pinipilit niyang lumakad. Nakarinig siya ng sigaw, pagpapatigil sa kotseng mabilis na umalis at tinakasan ang nabunggo niya.


“Anak!” sigaw ng Papa ni Heidi. Patakbo itong lumapit kay Heidi na walang malay at sa ulan na may dugo niya.


Sa pagkakataon na iyon, natauhan siya dahil na rin sa panginginig at pagkabigla sa pangyayari. Nang tumingin sa kaniya ang Papa ni Heidi ay agad siyang tumango, naintindihan ang sinasabi sa mga mata nito kaya mabilis siyang tumalikod at tumakbo para kunin ang kaniyang kotse.


Hindi niya alam kung dapat bang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya napigilan si Heidi kahit alam niyang delikado ang daan. Iyon ang naisip at naramdaman niya sa araw na iyon.


Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon