Chapter 36

25 1 0
                                    

Pumaliko ako sa kaliwa, may daan din sa kanan pero dito ako sa kaliwa dumadaan para mabilis lang akong makahanap ng masasakyan.


Napatigil ako. Hindi ko inasahan na makikita ko ‘yung Winea sa malayo. Nakatingin siya sa akin kaya nagkatinginan kami.

Si Winea... kaibigan ko siya? Gusto ko na siyang maalala.


Nagulat ako sa lakas ng kulog kasabay ng pagkidlat kaya napapikit ako. Bigla akong napahawak sa aking ulo. Nakararamdam ng sakit. Naging mabilis ang paghinga ko dahil sa nararamdamang pananakit.


Nang sunod-sunod na ang pagkulog ay napatakbo ako, umuulan na naman. Sa pagtakbo ko’y wala na akong nakitang bulto ni Winea. Ang patak ng ulan ay marahan lang, hindi malalaki at malakas.


Napasilong ako sa isang tindahan. Tiningnan ko kung mayro’ng tao pero wala naman. Sinilip ko rin kung naroon si Winea pero wala naman. Baka namamalikmata na naman ako.


Huminga ako nang malalim. Gusto nang takbuhin ang papunta sa waiting shed. Kaso kapag nagpaulan ako baka magkasakit din. Hihintayin ko na lang na tumigil.


Si Winea... naaalala ko na siya. Pero sa katauhan ni Winea, mayroon pa akong nakita. Kumusta na kaya siya? Sana hinintay niya ako sa paglipas ng isang taon. Sana hindi siya napagod na hintayin ako...


Napatayo ako nang maayos. Si Jahru... madadaanan niya ako. Teka... akala ko ba nauna na siyang umuwi? Nang malapit na siya sa tindahan na sinisilungan ko ay bigla siyang tumigil.


Napaiwas ako ng tingin. Siguro bibili kaya umusog ako ng kaunti.


Sumabay ka na,” my eyes widened at napakurap-kurap ako bigla.


Malinaw naman iyong narinig ko. May dala siyang payong at nakatingin sa akin. Hindi pa kasi tumigil ang ulan.


“U-Uh... hihintayin ko na lang siguro na tumigil ang u-ulan,” papahinang sabi ko.


“Hindi na ‘to titigil,” kinunutan ko siya ng noo dahil sa kaniyang sinibi. “I mean, mamaya pa titigil. Gusto na kita...”


Napanganga ako. Ano raw? Ano’ng sinabi niya? Gusto niya ako!?


“Gusto na kitang isabay.” bigla ko rin naitikom ang aking bibig. ‘Yun pala ‘yon. Kahiya!


Heidi, huwag agad maging assuming. Kinakain pa ako ng hiya habang sumabay sa kaniya dahil malalaki ang kaniyang hakbang kaya hindi ako nakasasabay sa lakad.


Hindi ko naman siya kilala. Nag-offer naman siyang sumabay na ako baka siguro naawa lang. Oo! Naawa lang. Nakarating kami ng waiting shed. Napakagat pa muna ako ng labi bago magpasalamat.


“Salamat sa paghatid...”


“You’re welcome. Kunin mo na ‘tong payong,”


Napapailing na ako sa sinabi niya. Itinaas ko pa ang kamay para ipakitang hindi ko kukunin.


“It’s okay. May sasakyan ako.” dagdag pa niya.


Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na siyang tumalikod sa akin at patakbong umalis.


“Teka, sandali!”


Nagpapaulan siyang umalis. Napatingin ako sa kaniyang payong. Baliw na siya! Pwede naman niya itong gamitin kasi sa kaniya naman ‘to at bakit...


Napabuntong hininga na lamang ako nang malakas. Hindi ko na kasalanan kung sipunin o lagnatin siya dahil sa pagpapaulan niya.


Nang makauwi na ako, hindi ko sinabi kay Mama na mayroon akong kaunting naalala. Na mayro’n nang nabalik sa aking alaala. Pero alam kong, hindi pa iyon buo.


Agad kong hinanap si Chynna sa facebook. Nagpapasalamat ako dahil ‘yung dating facebook niya pa rin ang kaniyang gamit. Habang pinipindot ang “add friend” button ay naalis ang panginginig sa aking kamay.


Naiiyak ako. Sa paglipas ng taon, sana tanggapin niya pa rin ako kung bakit hindi ako nagparamdam sa kaniya. Pinindot ko ang message at nagsimulang mag-type.


Unang chat ko ay kinumusta ko muna siya. Sinabi ko rin na miss ko na siya ng sobra. Humingi rin ako ng sorry dahil ngayon lang ako dumating. Sana, gano’n pa rin kami sa dati. Sinabi ko ang lahat ng mga gusto kong sabihin. Bakit hindi siya naikuwento sa akin ni Mama?


Ang naisip kong tanong na iyon ang nagpasikip sa aking dibdib. Pagkatapos kong maipaliwanag ang lahat ay kinalma ko ang aking sarili. May kailangan pa pala akong hanapin.


Paano ko nga ba mahahanap ang pangalan ng crush ko sa facebook kung name niya lang ang alam ko? Simulan na ang pag-iimbestiga, Heidi!


Tinype ko ang name niya pero alam ko naman na iba ang lalabas na surname at hindi ko siya makikila nun. In-stalk ko ang mga classmate ko isa-isa. Inuna ko na ang President namin, baka sakaling mutual sila sa facebook. Nang makitang private ang account niya ay balik ulit ako sa search button.


Kay Jaime’ng account naman ako nangialam. Nang makitang hindi naman ito nakaprivate at hindi nakatago ang mga friends niya ay napangiti ako.


Hinanap ko sa mga reactor ng profile niya baka sakaling nagre-react itong si Jahru. Nang walang makita sa ibang pics ulit. Nang wala pang makita sa iba ulit. Napagod lamang ang kamay ko ka-e-scroll.


Pumunta ako sa “see all” kung saan naroon ang mga mutuals at kung ilan ang kaniyang friends. Unang-una roon si Hannae Hanaccuedo. Sinearch ko ang name ni Jahru at naghintay sa lalabas. Marami siyang friend na Jahru. Jahru Dela Vega. Jahru Galicia at marami pang iba. Ang dami! Nag-scroll pa ako pababa hanggang sa isang account ang nakakuha ng aking attention.


Pangalawa niyang name itong Jahru. Napapalunok pa akong pindutin iyon. Pagkapindot ko ay napapikit ako. Pasilip-silip sa account niya nang kaagad ko itong naimulat. Napatakip ako ng bibig.


Siya nga! Gosh! Nahanap ko na ang account niya! Kuha ang picture niyang nakasandig ang likod sa may corridor. Sobrang gwapo!


Ngayong nahanap ko na, palagi ko na siyang i-stalk-in. Kinilig ako at napangiti nang malawak. Ganito lang pala kadali hanapin ang mga account ng magiging crush ko.


Sa paglipas pa ng mga araw ay hindi ko na muna sinabi kay Mama na mayroon na akong naalala. Sa mga araw na iyon, bibihira ko nang nakikitang dumadaan doon si Jahru. Kahit hinihintay ko talaga siyang dumaan. May araw naman na, gano’n palagi. Palaging natatapos sa eye-to-eye contact. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun.


May ibig bang sabihin ang tingin niya?


Dapat bang... once na nagkaroon ng crush ay dapat sabihin kaagad? Pero natatakot ako. Nag-a-assume na ako sa mga tingin niya lalo na sa mga ipinapakita niya sa akin.


Matindi akong napailing. It’s just a small crush, Heidi. Mawawala rin iyan. Soon, it’ll go away. It’ll fade away. Makikita mo, hindi mo na siya kusang iisipin kasi crush mo lang iyon.

Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon