Dalawang magkabilaang fountain ang dinaanan namin. Sa mga gilid ay ang magagandandang bulaklak ng Gumamela. Pagkaliko namin ay patungong harap na ng pinto.
Umapaw kaagad ang kaba sa akin.
“I think, you’re nervous...”
Nabalik ako sa ulirat nang marinig kong nagsalita si Mr. Calderon kaya naman napatingin ako sa kaniya. Humugot ako nang malalim na hininga.
“Uhm...”
Nag-iwas akong kunot na kunot ang aking noo. Wala akong maisagot dahil tama naman siyang kinabahan nga ako.
“Let’s go?”
Calm down, Heidi. Walang mangyayaring masama. Huwag mo siyang papansinin at huwag mo siyang titingnan kung narito man siya. Focus ka lang sa kung ano ang dapat mong gawin.
Pagkatango ko ay ang pagbukas niya rin ng pinto. Duma-usdos ang kaniyang braso sa baywang ko. Though sanay na ako dahil isa ito sa mga rules ay hindi na bago sa akin.
Bumungad sa akin ang napakalaking sala. Sa taas nito ay may chandelier. May mga iba’t ibang furniture din sa mansyon na makikita. Sa mga gilid nito ay malalaking flower vase at mga halamanan. Dark brown ang kulay ng bahay at mayro’ng halong puti.Nagpapahiwatig lamang ng kalinisan ng bahay at dinagdagan pa ng mga malalaking picture kung saan makikita ang pamilya ng mga Calderon.
Nilagpasan namin ang hagdanan patungong pangalawang palapag. Dumeretso naman kami sa malaking pinto. Pagkabukas nito ay boses nang tawanan ang bumungad sa amin. Nang matigil ang tawanan ay isa-isang napaangat ng tingin sa amin ang mga nakaupo.
Hinanap ng aking mata ang hinahanap ko. Hindi nga talaga ako nagkamali! Nang magtama ang tingin namin ay saka ko lang napansin ang pagkagulat na makita ako ngunit bigla itong napalitan nang matatalim niyang tingin.
Bumulong nang mahina sa akin si Mr. Calderon malapit sa aking tainga na kaming dalawa lamang ang makaririnig.
“Why? Did you know her?”
Sabay tingin niya sa babaeng tinitingnan ko rin. Yes! I know her... I know her too well. Pagkabalik niya ng tingin sa ‘kin ay nakataas na ang kaniyang isang kilay. Waiting for my answer ngunit wala talaga akong maisagot.
Dapat magfocus lang ako ngayon sa gagawin ko. Calm yourself, Heidi. Hindi pwedeng magpapaapekto ka sa appearance ng babaeng ‘yan!
And what is she doing here? Relatives ba siya ni Mr. Calderon? Nang naisip ang mga tanong na ‘yun ay bigla akong natigilan. Napagtantong hindi sila magkaano-ano.
Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Mr. Calderon. Nabasa niya siguro ang iniisip ko.
“Siya ‘yung babaeng ipapakasal sa akin...”
Mahinang-mahina pang bulong. Ang mga bisig niya ay kapit na kapit sa aking baywang.
Confirm! Isang matinding pagpapanggap! Lalo na’t magkakilala kami sa simula’t sapol pa lamang. So... I need to act comfortable with her and do what I need to do.
“Nandito na pala kayo, hijo...” sabay tingin sa akin nang nagsalita.
Siya siguro ang Mommy niya. Nakangiti ngunit mataray naman kung tumingin siya sa akin. Naghagod ang kaniyang tingin at tumigil malapit sa may baywang ko kung saan ramdam ko ang mga bisig ni Mr. Calderon.
“Good morning po, Sir and Ma’am,”
Magalang kong bati at maganda ang ngiti.
“Mom, Dad. This is Rian. My girlfriend.”
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomansHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...