Nag-vibrate ang cellphone ko at kaagad kong kinuha ito. May text si Jahru... napapikit akong sumandig sa upuan ng bus. May kumikirot sa puso ko. Hindi ko maintindihan.
Hinintay ko munang umandar ang bus bago siya nireply-an.
Jahru:
Umuwi ka na raw? Pinuntahan kita sa room niyo, wala ka na.
Pagkabasa ko sa laman ng text niya ay napangiti ako. Nagtipa naman ako ng reply.
Ako:
Oo, medyo sumakit kasi ang ulo ko after ng exam. Sorry, hindi na kita natext.
Pagsisinungaling ko sa text. Ang totoo niyan gusto ko munang mapag-isa. Maraming katanungan ang gumugulo sa isip ko ngayon. Parang may gusto akong sagot pero hindi ko maipaliwanag kung anong tanong sa sagot na gusto kong malaman.
May mga taong makasasagot sa tanong ko pero hindi ko alam kung sino ba ang magsasabi sa kanila ng totoo.
Pagbalik ko ng room kanina ay normal akong pumasok. Napagalitan pa ako ng instructor namin dahil mahigit 30 minutes akong late. Lutang na lutang akong naglalakad at natauhan lang nang may makabungguan sa daan.
Napabuntong hininga ako. Pinagmamasdan ang mga dinadaanan habang mabilis ang andar ng sinasakyan. Ano ang nangyari six years ago? Ang alam ko lang talaga may isang taong matagal ko ng gustong-gusto. Hindi ko maamin-amin ang nararamdaman ko dahil natatakot ako.
Kung sa loob ng anim na taon, maraming nangyari, ngunit bakit wala akong matandaan tungkol sa mga sinabi nila Wilma? Si Wilma? Classmate ko. Ang alam ko first day of school ay hindi maganda ang ipinapakita niya sa akin. Si Winea? Isang old friend na may galit sa akin pero hindi ko alam kung ano ang dahilan ng ikinagagalit niya sa akin.
Nawalan ba talaga ako ng alaala? Kung oo, bakit natatandaan ko si Jahru? Bakit kilala ko siya kung gano’n? Bakit alam kong matagal na kaming magkaibigan ni Winea. Si Chynna? Bakit alam ko rin na matagal na kaming magka-internet friends at ikinwe-kuwento ko pa sa kaniya si Jahru.
Hindi sana ako mababalik sa ulirat kung hindi ako kinausap at tinicket-an ng konduktor sa bus.
“Saan?”
“Quezon Street po,”
Tinanggap ko ang ibinigay niyang ticket saka ito tiningnan kung ilan ang babayaran kong pamasahe. Pagkaalis niya ay hinanda ko na ang bayad para sa pagbalik niya ulit ay ibibigay ko na lang.
Sumandig ulit ako sa kinauupuan ko at napabuntong hininga. Laliman ko man ang aking pag-iisip, damihan ko man ang tanong sa aking isipan, mahihirapan pa rin akong hanapin ang kasagutan kung ganitong wala akong maalala.
But the big question is, bakit masakit? Hindi ko maintindihan pero masakit. Hindi ko alam kung bakit pero sumasakit.
Sa pagdaan ulit ng konduktor ay ang pagtigil din ng bus. Ibinigay ko sa kaniya ang aking bayad sabay napaangat ang aking tingin sa taong pumasok sa bus. Umandar na ang bus. Palinga-linga ang tingin ng babae para siguro sa mauupuan. Tinawag siya ng konduktor at itinuro ang katabi kong upuan.
“Dito may bakante pa,”
Nang magtama ang aming tingin at dahan-dahan sanang maglalakad nang ibalik niya ulit ang tingin sa ‘kin. Napahawak siya sa upuan para mabalanse niya ang kaniyang pagtayo ngunit ang ikinatataka ko ay kung bakit gulat siyang nakatingin sa akin. Nangunot ang aking noo.
Mabilis siyang nagpara.
“Manong para ho! Para ho!”Tumigil ng dahan-dahan ang bus dahil mabilis ang andar ay ganoon pa rin ang sinasabi niya. Pinagtitinginan naman siya ng ibang mga pasahero.
“May naiwan ho ako,” sabi pa nito.Nang tumigil na ay dali-dali siyang bumaba. Pagkalabas niya ay hindi muna siya umalis at parang may inaantay siya na umandar ang bus para may makita dahil may sinisilip siya.
Nang malapit na ang bintana sa aking kinauupuan at nakikita ko na siya, gano’n din siya sa akin ay agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang kaliwang kamay. Hindi ko alam kung ako ba talaga kaniyang tinitingnan.
Kinunutan ko siya ng noo dahil sa akin siya nakatingin. Hindi ko naman siya kilala pero gulat na gulat ang kaniyang itsura habang nakatingin sa akin.
Bumalik ako sa tamang posisyon ng pagkakaupo ko at isinawalang bahala na lamang iyong napansin. Baka hindi naman talaga ako ang kaniyang tinitingnan.
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...