Naniniwala talaga akong, hindi mo kailangan madaliin ang pag-ibig. Hindi mo kailangang... agad na hanapin ang pagmamahal na nararapat sa ‘yo dahil kusa silang darating sa buhay mo.
May mga araw talaga noon na... natatanong ko palagi si lord. Bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend?
Bilang isang NBSB, parang ang hirap naman magkagusto uli sa isang tao kung sa buong at napakaraming taon... iisang tao lang ang inaasam mo. Sabi nga nila, bago ka mapupunta sa love, na talagang masasabi mong mahal mo na ang taong iyon.
Una paghanga, hinangaan ko siya hindi lang dahil sa unang kita ko pa lang sa kaniya. Hinahangaan ko rin siya sa mga bagay na nakikita ko kung ano ang mayroon siya.
May nakita ako, ang sabi, based on psychology study, crush is only 4 months, so it means if you like someone for 5 months or years, it’s not a crush anymore. It’s love.
Pangalawa, sabi ko noon baka gusto ko na siya. Kasi... bakit aabot ng taon kung paghanga lang ito. Pero... masasabi mo bang, gusto mo na ang isang tao kahit umabot man ito ng taon kung ni isa ay walang naging ugnayan sa inyo?
Iyong... hanggang tingin ka lang talaga sa kaniya pero may kung ano ka pang nararamdaman bukod sa tingin mo at nahahatak nun ang damdamin mo.
Pangatlo, if it’s a love, bakit hindi ko itry? ‘Di ba? Wala nga kaming nagiging ugnayan ni Jahru pero sa likod ng mga tinginan namin, sobrang laki ng epekto dahil sa malalapit sa amin at sila ang naging daan upang magkalapit kami.
Kung ito na ang sign galing kay God para buksan ang aking puso, dadahan-dahanin ko iyon upang hindi lang namin kinikilala ang isa’t isa. Mabibigyan pa namin ang isa’t isa ng pagkakataon na maipakita ang nararamdaman at pinaparamdam ng puso.
Hindi namin kailangang madaliin ang sa amin. Sabi niya nga, we can take it slow... ‘yun din ang pinanghawakan ko.
“Um... I think we need to leave so that they can talk.”
Sabay-sabay kaming napatingin kay Tita Clara at binalingan ang kung sino man ang tinitingnan niya.
Sa malayong distansya, nakatingin siya.
Rinig ko ang tunog ng ngiti sa labi ng tatlong babae na mahalaga buhay ko.
“Siguro nga at dapat nga talaga,” ani Tita Milda.
“Baka gusto mong hanapan kita ng mapapangasawa, Milda. May isa pa akong Kuya.”
Agad silang nagtawanan kaya napasabay rin ako at napatingin kay Tita Milda na nakangiting nakatingin sa akin. Napayakap sa kaniya si Mama kaya nagkaharap kami.
Hinaplos niya ang aking mukha at bumulong.
“I’m sorry...” na kaagad kong inilingan.
“Naiintindihan po kita.”
Nang kumalas si Mama sa yakap ay siya naman ang humarap sa akin.
“Mukhang kailangan na nga talaga naming umalis,” sabi niya.
Nang tingnan niya si Tita Clara sa aking likuran ay sabay-sabay silang nagsi-tayuan. Huling yakap pa kay Mama at wala na silang tatlo sa harapan ko.
Sinundan ko ng tingin ang kanilang pag-alis. Naroon pa rin si Jahru kung saan siya nakatayo. Naunang naglakad ang dalawa kong Tita nang tumigil si Mama sa harapan ni Jahru.
Noon, pinagmamasdan ko lang siya sa malayo, ginugusto rin siya ng palihim sa malayo.
Nakita kong nginitian ni Jahru ang Mama ko at tumango-tango pa ito. Nang makitang papaalis na si Mama ay umusbong ang humihirintidong kabog sa puso ko.
‘Yung para bang ang gaan-gaan naman sa pakiramdam pero ang pusong hindi mapalagay ang nagbibigay init at haplos sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...