Chapter 26

35 4 0
                                    

“Mama, kailangan ko pa ba talagang makipag friends kay Wilma? I don’t like her!”


Boses iyon ni Jahru.


“Don’t say that! Siya ang magiging future wife mo! Jahru! Where are you going!”


“Hayaan mo na,”


“No! Jahru! Bumalik ka!”


Nang makitang lumabas si Jahru sa kusina nila ay napatago ako sa isang sofa. Malalaking hakbang ang lakad niya, mukha siyang naiinis.


Napatulala naman ako. Ibig sabihin, may babae nang para kay Jahru...


Malungkot akong lumabas ng malaking mansion nila. Pumaparito ako minsan kasi dito nagtra-trabaho si Papa. Kaya rin, doon ko rin nakilala si Jahru at nasisilayan siya.


“Ano bang mukha ‘yan! Napakaganda ng araw tapos iyan ang bubungad sa ‘kin!”


Nakarating ako ng gate nang marinig ko ang boses ni Alona. Malungkot akong napaangat ng tingin sa kaniya. Nilagpasan ko siya at ramdam ko naman na sumusunod siya.


“Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin na magkakaroon na siya ng asawa?” nalulungkot pa rin ako.


Rinig ko ang singhap niya sa aking likuran. Natawa rin.


“Aba’t! Hoy! Kibata-bata mo pa! Agad nang lumalabas iyan sa bibig mo! Hindi mo pa nga alam salitang, “love”!”


Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya at hinarap siya.


“Alam ko kaya!” paghahamon ko. Hinamon niya rin ako.


“O sige nga. Ano?”


Kaagad akong nakaisio ng sagot. Narinig ko iyon habang nakikinood ng palabas sa kapit bahay namin.


“‘Yung pagsasabi ng “I love you” at “Magdi-date tayo”


Paglalaban ko sa nalaman ko ngunit  tinawanan niya lang ang sinabi ko at naunang maglakad.


Sinundan ko naman siya.


“Oy, Alona! Mali ba ako?” nagtataka ko naman tanong.


“Mali!”


“Bakit? Hindi ba ganito ang nararamdaman ko kay Jahru?” ang lungkot sa aking boses ay nariyan ulit.


“Mali nga! Paghanga lang iyan!”


Napatigil naman ako sa paglalakad. Tuluyan Nang nalungkot sa kaniyang sinabi. Nang napansin niyang hindi ako sumunod ay tumigil siya at agad naman akong nilapitan.

“Kapag nagtagal ‘yan, doon mo masasabi...”
Taka ko naman siyang tiningnan. Parang may gusto pa siyang sabihin ngunit ayaw niya itong sabihin sa akin.


“Masasabi ang ano?” usisa kong tanong.


“Basta! Ikaw ang makasasagot nun!”


“Talaga!?”


“Oo nga! Ang kulit mo naman!”


Napangiti naman siya nang makita ang sigla sa mukha ko. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.


“Bakit? Hindi ka ba mahal ng pamilya mo?”


“Ano bang tanong ‘yan!” natawa ako sa tanong ni Alona kaya natawa rin siya.

“Dalian mo na nga! Ipakilala mo na ako sa Lola mo.”


Nag-iba ulit ng alaala akong nakita. Bigla akong nakarinig ng malakas na buhos ng ulan. Isang tinig ang aking narinig.


“Heidi! Tumayo ka!”


Tinulungan akong makatayo ni Alona.


Bitiwan mo, Jahru! Kaya ko siyang tulungan! Hindi niya kailangan ang tulong mo! Sumama ka roon sa kanila na pinagtatawanan siya! Alis! Layo!”


Basang-basa na kaming tatlo sa ulan. Imbis na sumilong na kami ay nakayanan pang awayin ni Alona si Jahru. Galit na galit.


“Hindi ko siya tinawanan! Tinutulungan ko nga ‘di ba!?”


“Ewan ka sa ‘yo! Hindi ka nakatutulong!”


Mabilis akong kinaladkad ni Alona papalayo at mabilisan na inalis sa harap ni Jahru kasama ang mga studyanteng masama ang tingin sa akin.


“Si Jahru! Lalagnatin siya, Alona! Sandali lang!”


Nagpumiglas ako sa hawak ni Alona pero mahigpit ang pagkakahawak niya.


Pinagtatawanan ka na ng tao natuto ka pang mag-alala sa kaniya!? Unahin mo nga ang sarili mo!”


“Pero mapapagalitan siya! Hindi ko naman siya nakitang tinawanan ako!” pagtatanggol ko.

“Ako nakita ko! Kitang-kita ng malaki kong mata! Tara na! Umuwi na tayo!”


“Pero, Alona–”


“Ikaw ang mapagagalitan kapag hindi ka lumayo sa kaniya!”


Hindi na ako nakaangal sa kaniyang sinabi. Sa gitna at sa malakas na buhos ng ulan, nanlalabo ang mata kong tinapunan siya ng tingin sa malayo habang siya’y nakatingin sa aming papalayo.


Diyos ko naman anak! Bakit ka nagpaulan!?”


Bahing ako nang bahing pagkarating ko sa bahay. Tinanggap ko ang tuwalyang ibinigay sa akin ni Mama. Inihatid ako ng kotse nila Alona dahil hindi na rin naman ako makapupunta pa sa mansion nila Jahru kung saan doon nagtra-trabaho si Papa.

Bilisan mo riyan at uminom ka agad do’n ng gamot.”


Si Jahru...


Napatameme ako habang naisip siyang nagpapaulan. Paniguradong lalagnatin siya. Bumahing ulit ako at isang tulo ng sipon ang lumabas sa aking ilong.


Ang bigat ng talukap sa aking mata ang nag-aaya sa aking matulog na.


Pagkatapos kong magbihis at kumain ay natulog na ako dahil sa sipon. Pakiramdam ko ay lalagnatin na ako.


Unti-unting nawawala at lumalabo rin ang taong nakikita sa alaala ko.


Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon