Dahil kay Ma’am Toniette, naalala ko bigla ang babaeng nakabanggan ko.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad pauwi na galing school nang makapulot ng kulay gold na card. Kumikintab ito nang makita ko sa daan. Mukha siyang ⅛ na index card pero matigas ito.
Nakalagay sa taas ang “Girlfriend for rent”. May nakalagay na note roon. Ang sabi...
“You are lucky because you picked it up. Call this number if you are curious and interested. If not, recommend it to others. For girls only”
Location: Corlach RiverhillUna, hindi ko siya pinansin at itinago lang sa may cabinet ko. Hanggang sa may babae akong nakasalubong sa school habang nagmamadali kaya nagkabungguan kami at nahulog ang kaniyang mga gamit.
“S-Sorry,” aniya.
Tutulungan ko na sana siya nang isa sa mga gamit niya ang naagaw ng aking pansin. Kapareho iyon sa napulot kong card. Gold din ang kulay nito.
Nagmamadali at inuna niyang pulutin ang card bago ang mga ibang gamit niya at mabilisan nang umalis sa harap ko.Pagkauwi ko noon sa bahay ay ‘yun ang una kong inasikaso. Curious talaga ako rito pero ayokong galawin baka kasi patibong ito at baka ikapahamak ko pa. Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ngunit sa huli ay ginawa rin.
Nanginginig ang aking kamay nang may sumagot sa tawag. Wala pang nagsalita kaya kinabahan ako hanggang sa may nagsalita rin.
“Hello, Ms. Antoniette Artiaga speaking. Free to end this call if you’re not interested,”Napahinga ako nang malalim. Hindi naman katakot-takot ang kaniyang boses bagkus malumanay at friendly talking pa kung magsalita.
Akala ko isa ito sa mga patibong ng scammers, kidnappers o mga taong gustong manloko.
“C-Can I ask something?”
May takot pa rin ang boses ko nang magtanong. Mabilis itong tumugon sa kabilang linya.
“Yes, of course. What is it?”“Gusto ko lang malaman kung ano ang ibig sabihin nitong gold card. Hindi ko po maintindihan kung ano itong nakalagay na “Girlfriend for rent”. T-Trabaho ba ito?”
Kinapalan ko ang mukha ko dahil curious talaga ako. Pero kung hindi naman niya masasagot ang tanong ko kasi kung hindi naman ako interesado ay ayos lang din.“You’re right. Our business is very private. Ang swerte mo nga dahil ikaw ang nakakuha. Kung sa ibang bansa, ‘yung mga taong wala pang ranas na magkaroon ng boyfriend, turuan kung paano makuha ang taong gusto nila o umamin sa taong gusto nila at ang magiging customer namin iyong mga taong i-a-assign namin sa kanila para maguide sila. Ito ‘yung mga taong curious sa pagmamahal, kung paano umamin ng nararamdaman at higit sa lahat... hindi marunong magmahal. Bakit nga ba kailangan pa ng ganito sa bansa nila? Well, hindi natin sila maque-question.”
Sana hinaba ng kaniyang sinabi ay tumigil muna siya saglit.
“Itong business namin ay opposite sa kanilang business. Sa amin, ito naman ‘yung mga taong in-arrange marriage sa taong hindi naman nila mahal. At magiging customer naman namin ay kayong magpapanggap na girlfriend nila para hindi matuloy ang gusto ng kanilang mga magulang. May mga rules din naman kami na dapat sundin kapag may schedule na kung kailan kailangan ka ng magiging client mo. Ang perang makukuha mo ay depende sa client kung gaano ka kagaling magpanggap at maipakita sa magulang niya na totoong may mahal itong iba. Ganoon lang kadali hindi ba? But wait, there’s one golden rule na bawal at pwede...”
Muntik na akong hindi huminga nang paliwanagan niya ako at malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin nito. Yeah. Indeed. This business is fucking interesting!Ngunit napapitlag ang aking tainga sa huling sinabi niya. Sa sinasabi niyang golden rule na bawal at dapat mong mapigilan.
“A-Ano po ang bawal at hindi?” I stammered.
“The Golden Rule: Don’t fall in love.”
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomantikHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...