Chapter 7

98 25 0
                                    

“Wala kang dalang payong?”

Lumabas siyang mayroon nang dalang payong.


Nabalik ako sa ulirat at kaagad siyang tiningnan. Ang pagbabalik tanaw ko ang mas lalong pinapaalala ang aking nararamdaman at pagkakagusto sa kaniya.

Napakurap-kurap ako. Pakiramdam ko rin may nararamdaman akong pagka-excite sa tiyan ko na hindi ko maintindihan.

Lumalapit pa nga lang siya sa akin ang epekto niya sa nararamdaman ko ay sobrang nagpapakaba sa akin. Pakiramdam ko rin naririnig niya na ang kabog ng puso ko kahit malakas man ang buhos ng ulan.

Hindi niya itinanggal ang kaniyang tingin sa akin. Ano bang ibig sabihin ng mga tingin niya? Did he feel the same, too? Kung ano rin itong nararamdaman ko sa kaniya?... ganoon din ba siya?


Sa mga tingin niya... sa ipinapakita ng kaniyang tingin... ayokong isipin na posible ring mayroon siyang nararamdaman sa akin.

Pipilitin kong simula ngayon ay hindi ako mag-a-assume. Kung ano man iyong ipinapakita niya sa akin ay iisipin kong mabait lang talaga siya sa kaniyang ginagawa.
Sige, sinabi mo ‘yan Heidi ha? Kapag ikaw tumiklop...


Pero...


What if... I confess my feelings to him now? I think... this is the right time since I couldn’t confess my feelings to him before. Ano naman kung mabasted ako ng crush ko? Ano naman kung mafriend zone ako? Ayos na siguro ‘yun sa akin kasi... matagal ko na rin itong tinago.
Tuwing nagkakatinginan kami, gumaganda ang araw ko.


Huminga ako nang malalim. Handa na sa sasabihin.


“J-Jahru, I...” napakagat ako ng labi.

“Hmm?”


Lumapit siya sa akin kaya nakasilong na rin siya sinisilungan ko. Napaatras ako at paatras na humakbang para mas makasilong pa siya.


“U-Um... ‘yung p-payong mo,” napalunok ako ng laway pagkatapos kong sabihin iyon.

Hindi maderetso kung ano nga ba talaga ang unang sinabi. At saka... kung makatawag ako sa pangalan niya parang close na close kami. Natawa ako sa pag-iisip na iyon.

Ngumiti siya at inilagay sa gilid namin ang kaniyang payong. Biglang pumasok sa isip ko ang kaniyang tanong na hindi ko na nasagot.
Bakit? Ipahihiram niya ba ako?

Sobrang imposible pa rin kasi sa akin na makausap at makita siya nang harap-harapan.


“May pasok ka pa ngayon?”


Malumanay at kaswal lamang ang pagkakatanong niya pero ako pakiramdam ko ay hindi pa nga nagsasalita magkakanda-utal-utal na ako. Napayuko muna ako at mariin na pumikit. Bigla ring pumasok sa isip ang nakuhang schedule niya sa mga subjects.


Umiling ako at nag-angat ng tingin sa kaniya ngunit hanggang lamang sa kaniyang dibdib. Hindi makayanan kung makipagtinginan din ako.


“W-Wala na. Actually, pauwi na ako.”

Do I need to thank Chynna for calling me and telling me to comeback to our school?

“Talaga? Nakita kitang pabalik...”


Shit! Kumalabog nang husto ang puso ko. Maaliwalas ang kaniyang mukha at nakikita kong may ngiti sa labi niya.

Ano, Heidi? Guni-guni na naman ba? O assumera ka lang talaga?

“K-Kasi...”


Biglang natigil sa ere ang aking sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko. Si Chynna... sinagot ko kaagad ito at niloud speaker. Malakas din kasi ang ulan.

“Hello...”


“Heidi, sobrang malakas ang ulan. Huwag ka na lang bumalik dito. At... saan ka na nakarating? I’m sorry, dapat nakauwi ka na.” aniya sa nag-aalalang boses.

“Ayos lang. Malayo pa naman ako sa terminal,” sagot ko sa kabilang linya.

“Iniwan mo pa naman ‘yung payong mo sa ‘kin! Sabing sasabay naman ako kila Cherry. May pamasahe ka pa ba? Sumakay ka na lang papuntang terminal mamaya niyan maubusan ka ng last trip.”


“Oo, meron pa. Kapag hindi na malakas ang ulan, sasakay na ako.”

Natapos ang pag-uusap namin ni Chynna na paghihingi niya ng tawad dahil pinapabalik niya ako. Habang nag-uusap kami ay pinapakiramdaman ko lang si Jahru.

Nakatingin lang siya sa akin kaya naaasiwa ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa kaniyang isip dahil nahihirapan akong basahin ang mga tingin niya.


Huminga muna ako nang malalim. Aamin na sa kaniya. Tumingin ako sa kaniyang mata sa mata. His dark eyes looking straight to my eyes at ibibigkas na sana ang mga salitang iyon nang...



“I like...you.”

Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon